Chapter 14

1.1K 26 0
                                    

Maxima POV

Siya ba yon?Siya na kaya yon?Pero bakit siya pa? Bakit kailangan siya pa ?Bakit si Damon pa??

Hindi ko alam kung ano ang motibasyon niya at sinabi niya sakin ng direkta na siya ang Mafia Boss

Napapikit ako at bumalik muli sa alaala ko ang isa sa pinakanakakalungkot na araw sa buhay ko.

Flashback

"Mom I'm ho-"

Napatigil ako ng makita ko ang gulo gulong gamit sa sala.

Agad akong umakyat ng kwarto upang tignan kung nadoon siya pero wala.Paulit ulit kopang tinawag si mommy pero wala paring sumasagot

Medyo natatakot nako sa nakikita.Agad kong kinuha ang phone ko at tumawag kay dad.

Para akong nabato sa kinatatayuan ko ng marinig ang tunog ng tawag sa may likuran ko.

Unti unti akong lumingon at nakita ang closet namin.

Doon nanggagaling ang tunog.

May kaba sa dibdib na dahan dahan akong lumapit sa may closet.

Nanginig ang kamay ko ng mapatingin ako sa bandang baba.May lumalabas na dugo doon.Matapang kong binuksan ang closet at tumambad sakin nag katawan ni Dad habang may hiwa sa may leeg.Napaupo ako..

"D-dad" Agad kong nilapitan si Dad at tinanggal ang jacket ko at tinapal sa may leeg niya.

"Dadddd!! Daddd!!" yugyog ko habang humahagulgol .Pinulsuhan ko siya pero wala nakong maramdaman na pulso.

"Daaddd!!Wag mo kaming iwan!!" sigaw ko sa kanya

Tuloy tuloy ang pag agos ng luha ko.Sino ang gagawa ng bagay na ito??May puso pa ba sila?Hindi ba nila alam na may anak at asawa pa si dad na uuwian at naghihintay sa kanya?!

"BITAWAN NIYO KO!" Napalingon ako ng may marinig akong sigaw mula sa kusina.Boses yon ni mom.

Agad akong pumunta doon at Agad akong kumuha ng bagay na pwedeng ipanglaban.

Unti unti akong sumilip.Nakita ko si Mom na nagpupumiglas.Habang hawak hawak ng dalawang nakamaskara na babae.

"Nasan ang anak mo!!" sigaw ng lalaki sa harapan niya.

Hindi naman sumagot si mom kaya agad siyang sinampal ng nasa harap niya.Mahigpit kong hinawakan ang hawak hawak kong payong.

"ouch" inda ko ng biglang may humatak sa buhok ko.

"Nandito lang pala .Kanina ka panamin hinahanap" sabi ng lalaking nakasabunot sa akin saka ako dinala kila mom..

Nanlaki ang mga mata ni mom

"Anong ginagawa mo dito?!"Sabi ni mom at napaiyak

"Wag niyong saktan ang anak ko.Maawa kayo sa kanya" Pagmamakaawa ni mom sa mga kaharap niya at pilit na lumuhod pero sinapa siya ng kaharap na lalaki.

"MOM!!Wag niyong saktan ang mommy ko!!" sigaw ko sa kanila.

*PAK* isang malakas na sampal ang natanggap ko dahilan para dumugo ang labi ko.

Nakita ko na biglang kumawala si Mom at sinaksak ang may hawak sakin na lalaki.

"Run Princess!!Takbo an-!!"

*Bang* *Bang*

Tila nabingi ako ng marinig ang putok ng baril.

Napatingin ako kay mommy.Napaluhod ito habang tumutulo ang dugo.

m-mom...m-momm-y

*bang* *Bang*

Pinaputukan pa muli nila si mom hanggang sa tuluyan na itong bumaksak.

Nakatingin lang sakin si mom habang binibigkas ang salitang Takbo at ang salitang mahal kita.

Kahit nanghihina ako ay pilit akong tumakbo.

"Habulin niyo!Wala tayong ititira sa pamilya nila!" rinig kopang sigaw ng isa sa kanila.

Kung saan saan ako sumuot pero naabutan ako ng isa sa kanila.Nadapa pa ako.

Napatingin ako sa taong may hawak ng katana ngayon.Kung wala siyang maskara masasabi kong mas matanda lang ito sakin ng ilang taon.

"N-no" sabi ko habang humahagulgol

Nakita ko ang pag atras niya.

"Patayin mo nayan!" sigaw ng isang kasama niya na kararating lang.

Napaluha ako.

Itinaas niya yung katana niya at iniwasiwas pababa sa bandang leeg ko pero nagulat ako ng may lalaking biglang yumakap sakin.

Sa likod tumama ang katana pero umabot ang hiwa sa balikat ko.

"Run..."

"Don't let them catch you"

Bulong niya sakin at itinayo ako.

Nakita ko na nabitawan nung lalaki ang katana at hindi nako hinabol nung tumakbo ako.

End of Flashback

Napahawak ako sa ulo ko.Nagbabalik isa isa ang mga alaala ko sa nakaraan.Hindi ko alam ang mga sumunod na nangyari pero nung bumalik ako doon ay hindi ko na naabutan ang bahay naming dahil puro abo na ito.Sinunog nila.Lahat ng nakita ko ng gabing yon ay nakita ko ang bangkay pwera lang sa dalawang tao.Yung may hawak ng katana at yung taong tumulong saakin.

Katana nalang ang naiwan niya pero kailangan ko Makita ang taong iyon .Kailangan kong malaman kung bakit nila ginawa iyon.

Napapunas ako sa mga luhang tumutulo sa mga mata ko.

Namumuo nanaman ang galit sa puso ko.

Kumalma ka Maxima.Mahahanap mo din siya.

Napatingin ako sa may phone ko at may nagtext don.

Meet me at E**** Coffee Shop tomorrow at 5:30 pm

Unknown ang number pero kilala ko na kung sino.

Kailangan kong makumpirma kung siya yung taong yon.

Kailangan kong Malaman ang buong pagkatao niya.

Utang ko sa kanya ang buhay ko pero sana hindi siya yon .Dahil kailangan ko siyang patayin.

Assassinating  the Mafia BossWhere stories live. Discover now