eh umalis pala :(

6.2K 111 26
                                    

ella's pov

"PRETTY!" napalingon ako bigla nung my tumawag sakin, hindi ko alam pagkakita ko pa lang sa kanya bigla na lang tumulo ung mga luha ko, miss na miss ko na siya, at alam ko ngayon andito na ulit siya matatapos na ung problema ko

"ate kailan ka pa nakabalik?" tanong ko habang akap akap ko siya, pakiramdam ko ngayon meron na akong kakampi, ung kakampi na hindi ako iiwan, di kagaya ni nico na hindi ko na nakikita, lalo na ngayon na handa na akong mahalin siya, kahit pa dami akong marinig na masasakit na salita okey lang, basta alam ko kasama ko siya, pero dahil nga napaka tanga ko, pati si nico iniwan na din ako

"kanina lang, buti pala lumabas ako ng bahay, my babalita ako sa iyo, pag balik ko sa quatar sasama ko na kayo ni mama dun, nakahanap ako ng mgandang trabaho kaya, eto na mag sasama sama na tayo" hindi ko alam kung magiging masaya ako o magiging malungkot sa balita ni ate, masaya ako dahil matagal na namin pangarap na mag sama sama, kaso pano si nico? hindi ko nman kayang umalis na hindi kami nag kakaayos, o kahit ba sabihin na natin na makahingi man lang ako sa kanya ng patawad

"bakit parang ang lungkot mo di ka ba masaya?" tanong ulit ni ate

hinatak ko na lang si ate sa loob ng bahay dahila lam ko pag kinuwento ko lahat sa kanya, isang katakot takot na batok ang makukuha ko sa kanya, kaya nung nakapasok na kami sa bahay, kinuwento ko na agad sa kanya ung, mga kasalanan ko na ginawa kila jethro at cristine, pero iniwasan kong ikwento sa kanya si nico, dahil alam ko ung pag delete ko sa request ni nico ang hindi niya maiintindihan kung bakit ko ginawa

"madali lang yan, papalitan natin ung libro at palda na nasira mo, tapos kakausapin natin ung principal niyo para mabigyan ng chance ung lalaki na un para makagawa ng term paper niya" sabi ni ate habang palakad lakad siya sa harapan ko, na kala mo nakapatay ako ng tao at nag pplano siya kung pano ko un lulutasin

nico's pov

"sure ka na ba dito hijo?" tanong sakin yan ni mom, habang sinasabi ko sa kanila na ipabook na ako papuntang america, at hindi ko na iintayin ung graduation, natapos ko na nman lahat nung kailngan kong tapusin, kaya alam kong wala na akong dahilan para mag stay dito sa pilipinas, simula kasi nung tinangihan ako ni ella sa facebook, deneactivate ko na ung account ko, para saan pa yang pesteng facebook na yan, kung yan nman ung dahilan kung bakit, nawala sakin ung mahal ko

"baks hayaan mo na si nico, malaki na yan" sabi ni dad habang hinihimas ung likod ni mom, ewan ko ba dito sa mom ko bakit napakabilis umiyak,parang kanina lang, umuwi na umiiyak, naawa daw siya dun sa babaeng umiiyak sa park, pakiradam daw kasi niya parehas sila ng problema

"pwede bang mag stay ka na lang muna kahit pa 2 days?" sabi ni mom sakin na nakapout pa ng lips, di ko tuloy maiwasan na wag ngumiti, para kasing kamuka niya si ella pag nagpopout siya ng lips

"okey ma" sabi ko sabay akap kay mama

pag akyat ko sa kwarto nag simula na akong mag impake, ayoko din nman magmadali pero kilala ko si mom, alam kong susulitin niya ung 2 days na un para magkasama kami, ayoko nman talgang iwan si ella, kaso humingi ako ng sign kay god kung para ba sakin talga si ella, at yun ung request ko ung naging sign ko, kung iaaccept niya un, habang buhay ko siyang hindi iiwan, pero hindi un ang ngyari, mas pinili pa din niya si jethro, masakit un sakin kaya kailngan ko munang lumayo

"ella" mahina kong sabi habang hawak hawak ko ung balat ng fries sa mc.do, nakakatuwang isipin na dahil dito sa balat ng fries na to,

*flashback*

"waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa" napatayo ako sa hinihigaan kong papag nung narinig ko ung sigaw ng bata, tsk istorbo, ang sarap na sana nung tulog ko kaso mukang merong nag aaway sa labas, andito kasi ako ngayon sa tindahan ng kaibigan ko at nakikitulog, pinakamapayapang lugar kasi sakin dito, walang babaeng sumusunod at nangungulit sakin

"hoy hoy wag ka ng umiyak, wala na kasi ung fries o tignan mo" napangiti ako dun sa itchura nung babae, para kasing naiiyak na din siya dahil walang tigil sa kakangawa ung batang kaharap niya

"gusto ko pa!!! gusto ko pa!!" sabi nung bata habang nakahiga sa simento at nag iiyak, hindi ko alam kung anong meron sakin, pero parang meron sa puso ko na nag sasabi sakin na panuodin ko ung gagawin nung babae

O_Omata ko yan nung nag labas siya ng ballpen sa bag niya, hala baka saksak niya sa bibig nung bata ung ballpen para tumigil na sa kakaiyak, muka pa nman killer ung babae. tatayo na sana ako para awatin sila pero napahinto ako nung mukang my sinusulat siya dun sa lalagyanan ng fries

"o ayan meron nang laman, alam mo totoy, si ate ella di pa kumakain, ayan nga ung pagkain ko kaso hiningi mo, kaya eto na lang isipin natin meron, para mabusog din ako" naging effective ung ginawa ni ella dun sa bata kaya kahit walang laman ung fries, parehas silang sumusubo.

simula ng araw na un sinundan ko na si ella, alam kong hindi siya magada kagaya ng iba, hindi nman un kasi ang nakita ko sa kanya, sa bawat araw na sinusundan ko siya, nakikita ko na mas maganda siya sa lahat ng babae na nakikilala ko, ung puso niya walang katulad, kaya ngayon naiintindihan ko na ung sinabi sakin ni dad na 'wala yan sa muka, lumilipas ung ganda, ung puso hindi yan tumatanda, kung maganda na yan sa simula, hanggang sa huli maganda na yan'

at dun nabuhay si nico na nerd

*end of flashback*

ella's pov

hindi ko alam kung maiihi ako o hihimatayin na ako sa takot habang pinag tatapat lahat ni ate sa principal ung ginawa ko, nakakinis pa dun baka hindi ako makagraduate, lalo na 2 days na lang graduation na namin, at 2 days na lang din aalis na kami, si nico hanggang ngayon hindi ko pa din nakikita, pag pupunta ako sa kanila laging walang tao.

"jethro irving heradura? makakagraduate nman siya, at okey nman tong term paper niya" sabi nung principal habang hawak hawak ung term paper ni jethro kaya kahit alam ko na nangangatog pa ung tuhod ko tinignan ko ung term paper

"hindi ito ung gawa ko" mahina kong bulong kay ate, totoo nman na hindi un ung ginawa kong termpaper, dahil kung titignan mo ung term paper na hawak ko ngayon, muka siyang pinag isipan talga, pero ung sakin, alam mong ginago

"mam sila cristine chua po ba nag reklamo?" tanong ko

"no, kasi ang alam ko nagamot agad ung mga pantal niya ng araw na un, at my nagbigay sa kanya ng gamot" hindi ko alam pero bigla ako nakakaramdam ng kakaiba sa ngyayari, napapangiti ako habang iniisip ko si nico, posible kayang gawa niyang lahat to? juskooooooooooooo sana nga para magkalove life na ako, pero asan siya?

"mam si kean nicolas carpio po asan?" tanong ko habang hinahatak ako ni ate palabas ng principals office, sabi niya kasi baka daw mag bago pa ung isip ng principal at parusahan na ako, kahit pa walang nag rereklamo sakin,

"umalis na siya, 2 days ago pumunta na ng america, nakakahinayang nga at hindi natin siya makaksama sa graduation, ang dami pa nman niyang award" para akong sinaksak sa ulo puso paa sa sinabi ng principal, iniwan niya ako? bakit di siya nag paalam? ang dami kong tanong pero parang nahihirapan akong intindihin ung mga sagot

"tara na, sino ba kasi un?" tanong ni ate sakin habang hinahatak ako, ung luha ko nag simula na silang tumulo sa muka ko, kahit kasi anong pigil ko sa iyak ko, parang kusa lang silang lumalabas sa pisngi ko

tinignan ko na lang si ate na mamaya-papaliwanag-ko-look, para hindi na niya ako tanungin, baka kasi pag binuka ko ung bibig ko, malakas na sigaw lang ung mailabas ko, lalong lalo na ngayon na gustong gusto kong itali ung leeg ko sa lahat nang makikita ko na puno.

"miss brown" napalingon ako nung narinig ko ung boses ng principal na tinatawag ako

"my iniwan palang sulat sayo si mr.carpio bago siya umalis"

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- konti na lang tapos na to hehehe salamat sa mga nag vovote and comment dito salamat po talga mwahhhhhhh

POSER ME??!! (completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora