Chapter 2

2.7K 112 34
                                    

CHAPTER 2

Simula kahapon hanggang ngayon na papasok ako ulit sa trabaho ay iniisip ko pa rin kung ano ba talaga ang status nina Chal Raed at Jazz, at kung ano ba talaga ang gender preference nila. Hindi talaga ako matahimik. Kaasar! Sayang kasi iyong magagandang katawan at mukha nila tapos hindi naman pala sila straight.

"Miss, could you perhaps move a little to allow me to have a seat?"

Umusog naman ako agad saka ko siya nilingon. Kyuryos lang sa itsura, maganda kasi iyong accent niya kanina.

Pero, hindi ko gets ang pormahan ng lalaking ito. Mahaba ang black T-shirt na suot niya, naka fitted na ripped jeans, mukhang boots iyong sapatos, ang daming kachar-charan na accessories sa kamay, leeg, at tenga. Para siyang jejemon o hypebeast na handang sumabak sa dance battle any time. Pero, in fairness, may itsura rin ang isang 'to.

"1 minute and 21 seconds." Natinag ako nang bigla na lamang siyang nagsalita at ngumisi. Pero, anong 1 minute and 21 seconds? Pinagsasabi nito?

"Kayo riyan! Mamaya na ang harutan, usog muna, usog!"

Grabe naman itong si Manong Drayber. Pero, sino na naman kayang mga kabataan ang naghaharutan sa loob ng jeep ngayon nang maisumpa ko agad!

"Miss, we'll do the harutan later, but could you please move again so the new passenger may sit?" usal na naman niya at umusog nga ako ulit.

Pero, ano raw? Let's do the...harutan? Huta?!

"T-Tayo ba 'yong naghaharutan?" Hindi ko man lang namalayan na naitanong ko na pala iyan sa kanya.

"Yes, I believe so. When he mentioned the term harutan, his gaze was fixed on us," aniya at itinuro pa niya si Manong Drayber.

Napaka-judgmental naman ni Manong! Saang banda ba ang harutan doon? Tss!

"Maybe he assumed we were doing it since you had been staring at me for 1 minute and 21 seconds," muling usal niya.

"H-Huh? Nabilang mo talaga?" takang tanong ko. Nakangiti naman siyang tumango. Iyong ngiting nakakalusaw! Biro lang.

"Yes, as you were staring at me, I quietly counted behind my back," sagot niya. Kakaiba rin ang isang 'to, ha.

Tumango na lang ako at inalis ko na iyong paningin ko sa kanya.

Pero, sandali...

"Tinitigan kita?! At talagang gano'n ako katagal tumitig sa'yo?! True ba?" sunod-sunod kong tanong kasabay ng kanyang pagtawa.

"Yes, Miss."

"Hindi ako tumititig nang basta-basta lang sa isang tao, Mister Englishero," depensa ko naman sa sarili ko. Mamaya isipin pa nitong gwapong-gwapo ako sa kanya kaya titig na titig ako sa kanya kanina. Tss.

"But, you have just done so. I suppose you were entranced by my nearly flawless appearance and didn't realize you were staring at me." Normal lang naman iyong pagkakasabi niya, walang halong bahid ng pagmamayabang, sa totoo lang. Mukhang sanay na sanay na siyang may mga taong bigla na lamang siyang tinititigan.

"Sorry, napatitig lang siguro ako dahil kakaiba ang ayos mo." Well, iyon naman talaga ang totoong rason.

"You're not required to apologize as you did nothing wrong," nakangiting pang aniya.

Hindi ko na rin siya muling kinausap. Nahiya ako nang slight. First time akong nahuli ng isang gwapong nilalang na nakatitig ako sa kanya. Hay!

Umandar na rin iyong jeep, sa wakas. Diretso lang ang tingin ko sa tanawin sa labas habang iniisip kung makakasalubong ko kaya sa kompanya sina Jazz at Chal Raed. Iyong dalawang iyon ha, ayaw patahimikin ang utak ko. Tsk!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bittersweet Twists And Turns (Revised)Where stories live. Discover now