CHAPTER NINE

7.2K 184 2
                                    

Please subscribe to my YouTube channel 👉 ASSUMER21 CHANNEL

Instagram: assumer_21




Haleina's POV

"You may kiss the bride" narinig na lamang niyang anunsyo ng pari

"Congratulations Mrs Klyde Leigh Medrano,finally natupad din sa wakas ang mga Plano mo,pagkatapos pagsawaan ang ama ay anak naman ngayon " makahulugan na sabi ni Klyde,mahina ngunit mariin na bulong nito habang nakangiti bago siya halikan sa gilid ng kanyang labi na parang pinandidirihan at may nakakahawang sakit

Isang masigabong palakpakan angnarinig niya pagkatapos at kaiat kanan ang mga bumabati sa kanila

Pero ang lahat ng iyon ay hindi pumapasok sa utak niya ang tanging nararamdaman niya ngayon at umuokupa sa isipan ay TAKOT isang malaking takot para sa sarili

Ngayong Wala na si lolo Magnus at asawa na siya ng anak nito ay nahiling niya noong kakalibing pa lamang ng matanda na sana ay hindi na lang ito namatay

-----FLashback----

"Haleina anak,ipangako mo sa akin na habaan mo pa ang pasensya sa anak kong si Klyde kapag mag-asawa na kayo"hindi siya nakapagsalita agad at parang nagtayuan lahat ng balahibo niya sa buong katawan,para itong bomba na sumabog malapit sa may tenga.

" Lo-lo "nangingilid na ang kanyang luha ng makuhang magsalita pero hindi niya naituloy ng hawakan nito ang kanyang kanang pisngi

"Alam ko na mahirap para sayo ang hihilingin kong ito,Pero kilala ko ang anak ko nabubulagan lamang siya dahil sa galit at Alam ko ring mas lalo pang titindi ang galit niya sa akin at maging sayo

Ito lamang ang naisip kong paraan para umuwi si Klyde dito at para na rin sa kabutihan mo ito.Nang sa ganun ay mayroong magpoprotekta sayo sa sindikato na magpahanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ang mastermind,mapapanatag ang kalooban ko at hindi mag-aalala sayo sakaling mamatay na ako" mahinang paliwanang ng matanda na nakaratay sa hospital bed na isinugod na naman  niya kagabi dito dahil sa sakit nitong colon cancer stage four

"Lo,wag po kayong magsalita ng ganyan hindi pa kayo mamatay,di po ba hihintayin mong matapos ang resthouse na ipinapagawa ko at ako ang interior designer once na matapos iyon at doon tayo titira" umiiyak na sabi niya

Sunod-sunod itong umiling na lalo niyang ikinaiyak ng malakas,hindi man niya ito kadugo ay ipinaramdam sa kanya ni Lolo Magnus ang pagmamahal higit pa sa kanyang mga tunay na magulang,mas pinili nitong lumayo ang sariling anak wag lang siyang mapahamak

"Lo sige po kahit ano pa yang hinihiling mo gagawin ko,gusto nyong pakasalan ko si Klyde pumapayag ako basta ipangako mo na hindi ka pa mawawala,hindi pa po ako handa lolo Magnus,ayoko ko pong mawala kayo lolo,,,,,"

"Haleina dalaga ka na pero hindi pa rin nawawala ang pagiging iyakin mo,lahat ng tao mamatay nagkataon lang na nalalapit na ang oras ko,alalahanin mo palagi na Mahal na Mahal kita kayo ni Klyde lalo ka na ikaw ang unica hija ko" pilit ang ngiti nito dahil sa sakit ng tiyan na nararamdaman kahit mataas  ang dosage na itinurok dito para mabawasan ang pananakit ay Wala ding silbi,kitang-kita niya ang paghihirap nito na dumudurog sa kanyang puso at halos ayaw na niya itong tingnan

"Lo,Mahal ko din-lo?lolo Magnus?!" napatayo siya sa kinauupuan at natataranta ng makitang bigla na lamang nanginig ang katawan ng matanda at tumarak ang mata"Doctor ,nurse!"sigaw niya ng pindutin ang button na naroon sa kwarto

"Ma'am kailangan po ninyong lumabas" pamimilit sa kanya ng dalawang nurse habang mahigpit niyang hawak sa isang kamay ang matanda

"Lolo Magnus wag mo akong iiwan,lolo!" sigaw niya ng sapilitan na siyang hilahin palabas ng mga ito"Iligtas ninyo ang lolo ko,hindi pa siya dapat na mamatay"patuloy siya sa paghagulhol ng maiwan sa labas ng kwarto

Makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang pintuan ng kwarto at dali-dali siyang pumasok sa loob.Para siyang ipinako mula sa kinatatayan at hindi na maihakbang ang sariling mga paa ng makitang natatakpan ng kumot si Loli Magnus.

Parang gusto niyang magsisigaw at sisihin ang mga doctor at nurse na doon,pero walang lumalabas sa kanyang lalamunan

Walang tigil ang masaganang luha mula sa kanyang mata at hindi maalis ang tingin niya kay lolo Magnus na natatakpan ng kumot

"Lolo madaya ka hindi ko pa kaya na iwan ako,nasanay ako na palagi kang nariyan sa tabi ko kahit gaano ka pa kabusy sa trabaho,lolo Mahal na Mahal kita ,makasarili po ba lolo kung ayaw pa kitang mawala kahit alam kong nahihirapan ka na sa iyong sakit"

---END OF FLASHBACK---

ang mga salitang iyon na tanging sa isip lamang niya nasabi at magmula noon ay maswerte na kung makapagsalita siya ng isang beses sa maghapon dahil hanggang ngayon ay nagluluksa pa din siya kahit dalawang buwan na ang nakakalipas magmula ng mamatay si Lolo Magnus

"Anong gusto mong palabasin na ikaw ang nakakaawa sa sitwasyon nating ito?Ops Nakalimutan ko na palabas mo lang ang lahat ng ginagawa mo ngayon,kasama na ang pag-iyak mong iyan,Pero deep inside nagsecelebrate ka dahil sa wakas mayaman ka na may asawa pang batang-bata,kaya ngayon alam ko na ang dahilan mo kung bakit hindi kayo nagpakasal ni papa dahil mas gusto mo pala ay ang tulad ko na pwede mong ipangalandakan sa mga tao,nagkunwari kayong mag-ama-amahan sa harap ng ibang tao at PINAIKOT MO SIYA PARA PUMAYAG NA MAGPAKASAL TAYO AT KAHATI  PA SA MAMANAHIN KO NA DAPAT AY AKIN LANG!Hindi ka ba napaligaya ng ama ko at pati ako ay tinuhog mo,!you are such a bullshit whore"umiiling na sabi nito sa kanya ng nasa loob sila ng sasakyan patungo sa airport

Loveuall::miss A

VIRGINITY for SALE CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon