Chapter 1: Powerless

24 4 0
                                    

Aleah~~



~~


Clyndenstein Newspaper


      Human was enrolled in Clydenstein?




"Ohh gosh! another weakling girls!"

"Bro! Pustahan tayo ilang araw lang yan dito!"

"Ohhhh my geee is that her bessy?"


"Look at her! So ugly and powerless gosssh!!"



"Walang kontibusyon sa lipunan tsk"



Rinig ko sa aking paligid



Hindi ko nalang sila pinansin dahil alam kong kung papatulan ko lang sila masasayang lang ang oras ko. At alam kong kung papatulan ko lang sila ako lang ang kawawa. mas mabuting tumahimik nalang para walang gulo hindi ko naman sila masisi kung mahina ako sa paningin nila.



Pumunta ako sa isang vacant seat na nakayuko dahil pinag titignan na nila ako at wala akong ideya bat ganyan sila makatingin sakin Pero parang alam na nila na wala akong kapangyarihan . Hmmm vakit kaya nila alam? Bago lang naman din ako dito kaya wala pa akong masyadong kilala, baka siguro bukas may makikilala nako at hindi nako loner. Uupo na sana ako sa bakanteng upuan pero yung babae na nasa likod agad nyang nilagyan ng bag yung upuan kaya nag taka ako





"Sorry this chair is unavailable"
Sabi niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Aisssh ayaw ko talaga ng ganito nakaka baba ng self confidence pag tinitignan ka ng ganyan .. pero teka?? Unavailable?? Eh wala namang naka upo ah?? Oh baka hindi pa nakarating. Oo tama!!




At dahil unavailable na nga daw yung chair na yun humanap nalang ako ng ibang ma uupuan




"Hi? Wala bang naka upo dito?" I said while tapping her shoulder para naman friendly tignan at baka makaibigan ko sila. Pero imbis na ngingiti pa sana ako nagulat nalang ako ng biglang galit niyang inalis ang kamay ko sa balikat niya





"Oh my god!! How dare you to touch me!!!" Sigaw niya at agad naman niyang itinutok ang palad niya sakin. and the last thing I expected a great force pushed my stomach kaya tumilapon ako..




"Okay that hurts" pabulong na sabi ko. Anu bayan aleah! First day na first ganito na!




Aughhh! Sakit ng balakang ko! Tumama ba naman sa pader




Pilit kong tumayo habang hawak hawak ang tyan ko. Everyone are gossiping while looking at me. Siguro hihintayin ko nalang yung teacher. Baka tumilapon pa ako palabas ng bintana . Mahirap na baka sa ospital nako gigising.




Nag hintay ako ng iilang minuto hanggang may isang matandang babae na pumasok, medyo kulubot na yung balat niya pero maputi padin sya. Hula ko mga 50s nato. Agad naman silang tumayo at binati siya. matapos nilang batiin yung matanda ay umupo na sila habang ako.. eto naka remain standing paren kaya agaw pansin lola nyo. At yun tinignan na nila akong lahat!




"There's plenty of chairs in here..why are you still standing?" Tanong niya




Eh pano!!! Pag uupo ako baka sa hukay nako pupulutin!




"Uhhhm"




She raised her eyebrows like its reaching the sky. Charut charut parang tatoo talaga kilay nya ahh. Maka kilay goals naman to si teacher ehh halatang tatoo lang naman yun hahaha!



PsykerWhere stories live. Discover now