058 // lucas'

1.3K 63 17
                                    

lucas wong's

Pumasok ako ngayon sa school at kung minamalas nga naman, bumungad pa si Clover at Jungwoo hyung na nagtatawanan.

Gustong-gusto ko hilain si Clover mula kay Jungwoo hyung kaso taena, wala naman akong magagawa. Magagalit pa sa akin si Clover.

"Yukhei." Tinignan ko si Doyoung hyung na biglang umakbay sa akin.

"Hyung, kamusta 'yung kay Lily?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.

"Ewan ko na." Matipid niyang sagot. Tapos napatingin ako sa direksiyon kung saan nakatingin si Doyoung hyung. Si Lily, may kasamang lalaki at mukhang close na close sila.

"Hyung— "

"Sige, pasok na ako sa klase ko. Bye." Sabi ni Doyoung hyung tapos naglakad siya palayo. Dinadamay niyo pa ako. Ayaw pa kasi umamin ni hyung e.

Papasok na sana ako ng building nang makita ko si Chloe na papunta sa akin.

"Lucas." Matigas na tawag niya sa akin. Tinignan ko lang siya at hinihintay ko siyang magsalita.

"Oh, ano? Mag-uusap tayo, diba?" Masungit na sambit niya.

Kaya kinuha ko kamay niya at dinala siya sa field kung saan walang tao dahil malapit na rin magsimula ang klase.

"Chloe," Huminga ako ng malalim bago magsalita, "B-break na tayo."

"S-sabi ko na nga ba," Medyo natatawa na parang naiiyak na sabi ni Chloe, "Bakit? Dahil nga ba sa kapatid ko?"

"S-sorry, alam ko ako may kasalanan ng lahat na 'to." Sabi ko sa kanya.

"Ha! Buti alam mo!" Tumulo na nga mga luha ni Chloe at 'di ko naiwasan na yakapin siya dahil sa nagawa ko.

"S-sorry, Chlo— "

"Tigilan mo ako! Pakasaya ka diyan." Tinulak ako ni Chloe at umalis siya sa harap ko.

Sorry, Chloe. Matagal ko ng mahal si Clover.

back 2 u | lucasWhere stories live. Discover now