The Truth

163 1 12
                                    

Written by the star herself, Hannah (@Royal_Nerd)

This is the story that started it all.

*Not edited

¡¡¤¡¡

Bakit ang ganda ko?
Yan ang tanong na matagal ko ng gustong sagutin.

Itago ko man ang sarili ko kahit magtago na ako sa kailaliman ng mundo.Wala akong magagawa dahil lumalabas pa rin ang ganda ko.

"Ganda" salitang hindi ako maiwan iwanan. Feeling ko nga hindi mabubuhay ang word na maganda kapag wala ako.

Pweee ang hangin ko hahahaha char lang pero maganda talaga ako  dapat alam niyo.

Alam mo ba yun?

Omoo ka or else pangit o kaya mamalasin ka hahaha

Sa paglalakad ko sa isang flower farm  may lumapit sa aking lalaki humihingi ng tulong upang mahanap ang kanyang pustiso.Nakakadiri man pero walang magagawa dahil likas na matulungin ako.

Nasaan ba nalaglag ng matandang  lalaki na ito ang kanyang pustiso.

Mahirap pa namang hanapin kasi ang buong farm ay napapalibutan ng mga magagandang bulaklak. Sayang lang kung masisira namin yun tss kawawa naman ang mga magagandang bulaklak na tulad ko BWAHAHAHAHAHAHHAHA

So ayun na nga mula sa di kalayuan may naaninag akong kumikintab na bagay.
Unti-unti  akong lumalapit hanggang sa napagtanto ko na iyon ang pustiso  ng matanda dali-dali ko itong kinuha gamit ang isang dahon na nakita ko sa lupa at iwinagayway sa ere para maagaw ang pansin ng matanda.

Agad naman akong nakita ng matanda habang hawak hawak ko pa ang kanyang pustiso .

Ito'y unti unting lumapit  na kahit na bungi ay may ngiti sa labi.

At ng ito'y nakalapit kanyang itinanong kung saan ko ito nahanap.

Itinuro ko kung saan ko ito nakuha

At ng ibalik ko ang paningin ko sa matanda ako'y napangiwi sapagkat hindi man lang niya hinugasan ang kanyang pustiso na galing sa lupa at walang kung ano-ano'y kanyan itong isinubo.

At ng maiayos na ang kanyang pustiso sa kanyang bibig kahit may lupa-lupa pa siya ay ngumiti.

"Ineng salamat sa iyong tulong "wika  niya

"Wala anuman po tatang"wika ko sa kanya.

"Ineng may ibibigay ako sa iyo"sambit ng matanda ang aking mata ay kuminang baka kasi pagkain ang ibigay sa aking matanda ngunit ako nagulat dahil mula sa bulsa niya inilabas niya ang parisukat na salmin na kasing laki ng balde.

Paanong nagkasya ang baldeng iyon sa bulsa niya?

"Ineng dahil sa kabutihan ng kalooban mo itong gantimpalang mahiwagang salmin ay ipagpapakaloob ko sa iyo" mahabang sambit ng matanda.

"Maraming salamat po" sabi ko ngunit pagkatapos ko itong sabihin sa kanya siya ay naglaho na.

Lahat ng bagay ba kailangang maglaho.

Hanggang sa aking pag-uwi aking tinititigan ang salmin at nagtataka kung bakit kailangan ibigay ito sa akin ng matanda.

Sa pag-gising ko ako'y hinihikayat ng mahiwagang salmin.

Kaya unti-unti habang akoy lumalapit ang aking dibdib ay dumadagundong sa kaba dahil sa araw na ito masasagot ang katanungan ko na kung bakit maganda ako.

"Salamin,salamin ako ba ang pinakamagandang babae sa mundo? "Sambit ko

Unti-unti   itong nagliwanag kaya na -amazed  ako.

"Umoo ka kung hindi lagot ka sa akin"pananakot ko dito

Nagulat ako sapagkat tumigil ito sa pagliwanag at sa halip ito'y  nagsimulang mabasag unti-unti hanggang sa magpira-piraso at maging alikabok at tangayin ng hangin.

Alam niyo kung anong ibigsabihin nito isa lang at ito ay.........pangit nga ako.

¡¡¤¡¡

Each chapter may not follow a proper timeline, but who cares anyway. Certainly not me.

NapakaEnglishera ko, sorry po. Nasanay lang pag nagsusulat.

Adventures ng Isang GGSSWhere stories live. Discover now