Kelcie~~
"Coen!" Tawag ko sa kanya dahilan para mapalingon sya sakin dali dali naman akong tumakbo para ma abutan ko sya
ang gwapo nya talaga..
"Coen" pa ngiti ngiting sabi ko
sabay na kaming nag lakad papuntang classroom habang tinitignan ko parin syang may ngiti sa labi
"Ano kailangan mo?" Medyo cold niyang sabi
hindi rin nya ako tinitignan habang sinasabi ang mga yun kaya napa simangot nalang ako
"Coen sabay na tayo mag break mamaya?" Alok ko
Palagi naman akong nag aalok sa kanya pero lahat ng alok ko tinatanggihan niya. Tsssk! Kung di lang talaga kita mahal
"Busy ako" sabi niya
iiwan nya na sana ako pero agad kong hinawakan ang kamay nya dahilan para mapalingon siya sakin
At dun... nakita ko ang kanyang magagandang mata, matangos niya ilong,makinis niyang mukha at ang kanyang mapupulang labi
Hindi ko alam pero biglang kumabog ng mabilis ang puso ko kaya mas lalo akong na bigyang lakas na aminin talaga sa kanya ang nararamdaman ko
"Coen..." sabi ko habang hawak hawak parin ang kamay niya. Buti nalang talaga walang ka tao tao dito
"Ano?" Iritang sabi niya
"Coen.. gusto kita" at sawakas nasabi ko na rin
Walang emosyon at pag alinlangan
"Sorry pero hindi kita gusto" at binawi ang kamay nya
Dahan dahan siyang naglakad palayo sa akin habang ako naka tutok sa likod niya hindi alam kung ano ang susunod na gawin.. bakit parang biglaan? Wala ba syang nararamdaman para sakin? Maganda naman ako, mayaman, kilala, at tinitingalaan pero bakit coen?
Napa upo ako sa sahig at naramdaman kong may kung anong likido na ang tumutulo sa gilid ng aking mga mata
Ang sakit.... pahid ko sa luha ko
Pero hindi ako susuko coen.. gagawin ko ang lahat mapasakin ka lang tandaan mo yan coen
Napa kuyom nalang ako ng kamay sa sobrang sakit
Aleah~~
"Hindi nga ako yun" sabi ng babae habang nakaluhod at hawak hawak ng lalaki yung buhok niya
"Hindi ikaw???? HINDI IKAW??" Pasigaw niyang sabi at akmang sasampalin nya yung babae pero bigla nalang akong sumigaw at tinawag sya para di nya maituloy ang binabalak nya
Agad silang napatingin sakin lalong lalo na yung lalaki
Lagot kang bata ka!
Aissssh!!!
Dahan dahan namang lumapit yung lalake at nagpalabas ng kung ano kaya agad akong napaupo at yumoko na para bang may fire drill
"ANO BA!!!" sigaw ko
ha?? Asan siya?? Bigla syang nawala
tinignan ko yung babae at gulat naman syang nakatingin sakin kaya nagtaka ako
![](https://img.wattpad.com/cover/144283279-288-k993884.jpg)