Nakakapagod ang dalawang araw na byahe namin. Halos pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa sobrang panghihina. Nakakahilo ang bawat alon, idagdag pa ang ilang beses kong pagsusuka na halos wala nmn din akong nilalabas. Ang nanay ko ay ilang beses akong hinilot at pinaamoy ng white flower upang bumalik lang ang kulay ko at mawala ang pamumutla.
Nakahinga lang ako ng maluwang ng makaapak ang paa ko ng patag. Hindi talaga ako sanay sumakay ng barko dahil hindi naman din ako mahilig magbiyahe. Pumara ang nanay ng taxi at may binigay siya na address sa taxi driver
"saan tayo titira dito ma?" nilibot ko ang paningin sa labas ng bintana ng taxi. Mga batang naglalaro at iba't ibang kabahayan ang aming nadaanan bago kame nakalusot at malinis na kapaligiran na ang aking nakikita. Ginagap ni nanay ang aking kamay at mariing pinisil
"uuwi tayo sa bahay namin anak" mabilis akong napalingon kay nanay, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Anong bahay?
"may bahay tayo dito ma?" umiling siya. Naghihirap ang mga mata niyang akong tinignan. Pati ako ay nahihirapan habang nakikita ko na nahihirapan si nanay magsalita kaya hinayaan ko na lang na gagapin niya ang kamay ko at hindi ko na siya pinilit magsalita
Pumasok sa isang subdivision ang taxi. Mabuti at pinapasok kame ng guard. Bumaba pa muna si nanay bago may idinayal ang guard at kinausap ni nanay. Tapos saka kame nakapasok. Mahigpit din ang seguridad. Pagpasok ay namangha ako sa iba't ibang ganda at laki ng bahay na bumungad sa akin. Hindi ko na nga alintana ang ilang beses na pagpisil ni nanay ng mahigpit sa aking kamay.
Huminto sa isang kulay asul na gate ang taxi. Bumaba kame ni nanay at pinasalamatan ang driver saka pinindot ni nanay ang doorbell
"kanino etong bahay ma?" nginitian ako ni nanay saka ginulo ang aking buhok. Grabe ginawa niya akong bata. I am already twenty-one years old and yet she treats me like a child.
Bumukas ang gate at niluwa ang isang nakangiting may-edad na lalaki katabi neto ang isang seryoso pero maganda parin at may-edad na babae na hindi nalalayo ang edad kay nanay. Tinignan ko si nanay at ngayon ko lamang siya nakitang may maaliwalas na mukha sa kabila ng pagod sa kanyang itsura. Nakangiti din si nanay habang may luha sa kanyang mga mata
"kuya" rinig kong bulong niya. Nagulat ko kaya pabalik-balik ang tingin ko sa lalaki at kay nanay.
"ate" sabi ulit ni nanay. Hanggang sa narinig kong tumawa ng malakas ang lalaki at ilang beses kong narinig na nagsorry si nanay. Ate siya ng ate at sorry ng sorry. Wala akong naiintindihan!
Niyakap ng lalaki si nanay at ni tap ang likod neto. Nang ang babae na ay bigla etong umatras at sinamaan ng tingin si nanay
"at last the prodigal daughter is home" mapang-uyam netong sabi. Doon lamang nag sink-in sa akin na ang mga kaharap ko ay ang pamilya ng aking ina. Nanlaki ang mga mata ko at kumabog ng mabilis ang aking puso. Ang malaking bahay sa likod nila ay nagpapatunay na mayaman ang pamilyang kinabibilangan ng nanay ko. Buong buhay ko ay namuhay ako ng simple at naayon lamang sa kong ano ang meron kame at kayang ibigay ng aking mga magulang. Ni hindi ko akalain na sa hindi ko pagkilala sa kamag-anakan ng mga magulang ko ay may itinatago pala sila sa akin. Kong hindi ba nangyari ang pagbubuntis ko at pagpapalayas sa amin ay wala bang balak ang nanay na sabhin sa akin ang katotohanan? Parang kuntento na kasi ang nanay sa pagtira namin sa remedyos.
"ate patawad, I-i m so sorry" iwinasiwas ng babae ang kanyang kamay saka ako tinignan. Mapanuri ang kanyang tingin
"Is this your daughter with him?" may pait akong narinig sa kanyang tanong. Yumuko si nanay at tumango. Matagal akong tinitigan ng babae. Sinusuri.
"She looks exactly like me, fria. Mas mapagkakamalang anak ko siya kesa anak mo. Let's get inside and talk" ang boses niya ay punung-puno ng otoridad. Nginitian ako ni nanay at hinawakan ang aking kamay
"siya ang tita Fiona mo anak. Siya ang nakatatanda kong kapatid na babae. Siya naman ang tito raul mo. Siya ang panganay sa aming tatlong magkakapatid" I was gaping. Hindi ko mapaniwalaan ang lahat ng nangyayari. Nabuntis lang ako. Pinalayas lang kame. Tapos ganito ang malalaman ko. What is it with my mother?
BINABASA MO ANG
Unrequited Love ✔
ChickLitThe Simon's series 1 Grade seven nang una niyang masilayan ang kauna-unahang lalaking nagpatibok sa kanyang batang puso. She was starting her adolscence age and he was now in college. Hindi naging hadlang ang layo ng agwat nila upang pangarapin ang...