071 // clover's

1.4K 73 161
                                    

clover choi's

Binaba ko 'yung phone ko sa center table sa sala. Text kasi ng text si Lily na nandito na raw sila sa condo kaya pagbuksan ko raw sila ng pinto. Katatapos ko pa lang magbihis e. 'Di talaga marunong maghintay, hays.

Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin si Lily na nakangiti pati si Doyoung at 'di ko rin inaasahan si Lucas na kasama.

"Bakit nandito 'to?! Akala ko ba kayo lang ni Doyoung?!" Sabi ko tapos tinuro ko si Lucas.

"Grabe ka naman sa future boyfriend for real na talaga mo, Clover." Sabi ni Lily kaya inirapan ko sila. Future boyfriend, future boyfriend, nye nye. Sila pa nga ni Ate Chloe.

"Tara na nga, alis na tayo!" Yaya ni Lily. Kaya bumaba na kami galing sa unit namin.

Sabi nila, malapit lang daw sa amin bahay ni Kun kaya maglakad na lang daw kami.

Nakarating kami sa bahay ni Kun at 'di ko rin inaasahan na malaki bahay nila. Kaya pala, dito sila tatambay.

Teka, bakit nga ba ako sumama?

Pumasok kami ng bahay at nandun 'yung nct sa sala naglalaro ng uno tapos 'yung iba naman nanonood sa kanila. Kami na lang pala hinihintay.

"Ha, uno!" Sigaw ni Chenle tapos tumawa siya.

"Oh, nandito na pala kayo." Sabi ni Yuta.

Nakita ko si Jungwoo na busy pumili ng card na ilalapag niya. Lalapit na sana ako sa kanya nang may biglang humila sa akin at napaupo sa tabi niya. Si Lucas.

Tumingin ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Sinandal niya naman ulo niya sa balikat ko pero tinulak ko 'yun.

"Clover naman e." Sabi niya sa akin.

"Ano nanaman ba?"

"Alam mo bang 'di ako nakatulog kagabi kasi sobrang saya ko na nakatawag kita kagabi." Sambit ni Lucas tapos nun ngumiti siya sa akin.

"Ah, k." Maikising sagot ko.

"K lang?" Tanong niya.

"Oh, ano gusto mo sabihin ko sayo, ha?"

"I love you." Sabi niya kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"T-taena mo."

"Teka, magccr lang ako." Tapos tumayo si Lucas at naglakad papunta sa cr.

Sakto namang dumating si Kun na may dalang tray ng tarts at tsaka lang ako napansin ni Jungwoo na nakarating na pala kami.

"Clover, may papakita ako sayo." Sabi ni Jungwoo. Kaya tumayo ako sumunod sa kanya. Lumabas kami ng bahay at iniisip ko kung saan kami pupunta.

Nakarating kami sa isang malaking park, 'di naman ganon kalayuan sa bahay nila Kun.

Nanlaki 'yung mata ko nang makarating kami sa garden nung park, ang daming makukulay na bulaklak. Tumingin ako kay Jungwoo at ningitian ko siya.

Biglang tumunog 'yung phone ni Jungwoo kaya tumingin ako sa kanya, "Ah teka, Clover, sasagutin ko muna. Lumibot ka muna diyan."

Lumilibot ako sa buong garden at tinitignan ko 'yung flowers at naisipan ko naman na picturan ito.

Nagulat ako nang may humawak ng kamay ko, "Teka lang, Jung— L-lucas?"

"Diba sabi ko sayo, akin ka lang? Nagcr lang ako, pumunta ka na agad kay Jungwoo hyung. Tsk." Seryosong sabi niya. Nagulat ako nang hilain niya ako palabas.

"Lucas, teka nasaan si Jungwoo?! Iiwan natin siya, ha?!"

"Ako 'yung nandito, iba 'yung hinahanap mo." Sabi niya habang dere-deretso kami sa paglakad habang hila-hila niya ako tapos nun nakalabas na kami ng park at 'di ko namalayan na nakarating na kami sa bahay nila Kun.

Pagpasok namin, maingay silang naglalaro nung bad dog na laro. Kaya 'di kami napansin na nakapasok ni Lucas.

Nagulat ako na may humawak naman sa isa kong kamay.

"Jungwoo?"

"Hoy, anong pangyayari 'to?! Bakit niyo hawak kamay ni Clover?! Ano 'to?! Tug of war ha?!" Sigaw ni Ten.

"Uy hehehe, hihiramin ko lang si ate niyong maganda at mahaba ang buhok ehehehehe." Sabi naman ni Lily kaya nabitawan na ako ng dalawa. Hay, salamat naman. Naawkwardan na ako.

Lumayo kami ni Lily sa kanilang lahat.

"Lily, umuwi na tayo please." Sabi ko sa kanya. 'Di ko na kaya 'to.

"Ganda mo, dai. Inggit ako, ah. Pero, shet?! Sino ba talaga, Clover?!"

"Ssshh! Ingay mo." Saway ko naman.

"Pero, sino mas lamang sa puso mo, Clover? Sagutin mo! Kundi ibabalibag kita."

"S-si Lucas."

~ ~

HIIIIIIII.
nakaisip ako ng plot and title sa epistolary ko kay doyoung, may draft na ako woot woot.

back 2 u | lucasWhere stories live. Discover now