MJSA 4 - #Kapre

4.1K 131 7
                                    

Chapter 4

Sa pagkakataong ito, dito ko matatanong ang Diyos. Seryoso, Lord? Siya pa talaga? Sa kidami-dami ng nilalang na nabubuhay dito sa mundong ibabaw?

"What the fuck are you doing outside my house, freak!?" asik niya at marahas na inalis ang kaniyang rayban.

Para naman akong napatigalgal pero tangina wag kang lalampa-lampa! Hindi 'yan ang pagkakakilala niya sayo.

"Nandito ako par—"

Natigilan ako nang maglakad siya palapit sakin na parang susugod siya sa gyera.

"We don't need a maid who has a background of burglary." Mariin niyang sinabi habang pinanliliitan ako ng mata.

Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Burglary? Teka, san ko nga ba narinig ang burglary? English ba to ng bulgar o pagnanakaw sa tagalog?

"Anong pinagsasabi mo? Nandito ako dahil kai—"

"Leave! You don't know what I could do just so I couldn't see your hideous face!" asik niya.

Nanlaki ang mata ko. "Hoy!" sigaw ko at tinuro siya. Anong hideous? Tunog mabantot!

"Para naman gusto kitang makita, nu! Kung hindi ko lang kailangan pum—"

"Ako na ang nagsasabi, as part of the owner of this house, hindi ka makakapasok sa pamamahay ko! Now, leave if you don't want me to fucking call a police!"

Anak ng kagang! Sinusubukan talaga ako ng lalakeng to! Napipikon nako ah?

Dinuro ko siya. "Hoy! Pwede bang patapusin mo muna ako, hah? Hindi yung pinuputol mo ang sinasabi ko! Nandito ako para kay Mrs. Shari Aldeguer, at hindi sayo!"

Saglit siyang natigilan sa sinabi ko. Mahina siyang napamura. "Are you by chance the daughter of the heart donor of my father?" tanong niya, nakakunot parin ang noo.

Tumaas ang kilay ko. Ngayon alam mo na. "Oo, bakit, hah? Ano, palag ka?" sabi ko at bahagya pang tinaas ang manggas ko.

"Fuck!" mura niya at mabilis na pumasok mula sa malaking gate.

Pagkailang minuto ay kaagad namang may nagbukas sakin na hula ko'y kasambahay at pinatuloy ako.

Nang tuloyan akong nakapasok sa malaking mansyon ay hindi ko maiwasang mapahanga. Noon paman, hilig ko ng makakita ng mga ganitong klaseng bahay, at noon paman, hilig ko nang magbasa ng mga disenyo sa loob ng bahay dahil nakahiligan ko na ang gumuhit.

Malawak at napakaganda ng bahay. Gaya ng mga nababasa ko, patok ang disenyo ng bahay nila sa masa ngayon. Hindi ko lamang lubos na alam kung anu-ano ang mga ito.

Ang salas nila ay may malaking flat screen TV at may malaking pinagsamang itim at puting sofa. Mayro'n din silang tinatawag na carpet sa gitna ng TV at sofa.

Iba makatingin ang kasambahay sakin ng iwan niya ko sa salas. Para bang gusto niyang magsalita pero hindi niya magawa, at parang gusto niya kong irapan pero di niya magawa.

Buti pa ang isang to at marunong magpigil. Siguro ay gano'n ang utos sila dito, ano? Na hindi ako awayin, kaya pala halos mapamura si Sheun.

"Sa wakas! You're finally here, hija!" maligayang sabi ni Mrs. Shari Aldeguer ng pumasok ito mula sa isang bukana.

Napatayo ako at tipid akong napangiti. "Magandang umaga po, Mrs. Aldeguer. Ako nalamang po ang nakarating dahil nagmamadali si Uncle Nido." sagot ko at bahagyang yumuko.

Napakaganda ni Mrs. Aldeguer at alam kong manghang-mangha siya sa peklat na nasa mukha ko.

"I am so glad that you're finally here, Winry. Matutuwa ang asawa ko dahil nasa puder kana namin." Aniya at saka ako nilapitan.

Master Jerk (Master #2) (Completed)Where stories live. Discover now