Chapter 8: Fiancee

500 36 1
                                    

" Skhy " lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Zake na tumatakbo papunta sakin. Ano na naman kaya ang kailangan nito?

" oh? " mataray kong sabi at tinaasan sya ng kilay. Napasimangot naman ito at ginulo yung buhok nya. " Ang sungit naman " sambit nya. Luh?

" Ano nga kailangan mo?! " pagkatapos ko yung sabihin ay naglakad na ulit ako. Nakaka-inis! Wala ako sa mood ngayon.

" Nabalitaan ko kasi yung nangyari kay Kai... " ani pa nya habang ginugulo gulo ulit yung buhok nya. Tumigil muna ako sa paglalakad at tinignan sya. KItang kita sa mukha nya na nag-aalala talaga sya. Kaya hinawakan ko sya sa balikat. " Ok lang sya, ok? " mahinahon kong sabi at naglakad na muli.

Hindi na sya sumunod sakin at ako naman pumunta na ako sa Room namin. Pagpasok ko parang wala lang ang lahat. Ang boring ng room pag wala si Kaith. Na mimiss ko na sya.

" Ms. Ferer " tumingin ako sa gilid ko ng may nagsalita at nakita ko si Mrs. Tata na may dalang mga test paper. Kaya tumayo ako at nag bow as a sign of respect.

" Ah.. Mam "

" Heto ang mga test paper. Para yan sa mga test na hindi mo na take kahapon dahil umalis ka " Inabot nya ang mga test paper sakin at umalis na.

Hay! Mamaya ko nalang to sasagutan. Sabi ko nga, Wala pa ako sa Mood. Pinasok ko yung test paper sa Case ko. Hindi ko talaga maiwasang isipin yung kagabi.

Sino ba ang nagpadala nun?

Ba't ba gusto nya akong patayin?!

ang dami kong tanung sa sarili ko. Kung bakit ako? Ba't nangyayari to sakin? Ano bang kasalanan ko?

" Mr. Thardome "

bumalik ako sa pag-iisip ko at lumingon sa likod ko, nakatayo sya habang may bandage parin yung mga sugat nya.

Nag bow naman sya at naglakad papunta malapit sakin. Umupo sya sa vacant chair na katabi ko. Bat sya nandito? Diba section 2 sya?

" From now on, Mr. Thardome will be your classmate " sumigaw yung mga babae habang nag wow naman yung mga lalaki.

pero ako?

Heto 'TUNGA-NGA'

pano nangyari yun? Wow! Magic!?

" Sige aalis muna ako class, may meeting ang mga English teachers ngayon. "

Ng makita ko si Azaekel, naalala ko yung sinabi ng lalaki. Ba't pa kasi humantong sa sitwasyon na ito. Ayttsss

Pagka-alis ni mam nagsitakbuhan naman yung mga babae kong kaklase papunta sa direksyon ni Azaekel.

" Kumusta ka na babe? " tanung ng kaklase kong babae, si Merrise habang hinahawakan ang buhok ni Azaekel. Inis na inis naman yung iba kong kaklase na babae. LOL kasi si ateng girl, feeling close. Babe daw? Kaano-ano mo siya? Luh? Akala naman nito papatulan siya ni Azaekel. Hindi kaya nya naabot ang mga standards neto.

" DONT TOUCH ME "

Nagulat naman sila sa reaksyon ni Azaekel, kasi kilala kasi sya na walang pili basta BABAE. Pagkatapos sabihin ni Azaekel yun ay nagsi-alisan na ang mga babae. Tinignan ko si Merrise Hala? Namumula sya na parang nahihiya sa nangyari at parang naiiyak sya. Yung ibang babae naman tinutukso sya at pinagtatawanan. Kawawa naman sya.

( Lesson Learn : WAG KANG UMASANG PAPANSININ KA NG TAONG GUSTO MO )

Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Azaekel na nakatingin na pala sakin. Ba't nya ko tinitignan?

/ Boogs... Boogs... /

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng hawakan nya ang mga kamay ko. " Ok ka lang ba? " Omo! /Boogs..Boogs... / Ano ba to? Kinikilig ba ko? Nooooo!! Ba't ba kasi hinawakan yung kamay ko sabay tanung na para bang concern sya sakin.

That Cassanova Mafia Guy (On-Going)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن