-14-

274 20 0
                                    

Sky's POV
Nagulat ako sa kwento sa akin ni Gail. Tsk mukhang sinamantala siya ng gag*ng boss niya. Nagtitimpi lang ako dahil iniiwasan kong matakot ko si Gail. Pero nakakagigil ng laman ang ginawa sa kanya. Ganoon ba siya ka inosente at hindi niya namamalayan na mali ang pasahod sa kanya.

Sky okay ka lang ba? May nasabi ba akong mali? Tanong sakin ni Gail. Huminga muna ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Malapit na kami sa lugar kung saan siya nagtratrabaho.

Wala, Gail hindi ka na babalik sa pinagworkan mo. Maliwanag ba? Seryoso kong sabi.

Ha? Pero bakit? Ayos naman ako sa trabaho ko ah. Ano ba ang problema Sky? Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at bumaba na ako agad sa sasakyan ko nakasunod naman sakin si Gail.

Agad akong pumasok sa loob ng kainan. Agad kong kinausap ang unang staff na nakita ko.

Where's your manager? Nagulat pa ito dahil sa seryoso at cold kong pagkakasabi.

Sandali lang po sir tatawagin ko lang po. At nagmamadaling umalis yung staff.

Sky ano bang nangyayari? Tanong parin ni Gail. Still di ko parin siya pinapansin at natuon na ang aking atensyon sa lalaking papalapit sa akin.

Yes sir, how can I help you? At doon na naputol ang pasensya ko.

Agad kong hinarap si Gail.

How come na 500 pesos lang ang sinahod niya sa ilang linggong pagtratrabaho niya dito sa kainan mo na halos sa kanya ninyo na pinalinis at pinahugas ang lahat!!! Galit kong sabi.

Hinawakan naman ako ni Gail para pakalmahin.

Do you know na pwede kitang ipakulong dahil sa ginawa mo kay Gail. And one more thing I can destroy your small business in just a blink of an eye. Don't you dare na kalabanin ang isang Skyler Drix Park. Natakot naman siya sa sinabi ko. Agad naman siya humingi ng sorry sa akin at kay Gail. Kinuha ko din ang dapat na sasahurin ni Gail.  Nung nakuha ko na ito agad naman kami umalis ni Gail hinila ko na siya pabalik ng sasakyan.

Tahimik lamang siya at sinimulan ko ng magmaneho.

I'm sorry kung natakot kita. Hindi ko lang matiis na ganoon lang ang sinahod mo after mong magpakapagod sa pagtratrabaho. Nag angat naman siya ng tingin sa akin at ngumiti.

Hindi mo kailangan humingi ng tawad dahil sa ginawa mo. Naiintindihan ko. Pasensya ka na hindi ko alam na mali ang pasahod nila sa akin. Pakiramdam ko ang tanga tanga ko dahil ang bilis-bilis nila akong mauto. Salamat nga pala sa tulong mo, kung hindi mo ako tinulungan baka nauuto parin nila ako. Nakangiti ngunit malungkot niyang sabi.

Hindi mo kasalanan na nauto ka meron lang talagang taong mapagsamantala sa kahinaan ng iba. Paliwanag ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin. Naging tahimik ulit ang paligid.

Kala ko ba ililibre mo ako, saan mo gusto? Nakangiti kong tanong sa kanya.

May alam ako. Sa kinainan namin si seven sa may parke. Masigla niyang sabi buti naman okay na siya.

Okay, ito ba yung malapit sa tambayan? Tumango naman ito. At nag focus na ako sa pagmamaneho.

Nakarating na kami sa park. At agad tumakbo si Gail wala pang tulog iyan hindi ba siya nauubusan ng energy? Nalimutan na agad niya ang problema niya kanina. Ngingiti ngiti nalang akong napapailing sa ginawa niya.

Halika ka na Sky! Baka madami na bumibili kay manong. Tawag ni Gail sakin medyo malayo na kasi siya sa akin. Agad naman ako lumapit sa kanya.

Lumipas ang ilang oras na ikot lang kami ng ikot sa park lahat na ata ng street food dito ay nakain na namin. Kasalukuyan kami nakaupo ngayon sa isang park bench habang nilalantakan niya ang taho.

Ang sarap naman nito. Ano tawag dito? Nakangiti niyang tanong sa akin.

Taho ang tawag diyan. Ang lakas mong kumain, ang dami mo ng nalibre sakin, baka wala na natira sa sahod mo?

Hindi naman. May natitira pa naman tsaka mura lang naman iyong nagastos ko kumpara sa gastos mo sakin. Kulang pa nga iyan para sa pasasalamat ko sayo. Nakanguso niyang sabi.

Okay sabi mo eh. May gusto ka pa bang puntahan? May ilang oras pa ako bago pumasok sa school. Tanong ko sa kanya. Umiling lang ito.

Ipahinga mo nalang Sky. Okay na ako nalibre na naman kita eh. Hindi birong gumising ng umaga para sunduin ako. Salamat ah. Simula ng dumating ako ikaw na yung umalalay sakin. Nakangiti niyang sabi.

Natulala lang ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon.

Sky?? Nakikinig ka ba. Agad naman ako nabalik sa realidad.

Ha? Anong sabi mo? Ngumuso na naman siya.

Sabi ko umuwi na tayo. Para makapagpahinga ka.

A-Ahh o-okay sige. At nagsimula na kami maglakad pabalik sa sasakyan ko.

Gail's POV
Nakarating na kami ng bahay. Nagpasalamat ulit ako kay Sky pagkatapos ay dumiretso na ako agad sa akin silid at nagpahinga.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now