Kabaliwan 21 >^_^<

963 38 2
                                    

Mitch Pov

"Hala ngayon kayo aalis?" Tanong ko kay cha 

Tumango naman ito habang inaayos ang gamit nila

"Ang bilis naman" Sabi ko

"Anong ang bilis ka jan.Isang linggo ko ng nakikita yung mukha mo,nakakasawa na" Sabi nya saka tumawa ng mapang asar

Inirapan ko nalang sya saka humiga sa kama.Nandito ako ngayon sa kwarto nila cha at yung dalawa naman ay nag lalaro sa sala 

"Shit! Ngayon ko na pala ipapasa yon!" Gulat na sabi ko saka tumayo 

"Ligo muna ako.Sabay na kayo saakin" Sabi ko 

"Phew~ Buti nalang.Baka sumigaw nanaman si blis sa bus.Nako nakakahiya na" Natatawang sabi nya kaya natawa din ako

Pumunta ako ng kwarto para kumuha ng twalya at naligo na

Pagkatapos maligo ay nag ayos na ako

"Key maligo kana.Aalis tayo" Sabi ko habang nag susuklay 

"Talaga?! Saan tayo pupunta?" Excited na tanong nya

"Gusto mong sumama sa school diba?" Nakangiting tanong ko 

Tumango tango naman sya saka tumakbo papuntang banyo.

Kinuha ko ang folder saka pumunta sa sala.Naabutan ko doon si Cha na nakaupo habang nakayakap sakanya si blis.

"Mawawalan na ako ng kalaro huhuhu" Rinig kong sabi ni blis

"Hayaan  mo maglalaro tayo" Sabi ni cha

Makalipas ang ilang minuto

"Tapos nako miiiitcchh!!" 

Pumunta ako ng kwarto at naabutan ko syang nakaupo sa kama

Kinuha ko yung pulbo saka nilagyan sya sa likod.Ito yung hilig nya kasi baby pa daw sya.Sinuklayan ko na din sya.

"Tara na?" Nakangiting tanong ko 

Excited na tumango ito.Humawak sya sa laylayan ng damit ko saka sumunod saakin palabas

"Tara na guys" Sabi ko 

Tumayo naman sila at lumabas na kami

"Hatid muna natin sila" Sabi ko kay key 

Hindi naman ito sumagot kaya tumingin ako sakanya

Tulog pala -_-7

"Mitch paano ko sasabihin sa magulang nya na may abakatakitkit syndrome sya?" Tanong ni cha

"Aburakatiktik baliw hahaha.Ikaw na bahala,sabi ko kay tita na may dare or dare kami ni key.Ganun nalang sabihin mo hahaha" Sabi ko saka tumawa 

Pagkarating sa bahay nila cha

"salamat mitch" Sabi ni cha

Tumango naman ako 

"Pasok muna kayo" Sabi nya

"Hindi na,mag papasa pako kay sir.Baka maging toro yun mahirap na" Sabi ko na ikinatawa namin dalawa

"Cge na alis na kami" sabi ko 

"Cge pabunggo ka ah?" Sabi nya 

Tumawa nalang ako saka pumasok na sa kotse.Kumaway ako saka pinaandar na ang kotse

Habang papunta sa school 

"Mitch?" 

"Bakit?" Tanong ko nang tawagin ako ni key 

"Nagiging toro ba yung teacher mo? Ang astig naman nya,kaya nyang mag bago ng anyo" Nakangusong tanong nya kaya natawa ako 

"Oo nagiging toro sya kaya behave ka lang mamaya okay?" Sabi ko.Tumango tango sya habang nakanguso 

"Nandito na tayo" Sabi ko habang nag pa-park 

"Tara na" Sabi ko saka hinawakan sya sa wrist 

"Wow ang laki naman ng school mo mitch" Rinig ko sabi nya

"AY PALAKA!!!"

Ang Boyfriend kong naging Abno! (EDITING)Where stories live. Discover now