5

2.4K 33 3
                                    

Lexie

Awtomatikong umangat ang mga kamay ko sa mga balikat ni Jake nang makita kong parang pagod na pagod sya.

Kahit hindi sya nagsasabi sakin ay alam kong may dinadala sya.

Hinilot ko ang balikat nya at napatingin naman sya sakin.

May nakita akong lungkot sa mga mata nya. Hindi ako sanay na malungkot sya. Masayahing tao ito.

Lumipat ang kamay ko sa batok nya at hinilot yun. Napapikit sya at huminga ng malalim na para bang gumaan ang pakiramdam.

Napatingin ako sa mga labi nyang medyo naka-awang. Hindi ko maintindihan kung ano itong kakaibang nararamdaman ko sakanya.

Naamoy ko ang pabango nya na sinalihan pa ng mabango nyang hininga at ang amoy ng beer sa hininga nya.

Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin, pero parang kusang kumilos ang kamay ko para hawakan ang baba nya at iharap sya sakin.

Unti unti syang dumilat at nasa mata ang pagtataka pero may lungkot parin akong nakikita.

Sa hindi ko maipalawag na dahilan, gusto kong pawiin ang lungkot na yun. Dahilan para ilapit ko ang mukha ko sakanya at halikan ang mga mata nya.

Napigil naman nya ang knyang paghinga at napapikit.

Nakapikit parin sya nang mag angat ako ng mukha. Napatingin ako sa labi nya at hindi ko napigilang haplusin iyon.

Narinig ko ang paglunok nya nang maramdaman ang daliri ko sa mga labi nya.

Nang maramdaman ko ang mainit nyang hininga sa daliri kong humaplos doon ay hindi ko na napigilang halikan sya.

Napaawang ang mga bibig nya. Hindi ko alam kung para tanggapin ang halik ko o dahil sa pagkagulat. Pero dahil sa ginawa nyang iyon ay mas lalo akong nadala ng nararamdaman ko.

Kinulong ko sa mga palad ko ang mukha nya at kinagat ko ang ibabang labi nya.

Napaungol sya ng mahina kasabay ng paglalim ng paghinga nya.

Hindi ko alam kung saan ako natutong humalik pero parang kusang gumagalaw ang mga labi ko.

First kiss ko ito at hindi ko akalain na ako pa ang unang humalik sa lalaki.

Nang marinig ko ang munting ungol nya ay napahawak ako sa batok nya at medyo idiniin ko pa ang labi ko sa labi nya.

Muli syang napaungol nang marahan kong sipsipin ang ibabang labi nya. Na parang nag udyok sakanya para hapitin ang bewang ko.

Ako naman ang napa ungol na lalo namang nagpa init sakanya.

Naramdaman ko ang dila nya na parang gustong makapasok sa bibig ko.

Kusa namang bumukas ang bibig ko at tinanggap ang dila nya na tila may hinahanap. Sinalubong ng dila ko ang dila nya nang bigla nyang sipsipin iyon.

Napatigil kami sa ginagawa namin nang tumunog ang cellphone nya.

Napaungol sya na para bang nagrereklamo dahil sa istorbo.

Natauhan naman ako. Nahihiyang lumayo sa katawan nya.

Inayos ko ang buhok ko at tumayo ako para iligpit ang mga bote. Para narin makaiwas ako sa tingin nya.

Hinawakan nya ang kamay ko para pigilin sa paghawak sa bote. Napatingin ako sakanya at mataman syang nakatitig sakin na para bang nalilito.

Muli akong umupo bago nagsalita.

"I... I'm sorry..." Mahinang sabi ko sakanya sabay yuko.

"Sorry? Para saan?" Nakatitig pa rin nyang tanong sakin.

Best FriendsWhere stories live. Discover now