Chapter 7

141 63 72
                                    


Ren

Ilang linggo na nang nag-simulang sumunod ni Nigel sa amin ni Kai tuwing vacant class. Dating gawi si Kai natutulog ako naman nagbabasa lang. Si Nigel tumatambay lang talaga. Madalas kinakausap niya ako, pero nauuwi lang sa pagkainis ko sa kanya. Napakaboring talaga ng school life namin.

"Will you still love him if you find out he isn't who you thought he was?" Bigla na lamang tanong ni Nigel.

"Ha?" Tanong ko sa kanya na dahil di ko maintindihan ang tinutukoy niya.

"Wala, sabi ko bestfriends ba talaga kayo ng lalaking yan?" pag-uumpisa niya. Maka lalaking yan naman 'tong si Nigel kay Kai. Nilingon ko naman siya  para sagutin.

"Di ba obvious?" irap ko sa kanya.

"Kung bestfriends talaga kayo, alam mo lahat ng tungkol sa kanya?" tanong niya na tila sinusubukan ako.

"Hindi naman lahat, siguro 99.9 % alam ko," pagmamayabang ko sa kanya.

"Ano yan alcohol? 99.9% lang ang napapatay na germs," patutsada niya sa akin. Pilosopo din 'tong isang to ehh.

"I know something you don't know about him," umpisa niya, nakuha niya agad ang interes ko. Hinarap ko siya para malamn iyon.

"Talaga?" curious na tanong ko.

"It's something about his past," kwento niya na tila may ibang ipinapahiwatig.

"Past?" curious na tanong ko at di ko maiwasang magsalubong ang mga kilay ko.

"Before he met you," sabi pa niya.

Bago niya ako makilala, malamang alam ko na ang ikikwento niya sa akin kaya inunahan ko na siya.

"Kung tungkol siguro yan sa kaibigan niyang nawala, ayoko na malaman," pigil ko sa kanya.

"Sabi nga nila past is past at kung di naman ikwento sa akin na Kai, okay lang hindi siya obligado na sabihin sa akin ang lahat," paliwanag ko.

Ayoko nang malaman kung sino siya. Knowing na isa siyang importanteng tao sa buhay ni Kai ay di ko maiwasan na macurious pero hihintayin ko na lang si Kai na ang magkwento sa akin. Ibinalik ko na lang ang mata ko sa librong hawak ko.

"Oh! he told you it was a friend, what if I tell you that she was his first love," pahayag niya. She was his first love?

'Yan lang ang tumatak ko sa utak sa mga sinabi sa akin ni Nigel. Nagkamali ako ng akala, siya pala ang first love ni Kai. First love, baka Puppy love kumbinsi ko sa sarili ko. Siya rin ba ang dahilan kung bakit napaka bihira ngumiti ni Kai.

Alam kong sinisisi ni Kai ang sarili niya sa pagkawala ng kaibigan. Kaya siguro ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa kanya. May kung ano sa dibdib ko na di ko maintindihan alam ko lang ang ay masakit ito. Wala naman akong karapatang masaktan.

"Anong nangyari sa 99.9% mo?" Nakataas ang kilay ni Nigel na tanong sa akin. OO na, mali na ako. Imbis na magpa apekto ay inirapan ko na lamang siya.

"Bakit kasi naniniwala agad," bawi ko sa kanya. I need to save my face.Wala namang kasalanan si Nigel pero naiinis ako sa kanya.

"At least nalaman kong hindi pala manhid ang kaibigan ko," sabi ko na lamang.

Wala akong ka ide-ideya na may first love na pala itong si Kai.

"I can see you're hurting," nakangiting sabi ni Nigel. Nang-aasar pa eh. Gusto ko na talaga siyang hampasin ng libro. Parang ang saya pa niya na nakikita akong ganito.

"Gusto mo ikaw ang saktan ko?" banta ko sabay pinanlisikan ko siya ng tingin.

"I'm just kidding," pag atras niya, habang pinipigil na matawa.

KETSUEKIWhere stories live. Discover now