Chapter 15 Hurt

5.3K 90 0
                                    

Lumuhod si carlo kay jona ramdam na ni cindy ang susunod na gagawin ng kuya niya, dahan dahan lumuhod si carlo sa nobya sabay kuha ng maliit na box at dahan dahan binuksan ito.

Nagulat at biglang pumatak ang mga luha ni cindy ng tanungin ng kuya niya ang babaeng mahal niya " jona will you marry me" bumilis ang pintig ng puso ni cindy, mas lalong bumilis ang pintig nito ng tignan siya ni jona sa kinatatayuan niya, inulit ulit ni carlo ang tanong niya kay jona.

At tumayo ito ng dalawang beses hindi na napigilan ni cindy ang nararamdamang sakit mabilis siya tumakbo palayo sa kanilang lahat.

Mabilis na mabilis na takbo hindi alintana ni cindy ang pagod at hingal niya sa pagtakbo hanggang sa natapilok siya at napahiga sa buhanginan.

Iyak at hagulgol lang ang maririnig kay cindy.

Galit na galit si cindy. Masakit para sa kanya ang ginagawang pag oo  ni jona sa proposal ng kuya nito.

Naisipan ni cindy na dumiretsyo sa kwarto nila.

Pagkapasok sa kwarto dumiretsyo siya sa banyo at doon umiyak ng umiyak.

" cindy nandito ka ba" - si lea

Kumatok si lea sa banyo.

" cindy nandyan ka ba sa banyo" - lea

Nagbukas ng gripo si Cindy sa loob ng banyo para hindi marinig ng mga kaibigan ang iyak niya.

" nandyan nga siya" - abby

" hoy cindy bakit bigla ka nawala kanina ah! grabe yung kuya mo pasabog lang ang peg" - sabi ni lea

Sa sinabi ng kaibigan bigla niya naalala ang mga nangyari kanina lalo na yung pagsukyap sakanya ni jona.

Nakaharap si cindy sa salamin kita sa mukha niya ang sakit at galit.

" kanina ka pa ba dyan, lumabas ka na kaya" - lea

" tara baba tayo nagcecelebrate yung kuya mo at si ate jona" - masayang sabi ni abby

Bumukas ang pinto ng banyo at niluwa nito si cindy.

" uyy okay ka lang" - tanong ni lea sa kaibigan

" oo naman" - pilit na sabi ni cindy

Upo si cindy sa kama.

" ano pang inuupo upo mo dyan tara sa baba, hinahanap ka ni ate jona pati na rin kuya mo." - lea

Bulong ni cindy "ako hinahanap niya bakit naman, ayoko ko siyang makita galit na galit ako sa kanya sa ginawa niya, sa pag oo niya sa proposal ni kuya carlo." - Humiga siya sa kama.

Sa paghiga niya hindi na naman niya napigilan ang maluha.

" okay ka lang ba talaga ah" - alala ni abby

" oo nga" - lea

" cindy" - lumapit si abby at umupo sa may tabi ni cindy

Hinaplos ni abby si cindy sa may paanan nito nakatalikod kasi si cindy.

" o    Oo okay lang ako" - mahinang sabi ni cindy sa kaibigan

" sigurado ka ba" - abby

" oo masyado lang akong napagod sa pagswimming natin kanina, gusto ko ng matulog" - pagsisinungaling niya.

" okay sige pahinga ka nalang dito" - lea

Tumayo si abby.

My Kuya's Live in Partner ( GirlxGirl )Where stories live. Discover now