MJSA 49 - #Annulment

4.4K 123 21
                                    

Chapter 49

I watched how Daphne took care of Claus. It was like seeing someone na biglang natauhan nang dumaan ang isang delubyo.

Hindi ko pa nakakausap si Claus dahil saglit ko silang pinagmasdan. Daphne was in tears at hindi mapigilan ni Claus ang mapangiti dahil sa reaksyon nito.

Biglang sumikip ang puso ko. Kahit wala pang sinasabi si Claus tungkol sa planong pinagkaisahan nila, pakiramdam ko totoo ngang sangkot siya.

Biglang nagtama ang mga mata namin ni Claus kaya agad napawi ang malapad niyang ngiti. He gave me a half smile kaya tipid rin akong ngumiti sa kaniya.

Hindi ko alam kung magagalit ba ko sa kaniya o hindi. Alam kong hindi nga niya ko trinaidor kung titignan mo dahil gusto lang din naman niyang madakip si Daymos.

Pero dito sa isip ko, kahit bali-baliktarin mo, he betrayed me for teaming up with our enemies.

"Daph, can you leave us for a while?" masuyo niyang sinabi sa aligagang si Ate.

Napatingin siya sakin at kay Claus. Napakagat labi ito at tumango. Sumulyap muna siya samin bago siya umalis.

Wala sa sariling nilingon ko ang mga taong nasa likod ko. Wala na si Mommy at kakalabas lang ni Daphne. However, Sheun stayed without a blink.

Tinitigan ko lang siya, my eyes did the talking to make him leave. Ngunit agad ko itong pinagsisihan dahil mukhang ganoon rin siya. May sinasabi ang mga mata niya na hindi ko maintindihan.

Hanggang sa umalis na siya at nanatili akong nakatitig sa pintuang nilabasan niya.

"Cesca..." Claus softly called.

Hindi ako sanay na tinatawag niya 'kong Cesca, but he's the only one who calls me that and it was only be him because he was a special friend and he betrayed me.

"Paano mo nagawa 'yun sakin?" mariin kong tanong.

He heaved a deep sigh, "I don't have a choice. I... I didn't know what to do when I found out na ako ang ama ng anak ni Daphne."

Sumikip ang puso ko. So, totoo nga? Anak nga nila ni Daphne? But how did it happen? How on earth could they have that affair years ago?

"She was the reason why you went AWOL those fucking years, isn't?"

Yumuko siya at napabuga ng hangin. Dahan-dahan siyang tumango.

"I told you, I never stop caring for her. Even how much I've hated her for choosing what's wrong." sagot niya.

Now I'm torn again between understanding or his betrayal to me. Alam kong wala naman akong karapatang magalit dahil anak niya ang pinag-uusapan at ang taong mahal niya.

Am I too selfish to ask, am I not important? Hindi ba't kami lang dalawa ang magkasama noong sinaktan kami? Ganoon nalang ba niya pinatawad ang babaeng ilang beses na siyang sinaktan?

"H-How did you do it? Paano mo siya napatawad kahit... kahit ilang beses kana niyang sinaktan?" nahihirapan kong tanong.

He licked his lips and looked at me, "It wasn't easy if that's what you're thinking. Katulad mo, nahihirapan din akong tanggapin na matagal niyang itinago sakin ang lahat."

"Nevertheless, I found myself in a suicidal situation which I only thouht of her and our daughter. Gusto kong makasama ng buo ang magiging pamilya ko, Cesca. Gusto ko ng maging masaya."

Ikinuyom ko ang mga kamay ko. Sino ba naman ako para isumbat pa sa kaniya na ako ang taong nakasama niya. But, a part of me saying I'm being selfish.

Claus obviously wants to be happy with Daphne and their child. Hindi ko maatim isipin na ayoko. Ayokong ako nalang ang miserable dahil sobra nakong makasarili no'n.

Master Jerk (Master #2) (Completed)Where stories live. Discover now