Chap. 20

5.1K 56 0
                                    

Continuation of Eurika POV

pagtapos ng pangyayari na iyon sa loob ng restroom dumiretso na agad ako pabalik sa table ko at naupo.

uminom na lang ako ng wine, pampawala ng kaba sa nangyari.

"attention guys!!!" sabi ni Francine sa mic, katabi nya si Curt at nakahawak ito sa bewang nya. How sweet

"gusto ko sabihin sainyong lahat na....i'm one month preggy!!"

nagulat kami sa sinabi nya saka nagpalakpakan. Unexpected na ito pala yong purpose ng party nya.

ang daming nag congrats sakanya at kabilang nako don.

"ehem...ehem." biglang singit ni Curt sa mic, napatingin naman kami sakanya at inaantay ang sasabihin nya.

tumingin sya kay Francine saka nagsmile, ngiti na alam mong inlove na inlove.

"i just want to say...."

tas lumuhod sya at nilabas ang isang diamond ring, kitang-kita naman ang gulat kay Francine pati na rin samin na nandito.

"will you marry me?"

"omaygash! yes! yes! i will marry you!" tas sinuot na sakanya yong singsing at hinalikan sya, natouch ako at hindi ko napigilang maiyak, nakakainggit e! kaylan kaya gagawin ni Jaztin yan? huhuhuhu

PAGTAPOS ng party hindi ko na muli nakita si Justin sa buong bahay nila Curt at Francine. Siguro umalis na yon.

nagpaalam na din ako kila Curt at Francine muling binati ko sila sa nangyari kanina. Sana magtagal sila

paguwi ko sa bahay nadatnan kong tulog na ang mga tao dahil patay na ang ilaw kaya dumiretso nako sa sarili kong kwarto. Ng mahiga ako sa kama naalala ko na naman ang nangyari sa pagitan namin ni Justin, napukpok ko ang ulo ko sa katangahan na ginawa ko, bakit pa kasi ako nagpadala sakanya? hays

ayoko na maulit iyon...ayokong saktan si Jaztin dahil mahal na mahal ko sya.

bumangon ako sa pagkakahiga saka nagshower at nagleave ng message kay Jaztin sa New York at natulog.

~FF~

nagising ako sa tunog ng alarm clock at bumangon na rin. 6:33 am na pala, medyo na late ako sa paggising ah.

ginawa ko muna yung mga morning rituals ko saka bumaba, nadatnan ko si Shaina na kausap si Tiffany. Napadalaw ang babaita na to? Hahaha

"Eurika!!" tawag ni Tiff ng makita nila ko, naupo naman ako sa harap nya na katabi ko si Shaina.

"bonding tayo ngayon! wag kana magbreakfast, dun na lang tayo sa mall kumain! hindi pa ko nakain e." sabi nya pa.

"yeah! ang boring kasi dito..." sabat ni Shaina habang nakain ng nachos. Siguro gawa to ni Tita

"okay sige, bihis lang ako~" sabi ko na lang saka umakyat at nagpalit.

white plain shirt at ripped jeans lang ang sinuot ko pati rubber shoes. Wala naman event na kailangan magarbo ang damit.

"san punta nyo?" tanung ko ng makita ko si Tiff at Shaina na gayak na gayak, akala mo pupunta sa party e.

"hahahah! sa mall~ shempre baka mamaya may gwapo e!" sabi ni Shaina. Tumango-tango naman si Tiff, isa pa to e~ tsk tsk tsk

"ow? san alay lakad?" bigla kaming nagulat sa presensya ni Nadine sa likuran namin, nakasuot pa sya ng pajama at dala-dala ang laptop nya.

"alay lakad ka dyan? magboboy hunting kami noh!" sabi ng kapatid nya, napangiwi nalang si Nadine saka naglakad papasok sa kitchen.

cold talaga ni Nadine, hahahaha!

"tara na!!!" yaya na ni Tiff.

sumakay na kaming tatlo sa kotse ko saka nagdrive papuntang mall.

habang nagmamaneho ako biglang tumunog yong phone ko kaya sinagot ko sya thru wireless earphone. It's my handsome Jaztin! yiee~

"hello, hon!" masiglang bati ko sakanya.

