Nineteen

5.4K 90 2
                                    

Nasa ituktok kame ng bundok ni senyorito rave. Kitang-kita ang maliliit na kabahayan ng remedyos at ang napakalaking mansiyon ng mga Simon. Pinagpaalam ako ni senyorito kay nanay at tatay. Alam nmn ni nanay kong saan ang punta namin. Maski ang papa richard at tinanguan lang kame

'Ibalik mo ng buo ang prinsesa ko matthias' narinig ko pa ang seryoso at nakakatakot na boses ng tatay na unang beses na nangyari dahil palageng wala nmn si tatay kapag pinagpapaalam ako ng senyorito. Si nanay lang ang naaabutan niya

"Your in college now free. Have you had crushes?" Nginitian ko ang senyorito saka nagningning ang aking mga matang nakatitig sa kanyang napaka gwapong mukha. Wala man lang ka pores pores

"Syempre senyorito. Marami akong crush" tumaas ang kilay neto at seryoso akong tinitigan

"it's fine having crushe's basta huwag kalilimutan ang limitations. You're still young. Huwag ka muna mag bf. I forbid you to have one. And in the near future gusto kong ipakilala mo sa akin ang lalaking napupusuan mo at kikilalanin ko"

"Baka nmn kikilatisin senyorito?" Saka ikaw lang nmn ang crush ko ngayon ei. Nawawala yung paghanga ko sa iba kapag nakikita na kita. Gusto ko sanang idugtong kaso nakakahiya! Ayoko ngang aminin na crush ko ang senyorito, baka mailang na kame sa isa't isa nun saka komportable akong kasama siya. Ewan ko ba at kahit ganito lang kame ay ayos na sken. Magiging masaya ako kong anuman ang desisyon at buhay na pipiliin niya magiging masaya din ako kong sinuman ang babaeng mamahalin at pakakasalan niya. Matagal ko ng tanggap na hindi kame pwede ng senyorito. Hindi kahit kelan.

"Ay oo nga pala senyorito. Bakit nga pala kayo naglasing noong isang araw? May problema po ba kayo?" Nag-iwas ng tingin ang senyorito at tumingin sa malayo. Kumukunot ang kanyang noo at nagsasalubong ang kanyang kilay. Para talagang may problema siya

"My engagement will be held next month. Dito gaganapin sa remedyos ang celebrasyon. And my wedding will be held next year"

"Oh, hindi ba kayo masaya nun? Dati ang saya saya niyong nagkekwento na ikakasal kayo sa babaeng pinapangarap niyo at sa babaeng mahal na mahal niyo" may lambong ang mga mata ng senyorito habang nakatanaw sa kawalan

"I s-saw her free. I saw her kissing someone else" nakita ko ang sakit na nakabalatay sa mukha ng senyorito. Hindi ko alam pero nasasaktan din ako. Nasasaktan akong makita siyang nasasaktan. Wala sa sarili akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Nakatagilid siya sa akin. Nilagay ko ang aking ulo sa kanyang balikat at hindi alintana ang posisyon namin.

"Hindi ba parte ng pagmamahal ang sakit senyorito. Natanong mo na ba siya kong bakit siya nakipaghalikan? Siguro nmn may mahalaga siyang rason kong bakit niya yun nagawa. Minsan po senyorito nagiging sarado ang isip ng bawat nagmamahal. Mas pinahahalagahan kasi nila ang sakit na nararamdaman tapos magiging huli na ang lahat bago nila marinig ang rason kong bakit nagawa ng taong iyon ang kanyang nagawa. Kausapin niyo po siya senyorito. Pakinggan niyo ang rason niya saka kayo magdesisyon" natapos akong magsalita at pinapakiramdaman ang senyorito rave. Nakailang buntunghinga siya bago ko naramdaman ang kanyang pagkalma. 

"How come you know things about relationships free. Are you sure na hindi ka pa ngkaka-bf at puro crush lang ang meron ka" umangat ang ulo ko at tinitigan ang ngayo'y nakatitig din sa akin na si rave

"Mahilig akong magbasa senyorito, saka kailangan ba may experience sa pakikipagrelasyon kapag nagbibigay ng payo. Don't you worry po. Matutuloy ang kasal na pinakamimithi niyo senyorito" i wink at him. Tumawa siya saka kinurot ang pisngi ko. Natigil kame sa paghaharutan at sabay na bumuntunghinga. Ewan ba at ang bigat bigat ng dibdib ko

"Your the only person that I am comfortable with free" seryoso ang mukha ng senyorito. Nakatitig siya sa akin. Ewan at naiilang ako. Tumikhim ako at tumayo saka nagpagpag.

"Halina kayo senyorito at dumidilim ang langit, baka po hinanap na kayo ng senyora ermita"

-

Dumating ang engagement party ng senyorito rave. Gusto ko sanang pumunta at makisaksi sa kasiyahan ng senyorito kaso hindi ako pinapalabas ng tatay. Isa siya sa mga nagtatrabaho kay senyora ermita. Sabi ni nanay noong nabubuhay pa ang senyor ay isa ang tatay sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ng senyor sev.

Kaya nagkasya na lamang ako sa panunuod sa aming bintana. Ilang minuto akong nakapangalumbaba nang bigla maramdaman ko ang kakaibang kabog sa dibdib. Ang lakas lakas ng kabog at halos hindi ako makahinga. Napatayo ako at hindi mapakali

Magdadalawang oras na akong pabalik balik ng lakad sa aming munting sala nang makarinig ako ng malalakas na katok sa pinto. Binuksan ko eto at tumambad sa akin ang kapitan ng remedyos

"Free, halika sumama ka sa amin. Ihahatid kita sa tatay mo"

"Ano pong nangyari kap? Asan po si tatay? Hindi ba at nagbabantay siya sa mimong labas ng hacienda simon upang masigurado ang kaligtasan ng pamilya. May nangyari po ba sa papa richard ko?"

Huminga ng malalim ang kapitan

"Nabaril ang iyong ama iha. Mabilis nmn ang naka responde ang iba niya pang kasama kaso sa puso siya napuruhan. Dead on Arrival" napahagulhol ako nang marinig ko ang sinabi ng kapitan. Umiling ako habang padausdos na umupo.

Hindi, hindi pa patay ang papa richard. Niyakap ay hinalikan niya pa ako kanina. Sabi niya itetreat niya ako kasi nagtapos ako ng may karangalan. Hindi kasi naka attend ang tatay sa graduation ko. Nangako siya sken. Umiiyak ako habang naririnig ko ang pagdagundong ng langit. Alam kong ilang araw ng masama ang panahon. Tapos biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nagsitakbuhan ang ilang tao,  pinilit akong patayuin ng kapitan at ipinasok sa loob ng bahay.

Ang sakit. Ang sakit sakit. Akala ko tatay ihahatid mo pa ako sa simbahan sa taong pakakasalan at mamahalin ko balang araw. Bakit ganun? Bakit mo nmn kame iniwan ni nanay?

Unrequited Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon