Chap. 27

4.7K 46 3
                                    

Lumipas ang ilan pang linggo at unti-unting nararamdaman ni Eurika ang pagbubuntis nya. Mahirap man pero kinakaya niya na hindi 'to ipahalata kay Jaztin, lalo na ang pagsusuka nya sa umaga, pagkamaselan nya sa mga pagkain at amoy, paglilihi bigla sa mga pagkain. Kasama 'din ang pagkamainitin ng ulo, madalas nyang nasusungitan ang kanyang kasintahan. 'Buti na lang at nilalambing pa rin sya nito.

"Hon, ano 'yan? masarap ba ang lasa nyan?" Turan nito sa manggang hilaw na may suka at sili. Tumango si Eurika at saka kumain n'yon. Napangiwi na lang ang binata sa kanya.

"By the way, hon. Dinner date tayo mamaya." Yaya ni Jaztin, ngumiti naman bigla 'to sakanya, "Talaga?!" ngumiti sya at tumango, dali-daling lumapit sa kanya si Eurika saka hinalikan sa labi.

"Pweh! anong lasa ba 'yan, hon!" Nalasahan kasi ni Jaztin ang kinakain nito. Natawa naman 'to sa kanya. "Try mo kaya! masarap," umiling na lang agad ang binata, "Ayoko! ang asim sobra nyan."

Umirap si Eurika saka kumain na ulit.
"Syanga pala, bago ako dumating dito sa pinas nakausap ko 'yung manager mo do'n sa New York, kinakamusta ka sa'ken. Namimiss ka na daw nila, kelan ka daw babalik do'n?"

"Hindi ko pa alam e. Gusto ko muna magpahinga, matagal na taon 'din ako na-stock sa pagmomodel." Sagot niya.

"It's okay, gusto ko muna solohin ka." Nakangiting sambit ni Jaztin sakanya, "Sus! sayong-sayo naman ako ah, solo muna 'ko ngayon."

"Busy tayong parehas nung nasa NY tayo e, dito sa pinas. Solo kita," si Jaztin.

"Hon, pwede bang puntahan natin sila Nadine at Shaina sa kanila? ilang linggo ko nang 'di sila nadadalaw, e."

"Sure, why not."

"Thank you!" Nakangiting sagot ni Eurika.

********

"Ano, gano'n lang? Hina mo naman, Justin!" Daldal ni Francine sakanya. Silang dalawa ngayon nag-uusap sa cellphone, nakwento nya kasi ang nangyare nung nakaraan.

"Anong magagawa ko? kinampihan sya ni Eurika, halatang ayaw na talaga sa'ken ng asawa ko." Nanghihinang sabi ni Justin sa tawag.

"Aish, ewan ko ba sa'yo! ba't 'di ka gumawa nang paraan man lang?"

"Meron akong naiisip pero 'di ko alam kung magagawa ko ba. Kailangan ko nang tulong mo," sabi nya.

"Ano ba 'yon?"

Huminga sya nang malalim saka nagsalita, "Kikidnapin ko si Eurika, dadalhin ko sya sa palawan. Sa resort ko do'n."

Natigilan naman si Francine sa narinig, "Sigurado ka ba? Delikado 'yang naisip mo, pwede kang makulong."

Kahit sya ay kinakabahan, first time nyang gawin 'to at kay Eurika pa. Pero anung magagawa nya, mahal na mahal nya ang kanyang asawa.

"Oo, sigurado ako."

Narinig nyang huminga nang malalim si Francine, "Pag-iisipan ko muna, masyadong mahirap 'yan, madaming tao ang magkakagulo sa gagawin mo."
"Okay, just call me, kapag payag ka na."

"Sige." at inend na nito ang tawag.

Napatingin si Justin sa paligid at saka nag-isip nang malalim. Wala na syang pakealam sa iba, gagawin nya 'yon kahit sya lang mag-isa. 'Di sya pwedeng sumuko na lang lalo't alam nyang may nangyari sa kanila ni Eurika, 'di naman 'yon papayag kung wala na rin 'tong nararamdaman sa kanya.

********

"You look so wondeful, tonight." Malapad na ngiti ni Jaztin nang lumabas mula sa kwarto ang kanyang kasintahan, nakasuot 'to nang red dress above the knee.

Married to Mr. Sex Addict (COMPLETED)Where stories live. Discover now