⭐1⭐

0 0 0
                                    

Taehyung's POV

Ang tagal naman nila!

Kanina pa ako naghihintay dito sa tambayan namin, hindi pa sila dumadating. Natutuok na ako dito.

Kakatapos lang ng pasukan kaya bakasyon na. Wala naman kaming ibang mapagbabakasyunan ng mga kaibigan ko kaya magkikita-kita na lang kami palagi. Sana dumating na sila.

Napatingin ako sa maaliwalas na langit. Nakakasilaw ang sinag ng araw kaya naman iniharang ko ang kamay ko para tabunan ang aking mata. My back is getting uncomfortable dahil kanina pa ako nakahiga sa sementong bloke.

Napatagilid ako ng higa. pinagmasdan ko ang picture namin ni mama na nakuha ko sa bulsa ko. Kahit saan ako magpunta, laging nasa bulsa ko to. This picture was taken years ago and I'm still a baby in here.

Napapikit ako ng bigla na namang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako dito at pilit inaalis ang nakikita ko.

"AAAH! ARAY! Parang awa mo na! Tumi--AAAAH! P-please! Tama n-na.. AAAH! TUMIGIL KA NA! ARA-AAAH!"

Nilukot ko ang litrato. Ayaw ko na. Please...Sana matigil na...

"Taehyung-ah!"

Napaangat ako ng tingin at bumungad sa akin ang mga nakangiting mukha. Unang nahagip ng mata ko si Namjoon hyung, sya ang tumawag sa akin.

"Bangon na, Taehyung.. Tara!" Sabi nya at nilahad sa akin ang kamay. Napangiti na rin ako at malugod iyong tinanggap.

"Ikaw alien ka! Ang emo emo mo!" Asar sakin ni Hoseok hyung habang pabiro akong dinadambahan.

"Yah! Hyung! Hindi ka kabayo kaya wag mo ko dambahan! " Asar ko pabalik sa kanya.

"Eyy Waley! Hahaha!" Sabi nya.

"Waley daw pero tumatawa, haha!" Gatong sakin ni Jimin. Nag highfive naman kami pero syempre joke lang. Iniwas ko ung kamay ko kaya sa hangin lang tumama ung kanya. Napatawa kaming lahat ng bumusangot ang mukha nya.

"Tss.. Ingay nyo. " Syempre sya lng ang di tumawa. "Teka nga, bat parang kulang tayo?" Sabi ni Yoongi Hyung na as usual, poker face.

"Uy! Ayun si Jin Hyung oh!" Turo sa kung saan ni Jungkook. Napatingin naman kami sa kung saan ung tinuro nya. Nakita namin si Jin Hyung na may hawak na namang video recorder, iyan naman ang kahit saan ay dinadala nya.

"HYUNG! YOOOHOOO! TARA DITO! DALI!" Nagpatalon talon pa ako habang tinatawag sya. Napailing naman sya at tumalon na rin pababa.

Lumang swimming pool kasi itong napili naming tambayan. Abandonado na at kami lang ang nakakaalam kung nasan ito. Malawak kaya enjoy kami gumawa ng kung ano anong kalokohan dito.

Nakatutok sa amin ung video reco--- aish! camera na nga lang!
Nakatutok sa amin ung camera ni Jin Hyung habang lumalapit sya samin. Pagkalapit pa lang nya, ay sinalubong ko na sya agad ng mahigpit na yakap.

"Aww! Haha! Ang sweet naman ng baby alien ko." Mas humigpit pa ang yakap ko sa kanya habang napapatawa ako. Naramdaman ko na lang na may humigit sa akin palayo. Si Namjoon hyung.

"Hyung naman! Nagmomoment pa kami ni Eomma eh!" Reklamo ko sa kanya pero di sya sumagot. Hmm.. "Nagseselos ka ba hyung?" Taas babang kilay ko na tanong habang nakangisi. Bigla na lng syang napakunot.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Apr 24, 2018 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Euphoria (BTS AU)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