Chapter 9: Son In law

451 31 0
                                    

" Your...Fiancee? " tanung ni Miko habang naka kuyom ang kanyang kamao. Ano ba kasing sinasabi ng lalaking ito? Ako? Fiancee nya? kailan pa?

" Yes " maangas na sabi ni Azaekel at hinila ako papalapit sakanya. Bakit ba palagi nalang ako nahihila. Kainis naman! Baka magbug bugan pa tong dalawa dahil sakin. Haba ng hair ko no? Inggit lang kayo.

Marami rami narin ang mga tao sa paligid. At puro tsismis na naman sila.

" Totoo ba ang narinig ko?, fiancee ni Papa Azaekel yang Skhy na yan? I kennat Bilib it! "

" Fiancee ni Azaekel yang pangit na babeng yan? Baka ginayuma nya si Oppa "

" kadiri ang babaeng yan! Akalain mo? Pinagsabay nya ang dalawang lalaki. "

" Nakakadiri talaga! " Naiiyak na ako sa mga sinasabi nila. Huhuhu. Anong tingin nila saakin? Prosti? Bigla nalang tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko talaga mapigilan. Bakit pa kasi dumating si Azaekel na yan sa buhay ko! Aisttt!

" Diba Skhy? " humarap sya sakin upang malaman ang sagot ko pero nakita nya lang ang mga namumula kong mata. Ayoko ko syang sagutin. Dahil ako mismo walang alam kung anong pinagsasabi nya. Hindi ko nga rin malaman sa sarili ko kung bakit Palagi nalang akong umiiyak?

Ba't ba ako nagpapa-apekto sa mga taong wala namang alam?

" Skhy... " rinig kong sambit ni Miko at naglakad palapit sakin. Ng makita nya ang namumula kong mata sa kakaiyak ay Sinuntok nya si Azaekel at napasubsub naman ang mukha nito sa sahig. Tinignan ng masama ni Azaekel si Miko at Pinunasan nya ang dugo sa kanyang labi. Tumayo ito at binawian ng suntok si Miko.

" Tumigil na nga kayo!!! " Sigaw ko, Hindi ko na talaga matiis na makakita ng dalawang taong ang-aaway dahil lang saakin! Hindi naman ako ganyan ka special no?

Napatigil naman sila at nagtitigan ng masama. Lumapit ako kay Miko at inilayo sya kay Azaekel. " Please? " tumango naman sya at pinunasan ang dugo sa labi nya.

" hindi pa tayo tapos " ani nya " Paalam na skhy... Next time nalang " at umalis na sya

" wala nang Next Time " Lumingon ako sa nagsalitang si Azaekel na nagsimula naring maglakad papalayo. San na ako pupunta ngayon?

" Follow me " ani nya. Wala din naman akong magagawa. Kung hindi ako aalis dito baka mapatay ako sa mga 'Fangirls' nina Miko at Azaekel.

Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami dun sa parking lot. Ano naman kaya ang ginagawa namin dito? Omo! Wag mong sabihin na? Nooooo!! Mali tong iniisip ko. Erase Erase Erase.

" Uhm... A..nong gina..gawa natin dito? " nauutal kong tanung sakanya. Pero Hindi nya ako sinagot at binuksan nya yung pinto ng isang kotse. " Sakay " mahinahon nyang sabi. Pero sasakay ba ako o wag nalang kaya? Baka anong gawin sakin ng Azaekel na to. Madilim pa naman dito.. wahhhhhhhh...

" Sasakay ka ba o Sasakay ka? " weyt? choices ba yun? pero bakit magkatulad lang? Wala talaga ako Choice nito. Sasakay na nga lang ako. Gusto ko ring malaman kung ano ba yung pinagsasabi nya na Fiancee Fiancee na yun. Gusto kong maliwanagan. Pero na Fefeel ko na masama na talaga akong estudyante. You know, yung absences ko dumarami. Palagi nalang akong nag skiskip class. Pero wala naman ako problema dun kasi pinangakuan ako ni Azaekel na kapag pumayag ako sagot nya na ang tuition ko hanggang maka graduate! Yehey!

( Flashback )

" Ano naman ang mapapala ko kapag papayag akong magpanggap? " confident kong tanung kay Azaekel. Nasa Coffee shop kami ngayon, pumunta kasi kami dito pagkatapos nya akong alukin na maging fake GF nya para sa Dad nya raw.

Nakakaloka talaga ang mga mayayaman, hilig makipagdeal ng Fake GF,WIFE or anything para sa parents nila at para masunod ang mga gusto nila. Parang mga stories na nabasa ko sa WATTPAD.

That Cassanova Mafia Guy (On-Going)Where stories live. Discover now