Chapter 12 - Panglao Island

6.6K 185 144
                                    

Acee's POV

"Touchdoooooown Bohooooool!" I ran towards to the good view where you can see all of those beautiful trees down there, para lang sumigaw. Pinangarap ko kasi talagang makarating ng Bohol.

I turned around smiling upang sumunod na sa kanila but I staggered when I saw Jhay's dad. My smile got smaller. "Um.. hello po, Tito." Bati 'ko sa kan'ya. Lumapit s'ya sa akin.   "Hello, Hija." Tinapon n'ya ang sigarilyo mula sa bibig n'ya at tinapakan ito. "Ang ganda, ano?" He smirked when he peered through the cliff.

"Oo nga po. eh." I smiled as I glanced through the beautiful view.

"We used to be in this place before." Aniya habang pinagmamasdan ang mga puno at dinadama ang malakas na hangin. 

"Nino po?" Tanong ko at lumingon sa kan'ya habang hinahangin ang buhok ko.

"Mmm, well.. " natigilan pa s'ya ng ilang segundo at nag isip. Iniisip n'ya siguro kung ayos lang bang sabihin n'ya sa akin. "..My wife, Aja's parents, your mom and your dad." My mouth slightly fell open... Magkakaibigan sila dati?!  "That was year 1982." Ang tagal na nga! Ilang taon na pala silang magkaka buddy!

Pero teka, bakit n'ya kaya biglang nasabi ang mga 'to sa'kin? "Wooow! M-mukhang sobrang tagal na po talaga ng mga pinagsamahan n'yo 'no?" I answered him while looking in absence. 

"Oo naman. Sobrang dami ding nangyaring bangayan at awayan." Natatawa s'ya ng bahagya, siguro dahil sa bumabalik na mga ala-ala sa kan'ya ngayon sa isip n'ya. 

"T-tulad naman po ng alin?" Naalala ko yung ikinwento sa akin ni Mama na may inagaw daw si Tita Amalia mula ata sa kan'ya. 

"Hmm, long story..." Ngumiti s'ya sa akin. "How about you? How's life? Maayos naman ba kayo ng anak ko?" I was so shocked and as I expected bigla itong lalabas sa topic namin ngayon. Nakangiti pa din s'ya sa akin. 

"Um.." Napakamot ako sa batok. "O-oo naman pooo. We're really really really really really okay!" Binigyan ko pa s'ya ng thumbs up at tumawa. He doesn't have an idea in what's happening between me and his son? Ofcourse no. Kasama s'ya sa mga nag desisyon na magkaroon ng Arrange Marriage ang dalawa.

"Hindi ka pa din nagbabago hanggang ngayon. hija!" Tinapik n'ya ako sa braso habang bahagyang tumatawa. "Makulit at napaka cheerful mo pa ding bata!"

"Ah-hehehe!" Ngumiti pa din ako. Nung bata palang ako, nakikita ko na si Tito Bernardo -- ang Dad ni Jhay. Bumibisita sila dati sa bahay tuwing may occasion, at binibigyan nila kami ng mga handa. Oo, kasama sila Jhay noon.

"O'siya, pumasok na tayo?" Anyaya n'ya sa akin. Tumango nalang ako at sumunod sa kan'ya sa loob.



Naabutan namin ang bawat isa na nag aayos ng kanilang mga gamit. Teka, ilang araw ba kami dito at parang ang dami nilang dalang damit!? Kumpara sa aking bagpack lang ang dala dalang bag tapos sa kanila ay maleta!? Huwaw, amazing!

"Bakit parang ang dami n'yo naman atang binaon na damit? Di 'ba overnight lang tayo?" Tanong ko kay kuya nang lumapit ako sa kan'ya. 

"Huh? Anong overnight?" Nabigla ako sa sinagot n'ya sa akin. May ibang meaning kasi yung pagtanong n'ya eh, -- hindi kami overnight o hindi niya lang alam yung salitang overnight. Pero mas feeling ko yung hindi kami overnight, huhu! "..tatlong araw tayo dito, bunso!" Tumatawa s'ya nang pang asar! Grrrr!

"Bakit hindi mo manlang sinabi sa'kin!? Tatlong damit lang ata ang dala ko!" Sagot ko. Nag aalala na ako, paano na to!? Hindi 'to pwede. 

"Akala ko naman kasi sinabi na sayo ni Mama!" Pinarinig n'ya pa kay Mama yung sinabi n'ya, kaya naman narinig ito ni Mama.

NNAN Season 2: Payback Time Where stories live. Discover now