Chapter II

0 0 0
                                    

Dephie's POV

Ugghh. Sakit ng ulo ko. Wait wala ako sa kwarto ko ah, nasaan ako? Anong nangyari? As far as I could remember ay umiiyak lang ako after what I'd seen na scenario sa CR. Wait! Naalala ko na, kinakapos pala ako kanina ng hininga pero bakit ako nandito? Sinong nagdala sakin dito? At nasaan ako?

"Oh. Gising ka na pala Dephie," ani ng isang tinig na kaagad ko namang tinignan.

"Angelo? Anong ginagawa mo rito? Atsaka nasaan ba ako?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Ah, mahimatay ka kasi kanina habang nasa hallway. Ako ang nagdala rito sa'yo rito sa clinic. Mabuti nga't nasalo pa kita kanina, kung hindi baka bumulagta ka na sa sahig," malumanay niyang paliwanag sa akin.

Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa loob at ako na ang bumasag dito.

"S-sa-salamat Angelo," utal kong sabi sa kanya.

Haist. Sa dinami-rami ng taong pwedeng sumaklolo sa akin ba't siya pa? Nananadya ba ang Tadhana? Nakakailang tuloy dito sa loob ng clinic. Ang bigat ng atmosphere whew!

Angelo and I had some Mutual Understanding before, akala ko nga magkakarelasyon na ako for the first time pero mali pala ang akala ko.

Si Angelo ang palagi kong kalaban sa academics. Mahigpit ang labanan naming dalawa kaya't marami ang hindi nagtaka nang nagkahulugan kami ng loob. Oo, laban kung laban kami sa academics sa loob ng classroom pero sa labas parang lalanggamin na kami sa kasweetan NOON! Noon yun nung hindi pa siya makahanap ng ibang kakalantariin. Haist! Ayoko nang balikan pa ang nakaraan, akalain mo yun? Harap-harapan siya kung lumandi sa iba! Hay basta past is past!

So, heto na naman yung nakakabinging katahimikan sa pagitan naming dalawa. Mula kasi ng hindi na kami okay noon ay mailap na kaming mag-usap. Para bang nahihiya na kami sa isa't isa lalo na noong most embarassing moment ko rito sa school, wala na akong mukhang maiharap sa kanya.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Apr 13, 2018 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Just Another StoryOù les histoires vivent. Découvrez maintenant