Chapter 11

100 59 17
                                    

Ren

Matapos ang nangyari sa birthday ni Nigel   ay tila nag-iba ang ihip ng hangin. May  kakaibang nangyayari kay Kai. Di ko alam kung may nangyari ba nung umalis siya.

"Ren, let's go," aya sa akin ni Kai para mag lunch sa cafeteria.

Sanay na ako sa pagiging tahimik niya. Ganun talaga siya noon pa man pero iba ang nararamdaman ko ngayon. Andito siya pakiramdam ko ang layo ng iniisip niya. Di ko maiwasang mag-alala para sa kanya. Gusto kong malaman kung may nangyari ba nung nawala siya.

Naapektuhan ba siya nung nakita niya kami ni Nigel? Tahimik kaming kumakain sa canteen nang biglang dumating si Nigel. 

"Pwede maki-upo?" tanong niya sa amin.

Di pa kami nakaka-oo ni Kai ay naupo na siya sa tabing upuan ko. Okay lang naman sa akin na andito siya. Medyo napalagay na rin ako sa kanya buhat nung naiwan kaming dalawang magkasama.

"Anong ulam mo?" tanong niya sa akin na parang kami lang ang andun.

"Menudo," sagot ko sa kanya.

"Pahingi ako," sabi niya bahay kuha sa ulam ko at sinubo gamit ang kutsura.

"Ay pumayag na ba ako?" parining ko sa kanya.

"Sige iluluwa ko na lang." Napangiwi ako sa sinabi niya, ang baboy din niya minsan eh.

"Kadiri," sita ko siya habang kunwari ay nandidiring nakatingin sa kanya.

"Arte, akala mo naman maganda," tatawa-tawang parinig niya sa akin. Alam kong inaasar niya ako kaya pinatulan ko siya.

"Bakit maganda lang may karapatan mang-diri? Kailan pa? Kumain ka na nga lang!" utos ko sa kanya. 

Kahit nakikipag kulitan ako kay Nick ay sinisipat ko pa rin ng tingin si Kai na seryoso lang na kumakain.  Parang may invisible na pader na nakaharang sa  kanya. Pagkatapos niyang kumain ay inayos niya ang pinagkainan niya at inilagay sa ibabaw ng tray.

Nakatingin lamang ako sa kanya. Di pa ako nangangalahati sa kinakain ko ngunit siya ay tapos na. Akala ko ay hihintayin niya akong matapos, ngunit bigla na lamang siyang tumayo dala ang tray niya pabalik sa counter. 

Aba! Balak pa akong iwan? Akala mo walang kasama ehh. Sumubo lang ako ng isa pang kutsara ng kanin at ulam, bago ako tumayo.

"Diba gusto mo ng ulam ko? Sa'yo na," sabi ko ka Nigel saka ko sinundan si Kai. 

Grabe! Ang bilis niya kumilos!

"Kai!" tawag ko sa kanya ngunit nagtuloy lang siya sa paglalakad, animo'y walang naririnig.

Dumiretso siya sa locker niya at kinuha ang toothbrush niya. Kinuha ko na rin ang akin at sinundan ko siya papuntang CR.

Nakakainis! Ano na naman nangyayari sa kanya. Tinutopak na naman.

Di ko na siya pwedeng sundan sa loob kaya pumasok na muna ako sa girl's CR para mag toothbrush. Nang matapos ako ay inabangan ko siyang lumabas mula sa CR ng boys. Limang minuto na ang nakalipas ay wala ni anino niya ang lumabas. 

"Martin, nasa loob pa ba si Kai?" tanong ko nang makita ko ang isa naming classmate palabas mula rito. Nagtataka siyang napatingin sa akin, ngayon ko lang kasi siya nakausap.

"Wala, ako lang ang tao sa loob," sagot niya saka umalis. Tinataguan ata ako ng damuho. 
Bumalik ako sa aking locker baka makita ko siya roon, ngunit di ko pa rin siya nakita. Kung kelan naman may three hours vacancy kami ngayon saka pa niya ko paghahanapin. Baka nasa library siya at natutulog? Agad akong naglakad papunta sa library at hinanap siya baka sakaling andun lang siya sa lagi naming pinupwestuhan. Mali na naman ako, wala siya roon. Paano ko hahanapin ang lalaking iyon? 

KETSUEKIWhere stories live. Discover now