Chapter 34

1K 24 0
                                    


Maxima POV

"Ako dapat ang magalit sayo dahil kapamilya mo ang pumatay sa magulang ko.This will be the end of our contract Ms.Maxima Reed.Kung hindi moko dadalhin sa kanya ako ang magahahanap sa kanya" sabi nito at tumalikod na.

Naiwan akong nakatulala sa bahay .Hindi ko alam kung ano na ang totoo .Kung sino talaga ang may kasalanan.

Isa lang ang magiging sagot sa lahat , Kailangan kong Makita si Gian Santivanez.

Pero paano ko siya hahanapin? Hindi ko alam kung ano ang itsura niya .Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin .

Kilala siya ni Damon pero mukhang wala na siyang balak pang kausapin ako.

Pinunasan ko ang mga luha at Lumabas ako ng bahay para tignan at magbakasakaling Makita ko pa si Damon kahit ilang minuto na siyang nakakaalis

Hindi ko inaasahang maabutan ko pa siya.Nakatayo siya sa harap ng bahay habang nakatingin sakin na kalalabas lang.Hindi ko alam kung bakit nandito pa siya.Ineexpect ko kasi na wala nakong makikitang Damon sa paglabas ko.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.Napatingin ako sa hawak hawak nito sa kanang kamay.Isang maskara.Ang maskara ng Mafia Boss.

Dahan dahan niya itong itinaas at inilagay sa mukha niya.

"Maxima Reed sabihin mo sa akin kung gaano kasakit mawalan ng magulang" Sabi niya sa akin.

Sobrang sakit na gusto mong mawala na din sa mundo.Lahat ng lungkot na sayo

"Sabihin mo sa akin kung anong pakiramdam na patayin sila sa mismong harap mo" dagdag niya pa

Namumuo muli ang mga luha sa mata ko.

Parehas lang kaming namatayan ang pinagkaiba lang sa kanya may natira sa akin wala.Namatay lahat .Siya may kapatid pa ako wala.Nabubuhay ako ng sarili ko lang at mag isa.

"Itigil mo na Damon ang gagawin mo.Mamatay siya pero wala namang mababago" sabi ko sa kanya at lumapit.

"Wag mo akong pigilan dahil gusto mo rin akong patayin kanina" sabi niya.

Napayuko ako tama nga siya

"Nagkakamali ka kung inaakala mong walang magbabago.Bukod sa makakamit ko ang hustiya mapapanatag na ako" dagdag niya pa

"Hindi naman maibabalik pa ang buhay ng magulang mo pag pinatay mo siya.Sana lang alam mo ang salitang patawad" sabi ko

"Sigurado akong may gagawin ka pero ito ang tatandaan mo sa oras na makielam ka hindi ako magdadalawang isip na pati ikaw patayin ko" sabi niya na parang wala sa kanya ang mga sinasabi ko.

"Hindi pwedeng hayaan lang kita" sabi ko sa kanya.

"At hindi ko hahayaang sirain ng katulad mo ang plano ko" sagot niya pabalik.

"Hindi ka ba magpapigil sakin??" Tanong ko

"Bakit ,Sino kaba?" Tanong niya .Ang sakit masabihan non.

Sino nga ba ako.

Ngumiti ako ng sarcastic.

"Ako?Isang lang tao na pinipigilan ka" sabi ko

"Isang kang tao pero sakin wala kang halaga" sabi niya.

Gusto nanaman lumuha ng mga mata ko.Parang mas masakit pa yung nararamdaman ko ngayon kesa nung iniwan ako ni Tanner sa ere.

Hindi ako sumagot at yumuko nalang dahil hindi ko na mapigilan ang luha ko.Sabi niya palang kanina concern siya sakin pero siguro nawala yon ng malaman niya na Tita ko ang may gawa sa pagpatay ng mga magulang niya.

Assassinating  the Mafia BossWhere stories live. Discover now