Chapter 4: Lovelifes

4.3K 59 6
                                    

A/N: Aloo! Na-miss ko ang mga bruhang to! XD Here we go..

Veronica's POV

Nakatayo lang ako sa gilid ng sofa. Nakakahiya naman kase nanonood sila ng SBS. Baka maka-istorbo ako. Tsaka pang-tatluhan lang talaga yung sofa ko. Wala e, ang liit lang ng condo ko.

"Ano bang ginagawa nyo dito?" Pang-apat ko na yang tanong pero dinedma lang ako nung tatlo. Mga gag* to!

Kinuha ko yung remote at pinatay.

"Putang*na naman! Ayun na e!" Sigaw ni Janess.

"Oy ano problema mo? Sapakan na lang o!" Sabi naman ni Lance.

"Tss, palibhasa ang dami mong problema sa buhay." Sabi naman ni Cherice.

"E mga sira pala kayo e! Nakaka-apat na kong tanong, walang sumasagot! Nakikipag-usap ba ko sa hangin?" Papasok bigla sa bahay ng may bahay, uupo sa sala at manunuod tas di kakausapin yung may-ari. Imba tong mga babaeng to!

"Aba'y malay ko sa yo! Baka nababaliw ka na" Sigaw ni Janess. Aish! Tong babaeng to, grabe ang tabas ng dila kala mo di nya ako kaibigan!

"Eh kung iumpog kaya kita? Baka sakaling magising ka" Sabi naman ni Lance. Kahet tatlong taon na, di pa rin nawawala ang pagka-sadista netong babaeng to e! Lumala pa nga nung nagtagal sila ni Jerome. Pano ba naman kase, laging may kakampi. Kung kami pa rin kaya ni Ren ngayon, ano kayang mangyayare? Siguro masaya kami no? Aish! Erase!

"Oh may iniisip na naman" Hays, pati ba naman yun napansin nya?

"Che! Di nyo pa ko sinasagot--" Janess cut me off.

"Bakit? Nanligaw ka ba?" Tanong nya.

"Yiee! Kikiligin na ba kami?" Sarkastikong sabi ni Lance.

"Hart hart!" Masayang sabi ni Cherice. Masisira talaga ang ulo ko sa tatlong to!

"Teka nga! Bat nga ba kayo andito?!" Pag di pa nila sinagot etong tanong ko baka sipain ko sila palabas.

"Ahh yun ba? E kase naman, inabot kami ng malakas na ulan sa Mall. E dalawang tawid lang naman yung condo mo kaya pumunta kami dito." Matapos ang lima kong tanong, nasagot rin sa wakas!

"So? Tambayan na ba ang bahay ko?" Tanong ko.

"Uhm excuse me. Condo unit lang to! Wag kang mangarap!" Sabi ni Janess.  Nagkahiwalay lang sila ni Kendrick, gumaling na.mambara. Oops, I said a secret. Hahaha! Shhh lang kayo!

"Tama na nga yan! May pagkain ka dito?" Kala ko naman kung ano! Tong si Lance talaga!

"Oo meron, kuha ka sa ref. Initin mo na lang" Sabi ko. Dumiretso naman sya sa kusina.

"Lam nyo yang si Lance, ang ganda ng lablayp kahet ganyan" Sabi ni Janess.

"Gag*! Marinig ka nyan!" Sabi ko.

"Di naman nya maririnig, ang layo kaya nya" Sabi ni Janess.

"Nung una nga, walang I love you-han yung dalawa. Pero ngayon, tignan nyo naman, 3 taon na yan" Sabi ni Cherice.

"Sus! Nagsalita ang walang lablayp!" Sabi ko.

"Oo nga! Maka-comment ka naman dyan parang nagkahiwalay kayo ni Patpat mo!" Sabi ni Janess.

"Heh! Palibhasa mga iniwan kayo e!" Sabi ni Cherice. Okay, masakit.

