tatlo

586 9 0
                                    





Malalim ang gabi at malamig ang simoy ng hangin
Sumisigaw ang katahimikan at nag didiwang ang buwan sa langit
Kapansin pansin ang pag kinang ng bituin na para bang wala na itong pagkakataon para kuminang muli
At sa gabing iyon kita natagpuan,
sa pagitan ng dilim at katahimikan
Nakatitig ka sa kawalan,
habang ako naman ay ikaw ang pinag mamasdan
Nagkaroon ako bigla ng matinding galit at poot sa mundo
Hindi ko maintindihan bakit kailangan kong magtago at tanawin ka sa malayo
Bakit kailangan kong maging tanga at bobo sa parehong oras at pagkakataon
Bakit kailangan kong mag tiis ng ganito o kung paano ako makaka wala sa kadenang ako mismo ang nagkabit sa pagkatao ko
Kelan kaya dadating ang panahong mahahanap ko ang susi na ako naman ang nagtago pero nahihirapan akong hanapin ang lugar kung saan ko ito nilagay ngayon
Mahal, Kelan kaya ako magiging malaya?
Alam kong kasalanan ko at tanga ako dahil kasalanan ko pero ikaw ang sinisisi ko pero kasi masisisi mo ba ako?
Hindi ko naman alam na ganito pala ang magiging resulta pag nag mahal ka kasi iba yung pagkakarinig ko sa konsepto ng pag ibig nung hindi pa kita nakikilala
Akala ko puro lang puso at kasiyahan
Pero hindi pala pwedeng puro ganoon lang
Habang pinag mamasdan mo ang kaliwanagan ng buwan, nakatitig ako sayo ng hindi mo nalalaman
Nung mga oras na yon, naiinggit ako sa bituin at buwan
Ako kasi dapat yung tinititigan mo ng ganyan
Pero sige,
Pag bibigyan kita.
Patatawarin kita
Hindi ko na sisisihin ang buwan at hindi na ako magagalit sa mundo
Pero hayaan mo akong magalit sa sarili ko at kasabay nito,
Ang kapatawaran na matagal ng hinihingi ng puso ko
Hayaan mo akong mahanap ang sarili ko na kusa kong ibinigay sayo
Alam ko naman hindi mo iyon kailangan pero dahil nag pabibo ako at nag kunwaring nag mamagandang loob, heto ang naging kinalabasan ng katangan ko
Wala kang kasalanan, mahal
Masyado lang talagang nakaka halina ang katahimikan
At nakaka akit tignan ang bituin at buwan sa kalangitan
Wala kang kasalanan.
Hindi lang talaga ako kapansin pansin kaya hindi mo ako natignan manlang
Hindi mo iyon kasalanan
Kasi sa dagat ng mga bituin, ako ang nasa pinaka ilalim

Unspoken WordsWhere stories live. Discover now