7: A.K.A. 'Thea

1.3K 34 2
                                    

AUTHOR'S NOTE: Maraming salamat sa mga tumangkilik sa ika-anim na yugto ng "The Rich Boy and the Witch Girl." Nang iwanan natin ang ating mga bida, kakagaling pa lamang nila sa sesyon kay Mang Bert, and albularyo ng high society. Ayon kay Mang Bert, walang sumpa kay Andro – sariling katigasan ng ulo ang sanhi ng kanyang aksidente. Ngunit naninilikado ang kanyang mga kaibigan, na may kinaaway na makapangyarihan at misteryosong babe. Sa yugtong ito, patuloy ang pagsaliksik nila sa kung sino nga kaya ang nakaaway nila:

Hinatid nila si Tito Steve sa condo ng kanyang pinakabagong binabahay na girlfriend, at matapos ay hinatid naman si Kimmy sa penthouse niya sa Fort. Ang bossy at "conyo" girl na sinigawan si Althea noong una silang magkakilala sa tambayan ay biglang nagmukhang kaawaawa – kahit pa binaba nila siya sa rotunda ng kanyang engrandeng gusali. Nagmukha siyang pobreng bata, may dumi sa mga pisngi at hawak na halaman. Malungkot ang kanyang mga mata nang mag-wave siya sa kanila sa pagpaalam.

Nakakaawa, isip ni Althea. Nagmukhang talunan at bugbog-sarado ang vibes ni Kimmy. Pero ganoon naman talaga ang ginagawa ng sumpa sa isang tao. 'Yung talagang papagurin ang biktima. Minsan lang ang biglaang pagpatay, ngunit ang kulam malimit ay parang "death by a thousand cuts" – maliliit na pananakit na walang hupa hanggang ang biktima ay parang patay na naglalakad. Malungkot. Pagod. Nalayo na sa pamilya at kaibigan. Nag-iisa.

Kung tama ang pakiramdam ni Althea, maaga pa ang pagkahuli nila sa sumpang ito. Nabawasan man si Kimmy ng ilang ngipin, okay pa rin naman ang kalusugan niya at pwedeng-pwede pa siya ma-save.

Tiningnan ni Althea si Andro, na mag-isa na lamang sa kanyang row sa van matapos umalis si Vice Mayor at si Kimmy. Humikab ang binata at nag-stretch ng mga braso. Tiningnan din niya si Althea.

"You wanna sit up here with me?" tanong ni Andro. "Masyado kang mukhang forbidding dyan sa likod, eh. Para kang multo."

Nag-alinlangan si Althea, ngunit tumayo at lumipat sa tabi niya. "Naalala mo bang mag-iwan ng donasyon kay Mang Bert?"

"Yup," sagot ni Andro. "When you guys were talking, I left something naman. Wala akong dala masyado na cash, though, so I dropped my watch na lang." Winagayway niya kay Althea ang kaliwang kamay, at tumawa ng kaunti. "Okay lang. It's about time for a new Rolex. Na-gets mo? 'Time?' Kasi relo."

Hindi pala siya funny mag-joke. Hindi pumatol si Althea. "Eh si Kimmy?"

"'Yung diamond earrings niya," sagot ni Andro. "Luma na rin naman. They really should take credit cards, you know. Lalo na sa caliber ng mga kliyente na pumapasok 'don."

Nayabangan si Althea kaya't binago ang subject. "So anong next na plano niyo?"

"Ako?" tanong ni Andro. "Walang kulam sa 'kin, remember? And wala ako doon sa kalokohang trip sa Batangas na ika-pinahamak nila so, ano bang magagawa ko? Wala."

"Eh di ba kaibigan mo sila?" protesta ni Althea. "Kahit papaano involved ka. Dapat ma-involve ka."

"Yeah..." sumang-ayon ang binata nang walang pananalig. "I guess."

"Wala ka ba talagang pakialam sa iba?" galit na itinanong ng dalaga. "'Yung sa totoo lang, ha. Nasasaktan ang mga kaibigan mo. Ikaw lang ang okay. Hindi ba dapat ikaw ang mag-step up?"

Binabaan ni Althea ang boses nang mapansin niyang nakiki-usi ang driver ni Andro mula sa harap ng van. Tingin ng tingin ito sa rearview mirror upang Makita ang matapang na babaeng may lakas ng loob na pagalitan ang kanyang spoiled senyorito.

Napansin din ni Andro na nakikinig itp "Keep you d*mn eyes on the road, RJ," sabi niya. Kay Althea naman, "Bakit ba ng OA mo? Hindi mo naman sila ka-ano-ano eh. And trust me, you're nobody to them too. You will barely know each other when this is all finished. And I didn't say wala akong pakialam or that I would hang them out to dry. Maybe I'll just let them stew a little. Para naman mapag-isip-isipan nila ang ginawa nila sa 'kin. They left me out and lied to me, remember? Baka may matutunan sila."

The Rich Boy and the Witch GirlOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz