014 • Wanderlust

219 38 7
                                    

WONWOO's POV

Bigla akong nakarinig ng katok sa pinto ng cubicle kung nasaan ako, "Woo?"

Nanatili lang akong tahimik na nakatayo. Sinusubukan punasan ang mga luha kong tumutulo pa rin hanggang ngayon.

"Woo, labas ka diyan, buksan mo yung pinto. May pinapabigay sayo yung taga-archi." Rinig kong sabi ni Jeonghan mula sa labas.

"H-Handali lang, h-handali—S-Sht, Han, pasok ka nga dito, please," pagmamakaawa ko.

"Oh kaya nga buksan mo yung pinto, gaga. Paano kaya ako papasok diyan, magte-teleport?"

"'Di ka nakakatulong." Binuksan ko naman ang pinto ng cubicle.

Bigla akong napatingin sa taas nang may makita akong may  hawak siyang dalawang pulang lobo. Napakagat ako sa labi ko dahil nararamdaman ko nanamang tutulo mga luha ko.

Tumakbo ako papunta kay Han at yinakap siya, mas lalong lumakas ang hikbi ko noong binalik niya ang yakap at sinimulang ihagod ang likod ko upang mapakalma ako kahit papaano.

"Sshh, it's okay." Rinig kong bulong niya saakin.

"'D-Di kayo nagsasabi andito na siya. Dati. . . Dati pa kayong may alam 'no? K-Kaya ayaw niyo akong padaanan sa Archi Dept. at gusto niyo akong mag-dedicate ng kanta sa kanya."

Napabuntong hininga siya, "Ano ba yan, ha? Ganitong-ganito rin kayo nung SHS eh. Mas masakit lang kayo tignan ngayon habang nagpapasahan ng mensahe."

Nanatili lang akong tahimik habang nakayakap kay Han. Siya naman 'tong pinapakalma ako sa pamamagitan nang paghagod sa likod ko.

Naramdaman ko namang kinuha niya ang kanang kamay ko. She started to tie the strings of the balloons on my ring finger, "Sabi niya saakin sorry daw wala siyang dalang panyo. But he hopes that this balloons will make you smile. Kaya tahan na, Jeon."

Sinusubukan kong tumahan pero hindi ko kaya. Sa tuwing napapatingin ako sa balloons, mas lalo akong naiiyak.

"Gusto mo ba siyang makita?"

My answer—was stuck between shaking my head from left to right to say no and shaking my head up and down to say yes.

Instead, silence was the answer that I gave him.

May inilabas na papel si Jeonghan sa bulsa ng pantalon niya at ibinigay saakin. I read the message written on it with my trembling hands.

Dear Wonwoo,

     You'll look more beautiful without those tears in your eyes. I miss you so much. I wish to talk to you soon but I'm still filled with fear and remorse.

     Aayusin ko muna ang sarili ko bago ka harapin, para kapag nilapitan na kita, hindi tayo parehas na masisira.

     Be strong for us, Woo.

Love,
M

PS. Ngumiti ka na sana pagkatapos mo 'tong basahin. It hurts to see you drowning in agony. I bought your favorite red balloons, with bonus smiley face pa yan, haha. I love you! Ngiti ka na.

Napatingin ako sa balloons sa taas, I pulled the strings of the balloons down so I can see the smiling face that he was talking about.

The moment I saw the silly smiley face drawn on the balloons in an attempt to make me smile—the corners of my lips just automatically moved up.

Somehow, these heaviness that I feel in my chest for almost four years, started to be eradicated little by little.

"I miss you too." I closed my eyes and depended on Jeonghan's arms before I felt myself pass out.

•••

Wanderlust • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon