PROLOGUE

35.3K 403 13
                                    


AUTHOR'S POV

"Maam bettina? Hindi pa po talaga tayo nabibigyan ng appointment ng secretary ni mr.Henson, puno raw po talaga ang schedule niya" sabi ng secretary ni bettina na ikinainit ng ulo niya dahil 2 lingo na niya itong pinapatawagan para isingit na mabigyan na siya ng appointment

"Ang dami nilang palusot, kahit isang oras lng hindi mabigyan ang damot ng oras ng lalaking yon!" Sabi niya sa kanyang secretary na naka yuko

"Umalis kana sa harap ko ana, at mag hanap ka ng paraan para mabigyan na tayo ng oras ng mga henson!" Dagdag pa niya

"Sige po maam aalis na ako." Sabi ng secretarya niya at sinarado na ang pinto ng opisina niya

Tinitignan naman ni ana ang website na binuksan niya dahil ni research niya ang tungkol sa HENSON ETERPRISE at ang may ari nito.

"Gwapo nga pero ang kuripot sa oras, bwisit! Nakakagalit talaga, akala mo kung sino, peste naman!!" Sabi niya sa harap ng computer niya habang tinitignan ang larawan ng lalaki

"Kung sana hindi lang ako bitter sa Anthony Smith Yee na yon, sana siya nalang nilapitan ko para ang lupa nalang niya ang binili ng kumpanya ko, pero bwisit din ang lalaking yon, napaka babaero ng peste! Kaya pasalamat ka ako pa lumalapit sayo!" Dagdag ni bettina na ikinangiwi niya dahil naiisip naman niya ang ex boyfriend niyang babaero

Nang malapit ng mag lunch, umalis na siya sa opisina niya at nag punta sa restaurant kung saan makikipagkita siya sa bestfriend niya dahil tumawag ito na mag lulunch date sila.

Nang maka baba si bettina ng sasakyan niya, nag lakad siya na nakataas noo, at ginandahan niya ang lakad niya dahil kilala din siyang isang modelo kaya ayaw niyang masira ang imahe niya at dapat maganda siya sa mga mata na nakatingin sa kanya.

Nang mapagbuksan siya ng pinto ng nasabing restaurant, pumasok na siya at nakita niya ang kaibigan niyang si Hera kaya lumapit siya doon at bago umopo nakipag beso pa siya.

"Umorder na ako para sayo, alam ko naman na baboy ka kung kumain kaya dinamihan ko na" sabi ni hera kay bettina na ikinasiya niya. Malakas kasi siyang kumain dahil hindi naman siya tumataba pero nag eehersisyo naman siya araw araw sa bahay nila

"Waaa thank you best, kaya love na love kita eeeh! Muah muah"

Ganyan ang totoong ugali ni bettina, napaka masayahin, kalog, mabunganga, maldita, sweet, spoiled brat at lahat ng pagka childish na sa kanya na, ganyan siya sa mga taong kakilala niya.

Sa harap naman ng camera, pa sweet lng ang ginagawa niyang mga pose, ino offeran siya ng daring pero ayaw niya. Pero alam lahat ng tao na isa siyang brattinela na nakukuha lahat ng gusto.

Sa office naman, kailangan niyang maging maldita sa lahat dahil kung hindi, siya ang susungitan lalo nat lagi siyang nagkakamali kaya inuonahan niyang magalit ang mga tao sa kanya doon.

"Ewan ko sayo, oh ano na? Nakapag adjust kana ba bilang isang office girl? O namimiss mo parin maging isang wander girl?"

"Haaay best, kung alam mo lang, kung hindi lng dahil sa last will nila dad, uuuurghhhh best sumasakit nanaman ulo ko pag naiisip ang will na yon!" Humawak si bettina sa ulo niya at umarteng masakit ang ulo niya

"Haay naku best, push mo nalang yan, makaka adjust ka rin!"

"Maam, heres your order" biglang dating ng mga pagkain nila at nilagay na sa lapag nila

"Okay thank you!" Sabi ni hera sa waiter

"Kain muna tayo best, para mawala sakit sa ulo ko!" Sabi ni bettina

"Ang drama mo kahit kailan talaga" sabi ni bettina at kumain na sila

Sa kabilang lamesa naman nila hindi napansin ni bettina na may nakatingin sa kanyang lalaki, tinitignan siya nito dahil sa ang lakas kumain nito at subo ng subo

Couple OR Trouble(DREAME)Where stories live. Discover now