graduation

5.9K 115 22
                                    

ella's pov

napapikit ako nung nilapit ko sa ilong ko ung sulat na binigay sakin ng principal, kaamoy na kaamoy niya si nico, kaya kahit alam kong enytime papasok sa kwarto ko si ate, hindi ko napigilan ung mga mata ko na wag gumawa ng luha, miss na miss na kita nico, ayan ung sinisigaw nung puso at isip ko.

kung hindi lang sana ako nagbago, kung hindi lang sana ako naging makasarili di sana naging oxygen ko na ung pabango na un ni nico.

pretty,

alam kong kailngan na kitang pakawalan, masakit sakin pero alam kong ito lang ung paraan para hindi na kita msaktan, ilang beses ko nang gustong magpaalam sayo, iwan ka pero kada gagawin ko un, para kang my powers na kaya akong pigilan, kaya dinaan ko na lang lahat sa sulat.

hindi nadali sakin tong paglayo ko sayo dahil mahal na mahal kita, kailngan ko lang lumayo para hindi na kita masaktan, para din tuluyan na kayong maging masaya ni jethro, alam ko nman na ako ung dahilan kaya hindi kayo maging masaya, sana pretty ko maging masaya kayo, kasi pag nakita kitang masaya sumasaya na din ako.

pretty okey lang ba? kung hindi tayo ngayon? ok lang kaya na sakin ka na lang sa susunod na magkikita tayo? sorry i just love you too much.

nico

hindi ko alam kung anong iyak ung gagawin ko, gusto kong sumigaw, gusto kong magwala pero may magagawa pa ba kung sakali na mag wawala ako at magwawala ako? mababalik ko ba si nico pag ginawa ko un? iintayin ko siya? pero babalik pa ba siya?.

napakatanga ko para pakawalan ung tao na kaya akong tangapin kung sino ako, at higit sa lahat kahit ganito ako.

"minsan kailngan talga mawala ung isang tao  bago mo malaman ung halaga niya" napayuko na lang ako nung narinig ko ung boses ni ate, hindi ko naman sinabi sa knya ung tungkol kay nico, pero alam ko nararamdaman ko na alam na ni ate kung bakit ako nag kakaganito ngayon.

"tanga ko kasi" sabi ko habang inaakap ko ung unan at hindi ko pa din binibitawan ung sulat ni nico, hahayaan ko na din ung mga luha ko na tumulo, baka sakali kahi 1 percent nung sakit mawala

"tao ka kasi, alam mo ella madami sa mga tao na hindi nakikita kung anong meron sila, mas pinapahalagahan kasi nila ung mga bagay na kinaiingitan nila sa iba, ikaw di ko man alam o kilala yan, alam kong nawala siya dahil, mas pinili niya na makita mo kung ano siya dapat diyan sa puso mo" napahagulgol ako sa iyak habang nag sasalita si ate, kung hindi sana ako nainsicure sa itchura ko, hindi sana kami nag kaganito ni nico, kung sana hinayaan ko na lang silang saktan ako, hindi sana pati magandang ugali ko nawala sakin

"di niya siya babalik ate" sabi ko habang nakaakap ako kay ate, bukas graduation na namin, at pagkatapos nun aalis na kami, mag kikita pa ba kami kung magkabilang dulo na ng mundo ung lugar namin ni nico? matatangap pa kaya niya ako kung puro sakit lang ung nabigay ko sa knya?

"di un talaga babalik" napabitiw ako sa pagkakaakap ko kay ate sa sinabi niya, kala ko pa nman papagaangin niya ung loob ko ayun pala mas papabigatin pa niya

"ang sama mo" sabi ko sabay pahid ng mga luha ko, umaasa kasi ako na babalik si nico, umaasa ako na mahal niya ako, umaasa ako na bibigyan pa ako ng pag kakataon ng diyos, kahit alam kong sumuko na si nico sakin

"di na un babalik, kasi kung kayo talga sa isat isa, magkikita pa din kayo kahit pa asa north pole ka at south pole siya" nakangiting sabi ni ate sakin

"meron bang south pole?" tanong ko

"malay ko hahahaha, kain na tama na yang iyak mo"

*graduation day*

halos patapos na ung graduation namin, pero kahit anino ni nico wala akong nakita, at pakiramdam ko ngayon mas pangit ung tingin sakin ng mga tao kaysa nuon, sabagay sa dami ba nman ng pangit na nagawa ko sino ba naman titingin sakin ng maganda.

kailngan kong maalala lahat dito sa school, kailngan kong baunin ung ala ala na kasama ko si nico, kasi ayun na lang meron ako samin ngayon, ung magagandang ala ala na kasama ko siya.

"ella" O_O mata ko yan nung paglingon ko nakita ko si cristine kasama ung mga kaibigan niya, ung mga tingin nila sakin parang papatayin na ako, graduation gift kaya nila sakin ung black eye? hays sabagay malaki nman kasalanan ko sa kanila hahayaan ko na lang sila, eto naman na ung huling araw na makikita nila ako

"sige isa isa lang ung sapak ah?" sabi ko tapos pinikit ko na ung mga mata ko

"hahahahaha" O_^ mata ko yan habang nag tatawanan ung mg akaibigan ni cristine, nakakainis nman kasi si ate iniwan ako dito sa labas ng auditorioum na to, napapagtripan tuloy ako

"daliaan niyo na, pag nakita kayo ng ate ko lagot kayo dun" sabi ko habang hinaharap ko kay cristine ung pisngi ko

"ella, sana mapatawad mo ung mga ginawa namin sayo dati, di ko maxplain kung bakit ko un ginagawa, siguro, naiingit ako sayo, kasi kahit ganyan ka, wala sayo ung lahat, ang buti ng puso mo, alam kong wala ako nun, kaya siguro ako galit sayo" seryosong sabi ni cristine sakin

"ah huh? ano" nauutal kong sabi, di kasi ako makapaniwala na isang cristine ung hihingi ng tawad sa katulad ko, lalong lalo na sa ginawa ko sa kanya,

"ako nga dapat mag sorry, kasi sa alam mo na" sabi ko sabay kamot sa ulo ko, nahihiya din kasi akong aminin sa harapan nila ung ginawa ko sa knila

"buti nga un sakin, kasi dahil dun naisip ko na di dapat ung ginagawa ko sayo, kaya ella sana maging magkaibigan tayo"

naiwan akong nakatulala dito sa labas ng auditoriuom, hanggang ngayon kasi hindi pa din ako makapaniwala sa mga narinig ko kay cristine, gustuhin ko man maging kaibigan siya, hindi na din pwede, dahil aalis na din nman kami mamaya, kung meron lang sanang pagkakaton, aayusin ko lahat, as in lahat ng nagawa ko, ibabalik ko si pretty ella na kahit pangit maganda nman ung ugali, ung ella na nakilala nila.

"jethro" sigaw ko yan nung nakita ko si jethro na nag lalakad palabas ng auditoriuom, ung kabog ng puso ko ang bilis, hindi dahil sa kinikilig ako ata nakita ko siya, kinakabahan ako kasi sa huling pag uusap nmin alam kong masamang masama ung loob niya sakin

"congats ella" nakatitig lang ako sa mga mata ni jethro nung nilahad niya ung kamay niya sakin, gusto ko kasing malaman kung galit pa siya sakin o hindi na, kung galit pa siya siguro mahabang panahon pa ung kailngan ko para mapatawad niya ako

"ella" O_O mata ko yan nung inakap ako bigla ni jethro

"di pa din nag babago ung pagtingin ko sayo, alam kong aalis ka na, okey lang ba sayo na magchat tayo minsan?" napabitiw ako sa pagkakaakap ni jethro nung napansin ko na asa likod na niya si ate, pero bago pa makareact si ate binigyan ko na siya nang tingin na mauna na siya

"jeth sorry huh? sorry sa lahat lahat" sabi ko habang pinipigilan ko ung mga luha ko na wag tumulo, naiisip ko kasi kung gano ako kasama, si jethro ung mhal ko dati pero dahil sa galit ko, mas pinili ko siyang saktan, ano pa kaya kay nico, kung si jethro nasaktan ko ng sobra, di lalo na sigurong mas masakit ung nagawa ko kay nico

"wala na un, so start tayo ng bago ah? ung hindi na pangit? well ako pala si jethro irving heradura" sabi ni jethro habang nilahad ulit ung kamay niya sakin

"pretty ella brown, nice to meet you"

nag hiwalay kami ni jethro ng nagkaayos, medjo magaang na din ung loob ko, kahit pa alam kong habang palapit kami sa airport unti unting nadudurog ung puso ko, ung inaasahan ko na makakaayos ko wla, ung inaasahan ko na pipigil sakin wala na, 

"manong ihinto niyoooooooooooooooooooooo" sigaw ko yan sa loob ng taxi nung may nahagip ung mga mata ko.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------2 chapter na lang siguro tapos na to guys, salamat po talga sa lahat ng supporters ng story na to, salamat po sa lahat ng votes niyo.. mwahhhhhhh

POSER ME??!! (completed)Where stories live. Discover now