Chapter 4

673 22 1
                                    


Parang di makapaniwalang pinagmasdan siya ng kaharap.

"Brandon?" tawag niya.

Lumunok ito. "You're sure...? You want us to...?"

Mukhang di talaga nito ini-expect ang desisyon niya. At nakakaaliw itong tingnan kapag ganoon.

Inabot niya ang batok nito at hinila. Bago pa ito makahuma, hinahagkan na niya ito muli sa labi. Mabilis naman itong kumilos at kaagad nag-take charge. Naupo ito sa couch nang hindi siya binibitawan, settling her over his lap. His hands travelled over her curves. Tumagos sa tela ng damit niya ang init nito patungo sa kanyang balat hanggang sa umabot hanggang sa mga ugat niya.

Kasabay ng tila pagwawala ng mga daga sa loob ng dibdib niya, tinapatan niya ang gilas ni Brandon sa pagtikim sa labi ng isa't isa, at dinama ang mga bahagi nitong curious siyang malaman kung gaano katigas..

Pinalis niya ang lahat ng pag-aalangan at hiya. This was it. This was really it.

Wala na siyang pakialam kung hindi man ito si Jon. She had decided to savor the moment; relish this experience It could be her last.

Lasang mint at kape ang mga labi ng binata; amoy bath soap at aftershave na humalo sa natural nitong masculine scent. His hard, muscled, sinewy body felt incredible under her palms. His touch was gentle yet possessive. Tender yet passionate. Reverent yet sensual.

*And she realized she needed more. Init na init na siya pero parang walang balak si Brandon na tanggalan siya ng damit. Kaya nang bumaba ang bibig nito sa tainga niya, lakas-loob na tinikman niya naman ang shoulder blade nito, kasabay ng paghawak sa hem ng sariling shirt at akmang itataas iyon pahubad.

"Oh, shit!" he hissed, pigil-pigil ang mga kamay niya at ibinaba iyon. "That's enough."

Inabot nito ang ulo niya at hinagkan siya sa labi sa huling pagkakataon bago siya tuluyang ilayo. Binuhat siya nito paalis sa kandungan nito upang ilipat sa tabi nito.

Litong napatitig siya sa binata.

"Nag-breakfast ka na ba?" biglang tanong nito na mabilis na inayos ang tuwalyang nakatapi sa sarili at tumayo na upang magtungo sa kusina. "Okay lang ba sa 'yo ang pancakes? O gusto mo, magluto ako?"

Naroon na ito sa kusina, pero nalilito pa rin siya sa kagaganap lamang sa pagitan nila.

"What about coffee? Nagkakape ka ba? Or juice, gusto mo?" Nang hindi siya sumagot, sumilip ito sa living room. "Hey, Nikki! Tinatanong ko kung ano'ng gusto mong kainin."

"I'm... fine," kunot-noong sagot niya.

"K'uha ka lang ng kahit ano d'yan, magbibihis lang ako," paalam nito bago mabilis na pumasok sa isang pinto na sa hula niya ay siyang bedroom nito.

Magbibihis? Hindi ba dapat nga naghuhubaran sila ngayon? Iyon ang ipinahayag ng mga kilos nito kanina. Bakit nagbago? Na-turn off ito sa forwardness niya?

Napabuntong-hiningang iniikot niya ang tingin sa bachelor's pad ng binata. Maayos iyon at minimal lang ang mga gamit. Nang makita ang mesa nito sa kitchen, hindi na siya nag-atubili at lumapit doon. Patung-patong na pancakes, maple syrup, chocolate, bacon at eggs ang naroon. Parang bagong brew rin ang kape.

Dumampot siya ng mug at naghanda ng kape para sa sarili. Nakadalawang bilog na siya ng pancake nang bumalik si Brandon. Amaranth t-shirt na may nakalagay na logo ni Superman at wornout jeans ang suot nito. Sneakers ang pangyapak. And my God, she had never seen a man look so hot in a very pink shirt.

Nerd in Distress (Published)Where stories live. Discover now