"Oi! Get your facts straight! Ako ang nang-iwan! Duh?!" Sigaw ni Janess.

"Dalawang taon rin kayo diba?" Tanong ko, Janess nodded.

"Oy ano bang pinag-uusapan nyo? Puro "iwan" naririnig ko" Sabi ni Lance.

"Wala naman, pinag-uusapan namin ang mga lablayp" Sagot ko.

"Tss, pero yung isa dyan! Nagsisinungaling" Sabi ni Janess.

"Sorry na, mahal na prinsesa" Sabi ni Cherice.

"Che! Lika na nga Veronica, bayaan mo yung mga masaaaya ang lablayp dyan" Sabi ni Janess sabay higit sakin palayo.

"Muntanga yung iba dyan o!" Sigaw ni Cherice.

"Ang di mamansin, uupakan ko ha!" Sabi ni Lance. At syempre, takot si Janess kaya naman lumapit uli kami.

"Ang gulo natin tignan" Sabi ko.

"Hahahaha! Di ka pa nasanay! Dyos ko naman, Veronica!" Sabi ni Cherice.

"Minsan nakakasawa rin yung puro mukha na lang ng isa't isa ang nakikita natin" Sabi ni Janess.

"O edi pumikit ka! Gusto mo kunin ko yang mata mo?" Sabi ni Lance.

"Wag naman ganun. Parang Shomba lang!" Sabi ni Janess. Hay nako, magsasalita tas matatakot. Ewan ko ba dito!

"Teka, may naalala ako!" Sabi ni Cherice.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Yung nagcelebrate tayo sa Resort ni Kendrick! Yung "appetite" ni Patpat" Ahhh! Naalala ko na!

~Flashback~

"Wag mo nga kaming idamay sa pagiging kuripot mo!" sabi ni Lance kay Cherice.. Nag-roll eyes naman ang loko..

"Gusto mo dukutin ko yang mata mo?" sarkastikong sabi ni Lance..

"May naalala akong movie.." sabi ni Janess

"Ano yun?" tanong ni RC

"Yung 'Coming Soon'" sabi ni Janess

"Ahh yung dinudukot yung mata tapos ---" we cut him off

"Jerome!" sabi naming lahat

"Alam mo yung kumakain tas ganyan yung sinasabi mo" sabi ko

"Nakakawala kaya ng appetite!" singit ni Patrick..

"Nukssi bro! Appetite!" pang-aasar ni Ren

"Ayos ka tsong ah! Peram nga dictionary!" sigaw ni RC

"Big words!" sabi ni Cherice

"Standing Ovation!" sabi ni Janess at ayun nga tumayo kami at pinalakpakan namin ang loko!

Nyahahaha!

~End of Flashback~

"Ang saya natin noon" I stated for a fact.

"Anyare ngayon diba?" Sabi ni Janess.

"Wag nga kayong magdrama! Di bagay!" Sabi ni Lance.

"Hahaha! Oo nga! Senti mode masyado ee!" Sabi ni Cherice.

Sa tatlong taon, ang daming nagbago. Kasama na dun yung pagkakaibigan namin. Yung mga "lovelife" namin. It was a fair share actually. Dalawang naghiwalay at dalawang matibay.

But there is still a part of me, which wishes that the relationship Ren and I had didn't end.

Kase naging matatag kami dahil sa mga problema dati but look at us now. We're acting as of we hadn't partake in each other's life.

____________________________________

Sabay akong magu-UD lagi para sa MP&I at HSR. :))

Wait, sabaw ba? Sagutin nyo ko! Jebal! ㅠ^ㅠ

Salamat sa pagbabasa!

Saranghae! Byee!!

OUT~!

P.S. I'm starting to like writng in English. Siguro pagkatapos nung dalawa kong ongoing baka gumawa uli ako pero pure English sya. Bahala na! Hahaha! ^.~

Her Secret Revenge [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora