CHAPTER 25: Zed's life

1.1K 45 1
                                    


Zed's POV

parang ang taray naman ata? haha pero talagang hanga ako sa ganda niya, yes. I know na may anak at asawa na siya pero ba't gano'n? pinipigilan kong mainlove nung una ko palang siyang makita pero di ko kaya, this is wrong Zed.

sumisikip ang dibdib ko kapag nakikita ko siya, hindi naman atabng masama na magka-crush ako sakanya? ssshhh lang kayo readers ah! wag kayong maingay.

"Mamshie!" tawag ko kay mama na nag huhugas, mamshie talaga ang tawag ko sakanya kasi gusto niya eh, haha ampota mukha akong bakla!

"Nak Zed! musta 'yung pag punta mo sa Forrester?" tanong sakin, umupo naman ako sa sofa at tinanggal ang sapatos, "medyo oks lang naman mamshie, uhmm anong ulam?" pag iiba ko ng usapan.

si Mamshie, may sakit siya sa puso. kung tutuusin siya 'yung Mamshie na kayang gawin ang lahat for you, walang imposible sa Mamshie ko, di ko kayang mawala siya sakin, siya lang 'yung nag iisa kong pamilya. Pano nalang kung bigla siyang mawala? pano na ako diba? haha. Di ko naman hahayaan 'yun.

"adobo, nak. alam ko kasing paborito mo 'to e, haha"

ngumiti nalang ako ng mapait. gusto kong yakapin si Mamshie ngayon, pero puta lang kasi baka mabakla nanaman ako, hindi ko mapigilan ang luha ko kapag nakayakap ako kay Mamshie. tangina lang haha.

"mamsh, pwede po bang i-date ko kayo mamaya? hehe" kamot ulo kong sabi kay mamsh. bigla niya namang nabitawan ang sandok na hawak-hawak niya.

"talaga nak? hahaha gusto ko sana kaso maraming gawain dito sa bahay, di naman pwedeng takasan ko ito e."

"ako nalang po ang gagawa niyan, magpahinga ka na muna po." inalalayan ko siya nang pumayag na siyang magpahinga, malakas ang kutob ko.

Oo, malakas. kasi everytime na niyayaya ko si Mamsh na lumabas nakakatulog siya. alam ko naman na pagod siya, kaya magpahinga na muna.

hinugasan ko ang lahat ng hugasan na hindi natapos, pinunas ko ang luhang sabay sabay na tumulo sa kwelyo ng t-shirt na suot ko, ang sakit. masakit na makita ko si Mamsh na ganyan, tangina lang kung pwede lang na palit kami ng sitwasyon gagawin ko, ayoko lang na nahihirapan ang Mamsh ko.

simula kasi noon wala pa kaming nahahanap na mag dodonor kay mama ng puso, alam niyo naman na mahirap makahanap ng gano'n, pero may naisip na akong idea. Ibibigay ko ang buhay ko kay Mamsh kung kina-kailangan, diba gagawin ko ang lahat para sakanya. Si papa kasi hindi na namin alam kung nasan na eh, hindi naman kami gano'n kayaman para makahanap agad ng donor ng puso.

nang matapos ko ang gawain, tumabi ako kay mamsh na nakahiga dito sa sofa, pinag masdan ko ng mabuti. Mas lalong sumisikip ang dibdib ko kapag nakikita kong ganito si mamsh, wala sa ilang minuto ay niyakap ko ito.  Ito nanaman 'yung nakakabadtrip na luha na sabay sabay na tumulo. Naramdaman ko naman ang pag tap ni mamsh sa likod ko, nagising ko siya. "Mamsh, wag mo akong iiwan ha." tangina bakla.

"nak, di kita iiwan mag-isa. Pero kapag dumaan ang araw na wala na ako, kailangan mong masanay anak, hindi lahat ng oras nasa tabi mo ako ha, kailangan mo lang na masanay na wala ang mamsh, nak mahal na mahal kita." tangina, di na ata matitigil ang luhang tumutulo mula sa pisngi ko. mga salita palang ng mamsh ko nasasaktan na agad ako. sa totoo lang ako na ata ang pinaka madramang lalaking gwapo sa buong mundo.

"mamsh naman, di mo naman ako iiwan eh! dito ka lang diba? 'yung adobo ko kailangan ko pang matikman bukas ma! hehe, sige ma. tulog na ulit, sorry naistorbo po kita." wala na akong narinig na salita. tumayo na ako na inayos ang pagkakahiga ni mamsh.

lumuhod ako mula sa maliit na altar na naandito sa bahay.

pinag dasal ko si Mamsh, na sana wag niya akong iiwan. Di ko kasi kaya eh, haha di ko kayang mag-isa, lalo na't si Mamsh nalang ang nagmamahal sakin. Ang drama ko pota haha.

-

"mamsh! kain na po tayooo~ ininit ko po 'tong adobo na niluto niyo! hehe gising na maaa :) " nakangiti akong inaayos ang dalawang pares ng plato at mga kutsara.

"nak, ba't di mo naman ako ginising. sana ako nalang ang nag-init niyang adobo na parobito mo." lumapit sakin si Mamsh.

hula ko nakalimutan niya ang mga sinabi niya kanina sakin, hays.

"oks lang ma, tara na po hehe. mamaya po kasi aalis po ako, pupunta po ako sa bahay nila Ren. 'yung plano po kasi namin para sa gagawin naming bahay."

"bahay?" kunot na noo ni mamsh na tanong.

"yes ma, tambayan lang po hehe. sa likod ng bahay nila gagawin namin, malawak po kasi sa likod ng bahay nila kaya kasyang kasya ang tambayan na gagawin namin."

"nak, pag pasensiyahan mo na ha. hindi man kaganda o kalawak ng bahay nila sa bahay natin at least anak may tirahan tayo hehe"

tumawa naman ako ng malakas, "HAHAHAHAHA mamsh naman! di ko naman po kelangan ng malaking bahay para sating dalawa eh, kontento na ako sa kung anong meron tayo ma haha." pagkatapos ng usapan namin ay nagpa-alam na ako kay mamsh na aalis na muna, tapos ko naman siyang pina-inom ng gamot para sa puso niya.

pina-andar ko na ang kotse, oo may kotse ako binigay to sakin ni Papa bago niya kami iniwan ni Mamsh, di ko naman tinanggihan kasi kelangan din to namin ni Mamsh. kung tatanugin niyo kung galit ba ako kay Papa, hindi ang sagot ko. dahil kahit anong mangyare hindi ako magagalit kay papa.

-

"paaarrrr! musta? haha gara ng kotse natin ah!" bumaba ako sa kotse ko at nakipag bro-fist sakanila.

"ke papa 'yan, binigay sakin." ibinulsa ko ang susi ng kotse, dumerecho kami sa loob ng bahay nila. Ang ganda talaga.

"titaaa! bless po."

"ijo, ba't hindi mo sinama si Mareng Zen?" nakangiting salubong niya sakin.

"eh pinatulog ko na po, tas mag papahinga pa po siya e, siguro po next time isasama ko po siya sa susunod na pagpunta ko dito." sabi ko.

"o siya ijo, kumain ka na ba?"

"yes tita." sagot ko naman.

"maaa! mamaya ka nalang makipag chika kay Zed, e di pa kami tapos dito sa likod eh!" sigaw naman ni Ran, tumawa nalang si Tita. pumunta kami likod nila para tapusin ang plano kung ano bang design ang pwede naming gawin dito. Btw, my course is Engineering.

-

habang inaayos namin ang mga kahoy ay may biglang sumulpot na maliit na boses.

"kuyaaaa! snack niyo daw to sabi ni Mama!" sigaw niya kahit ang liit ng boses. psh hahaha ang cute hays.

tinarayan niya naman ako, taenaaa hahaha laptrip din to eh! wala naman akong ginawa sakanya eh HAHAHAHHA

how cutee.

"may topak amp!"

"HAHAHAH kelan pa ba yan nawalan ng topak, Ren?"

"I think i'm inlove paarr"

"ano par? may sinasabi ka? lakasan mo naman di kita namin marinig eh! haha" fvvvcckkkk?! BUTI NALANG DI NILA AKO NARINIGGGG!!! PAKSHEEEETTTTT!!!!!

"ha? wala haha sabi ko tapusin na natin to hehe."

"ahh haha tara" kamot-ulong sabi ko.

potangeners! HAHAHA muntikan na ako dun ah! 

[Book 2] Ms. Matapang meet Mr. Masungit (COMPLETED) (Editing)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang