Chapter 76

1.5K 43 0
                                    

Patrick's POV

"Anong sabi? May picture ba ni Jace? Okay na ba si Jace? Nagising na ba sya?," sunod-sunod ko na tanong...

Binigay nila ang cellphone sa akin, at dali-dali akong tumingin sa Cellphone...

Mark Jim Lee
25 minutes

Think Positive, please pray for my Cousin, Mikael Jenny Jace S. Clinton😖😭

Tapos may picture si Jace na ganun parin yung kalagayan nya, napakaraming nakakabit sa katawan nya, may oxygen at kung ano-ano pa...

Agad ko na ibinalik yung cellphone...

I feel relief kasi buhay pa sya...

"Guys magvideo call tayo," sambit ko...

"Ano bro? Video call eh magkasama na tayo ahh, tanga lang?," sabi ni Xandy...

"Lanya ka, Idol mo ba si Mark? Naging free data ka na rin eh," pambabara ko sa kanya, "ibig ko sabihin si Mark yung tawagan natin,"

Nakipag video call nga kami kay Mark, I mean ako lang pala...

"Hey bro," bati nya sakin habang nakangiti ng pilit..

"Mark, kumusta na sya?," yumuko si Mark at nilingon yung likod...

"Wala bro eh... M-makina na lang yung bumubuhay sa kanya," tumulo yung luha nya ganun rin sakin...

"Gagaling pa ba sya?," tanong ko...

"Tinapat na kami ng doctor, imposible na raw eh... Si Tita Stacey tuloy, makailang ulit nawalan ng malay," sabi ni Mark...

"Pwede ko ba syang makita?," tanong ko...

Tumango si Mark at iniharap yung cellphone nya kay Jace...

Kung tutuosin para lang syang natutulog kaso dalawang bwan na syang hindi nagigising...

Napatulo nalang yung luha ko habang pinagmamasdan sya...

Wala na ngang mga galos at sugat.. Malinis narin at wala ng dugo yung balat nya, pero ang katutuhanang nasa bingit na sya ng kamatayan, yun ang di ko matanggap...

"Hey babe... Gumising ka na.. M-miss na miss na kita... Bumangon ka na jan, papakasalan mo pa ako diba?," sabi ko sa kanya habang tumutulo ang luha...

Ang sakit isipin na, wala akong makuhang sagot...

"2 months na, pero walang sign na magigising pa ba sya," narinig ko na sabi ni Mark...

"Jim, sinong kausap mo jan?," narinig ko ang boses ni Tito at nakita ko syang pumasok sa kwarto ni kinalalagyan ni Jace...

"Oh, kausap mo pala si Patrick," masaya na sabi ni Tito, pero nasisiguro ko na malungkot parin sya...

"Hey tito," bati ko sa kanya...

"Can we talk?," nabigla ako sa sinabi nya...

"Cge tito," ibinigay ni Mark yung cellphone kay tito saka lumabas si Mark...

"Kumusta ka na?," tanong ni Tito..

"Well as you can see, I'm not fine as before," sabi ko sabay ngiti ng pilit... "Tito, I'm sorry, napahamak sya dahil sakin," tumutulo ang luhang sabi ko...

Ang drama ko kahit kaharap ko yung tatay ni Jace...

Eh sa di ko mapigilan eh...

"I'm not blaming you for what happened," sabi ni tito saka ngumiti, "Love can kill humans but at the same time, LOVE heals everything," sabi ni tito habang nakatingin kay Jace... "I'm not a perfect man, I committed a sin---a sin of love... Si Mikael yung naging bunga,"

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Where stories live. Discover now