("hi, hon. How's your vacation?")

"okay lang naman...kasama ko sila Tiff at Shaina ngayon, magboboy hunting daw sila, mga gaga talaga e!"

"hello, fafa Jaztin!!!!" chorus na sabat ng dalawa sa likuran ko, tumawa lang si Jaztin sa kabilang linya.

("by the way, hon, i need to tell you something...")

"yes?"

("madedelay yung uwi ko dyan sa pinas...i'm so sorry, umatras kasi yong dealer namin for new products. I promise, babawi ako sayo agad.")

"okay lang, hon...i know, don't worry about me. I'm fine here with my fam, okay? just chill~"

("yes, i will, hon. I love you.")

"i love you too."

"ayiee!! ang sweet naman~ kakainggit." nakapout na sabi ni Tiff ng inend ko na yong call.

"gaga! hahahaha!" sabi ko saka saktong dumating kami sa mall, nagpark lang kami at pumunta na sa malapit na clothing section.

"hulaan mo, kanino tong mall?" si Shaina.

napakunot naman noo ko sa tanung nya, "bakit? kanino nga ba to?"

"edi shempre sa iyong ex-husband na si Mr. Justin Flynn Chua~" kaya pala JFC mall yung name nito. Hindi ko pansin ah, hahahaha!

"and look," tas tinuro nya yong malaking tarpaulin ko sa isang department store. Ito yong photoshoot ko sa New York na naging brand ambassador ako nung isang clothing company.

"sya ba yung girl sa picture?" narinig kong bulong ng isang babae sa gilid ko sa kasama nya. Umiwas na lang ako saka nagtingin-tingin na rin ng mga damit.

buti nalang medyo nakapag-disguise ako ng suot ngayon, nakatali kasi ako ng ponytail at umikli na yong buhok ko ngayon. Nung nasa pinas pa kasi ako, may mga nagpapapicture sakin non dahil nga sa issue with Curt nun pero ngayon wala na, 3 years ago na yon e. At mas okay na tong ganto social life ko, sa New York lang naman magulo buhay ko e.

wag lang talaga ako magkaroon ng problema dito...

vacation habol ko dito hindi problema kaya kelangan kong iwasan si Justin.

"uy! kanina pa kita tinatawag~" sabi ni Tiff, "sorry...may iniisip lang."

"okey! kaya pala nakatitig kalang ng diretso sa damit, hahahaha."

tumawa na lang ako, after namin magshopping dumiretso kami sa isang buffet restaurant, alisin ko muna yong conscious ko sa katawan! minsan lang to! nakakasawa na yong diet ng diet.

"oyyy! himala!! kakain ka ateng at madami talaga yang nasa plato mo ah!~" hindi sila makapaniwala sa ginagawa ko ngayon. Inirapan ko na lang sila saka nagsimulang magluto ng raw meats sa lutuan dito sa table namin.

ang saya nitooooo! ^____^

"hinay-hinay lang, babaita!" saway saken ni Tiff, "yaan mo sya, para naman tumaba taba sya! kakainggit ang waistline e. hmmmp" sabat ni Shaina.

hindi ko sila pinakinggan at tuloy parin sa pagkain.

after namin kumain pumunta kami sa restroom para makapagretouch ang mga gagaitang to.

nag-message sakin si Jaztin na nagpakilig sakin. Kasi naman! ang hilig non magbigay ng love quotes na sarili nyang gawa lang.

nakakainlove.

after ko magreply sakanya inantay ko nalang sila sa labas ng CR. Nakakatakot dito sa hallway na to kapag gabi.

"hey!!" singhal ko nang may humablot saken.

"anung kaylangan mo?!" inis kong tanong.

"we need to talk." sabi nya habang hawak padin yong braso ko.

Author's Note: medyo malalate nanaman ang pag-update ko ng chapters, may work kasi si ako ngayon e. Busy sa summer! buti pa kayo~ swimming at gala na lang! hahahahaha, wag kalimutan maglagay ng sunblock ah! chareng~ don't forget to vote!~ thank you po sa mga readers ko dyan! malkokayo. :*

Married to Mr. Sex Addict (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt