-89-

219 11 3
                                    

[Xave]
F*ck ilang araw na ako dito at gustong-gusto ko na lumabas ng hospital. Gustong-gusto ko ng gilitan sa leeg ang gumawa nito sa akin.

Anak, gusto mo ba ng prutas? Ipagbabalat kita. Tanong sa akin ni Nana at kumuha ng isang mansanas para balatan ito.

Naalala ko na naman ang nangyari ng gabing iyon. Hindi ako maaring magkamali dahil kitang-kita ko, unti-unti akong ginagamot ni flat woman may kakaiba siyang ginawa sa akin dahil alam kong masama ang tama ng  pagkakabaril sa akin ng gabing iyon.

Mukhang malalim ang iniisip mo anak. May problema ba? Nag aalalang tanong ni Nana.

Nana naniniwala ba kayo sa magic? O kahit anong hindi normal na bagay para sa tao? Tiningan naman ako ni Nana kaya napaiwas ako ng tingin. Siguro iniisip ni Nana na nababaliw na ako dahil sa tanong ko. Wag ninyo na—

Sa mahika hindi masyado, pero sa mga anghel oo. Anghel??

Agad ko naman naalala ang pinag usapan namin ni Reign tungkol sa tinatawag niyang Ate Angel.

(Flashback)
Princess, sinong ate Angel?

Ate Angel is the girl na lagi mo pong kasama. Yung nag work po sa coffee shop ni ate Maggie.

Princess why did you call her Angel?

Because she save me po, I saw her wings kuya! She's so cool!

(End of Flashback)

Angel? Bakit ninyo nasabi Nana?

Dahil noon may nakilala akong isang anghel at umibig ako dito, nakwento ko na ito sayo noong bata ka pa diba? Tumango naman ako bilang sagot sa tanong niya.

Yeah nakwento na nga ni Nana yung tungkol sa isang lalaking anghel na inibig niya. Akala ko noon, kaya niya lang kinuwento iyon sa akin ay para patulugin ako pero di ko lubos isipin na totoo pala iyon.

May mga anghel na napunta dito sa lupa dahil may misyon silang kailangan tapusin dito sa mundo natin. Meron naman na trabaho nila ay sunduin ang mga taong namayapa na para ihatid sa lagusan kung saan ito nararapat. Ang tawag sa mga ito ay anghel ng kamatayan o tagasundo. Meron din naman na anghel na gabay ng mga tao na kung tawagin ay guardian angel. Bakit mo natanong anak?

Wala naman po Nana. Naalala ko lang po ang kwento ninyo sa akin noon. Nakatitig lang sa akin si Nana bago ituloy ang pagbabalat ng mansanas.

Ganun ba. Ang akala ko kaya mo natanong ay dahil may kilala kang gaya nila. Napatingin naman ako kay Nana dahil sa sinabi nito. Nanatili sa pagbabalat ng mansanas ang atensyon nito.

Maaring isa sa mga sinabi ni Nana ang posibleng katauhan niya. Base na din sa kinuwento sakin ni Reign kaya mas lalong tumibay ang hula ko.

Isa lang ang pwede kong gawin para ma confirm ko ang iniisip ko. Kailangan ko siyang makausap.
——————————————————
(Fast Forward)
(1 week passed)
[Gail]
Sa loob ng isang linggo ay hindi ako pumasok. Sobrang hinang-hina ako, pakiramdam ko parang unting-unti nauupos ang aking lakas. Marahil nagtataka na din si Cindy sa kinikilos ko, at gaya niya din hindi ko maipaliwanag ang mga kakaiba kong kinikilos.

Sa loob ng isang linggo kong pahinga, nakaipon ako ng konting lakas, lakas para makausap si Shin.

Nandito ako ngayon sa hindi mataong parte ng park. Alam kong magagalit sakin si Cindy dahil dapat nagpapahinga ako sa mga oras na ito pero hindi ko na kaya pang mag intay ng ilang araw para makausap si Shin. Ang daming katanungan ang gumugulo sa isipan ko at alam kong si Shin lang ang tanging makakasagot nito.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now