Embracing The Dark Prince (Under Major Editing)

4.7K 124 3
                                    

Nagulat ako sa eksenang nasaksihan. Alam ko ng una ko palang siyang makita na masama na siya. Pero hindi ko aakalaing ganito kasama. For Godnesssake! He almost killed the man.

Walang awa niyang binugbog ang mga kalalakihan. Halos hindi na makatayo ang mga ito. Iyong leader ang pinakanapuruhan ng pukpukin niya ng baseball bat.

Dapat hindi ko na siya sinundan dito.

Nasa isang eskinita kami. Hindi ito masyadong dinadaanan ng mga tao kaya parang abandonado na.

Nakatago ako sa isang malaking poste habang tinitingnan siyang binubugbog pa rin ang hindi na makalabang mga kalaban.

Honestly, I feel scared. Pero hindi ako makaalis sa pinagtatguan dahil parang bibigay na ang mga tuhod ko sa nasaksihan.

How could he be this merciless?

Is he really this ruthless? Hindi ako naniwala sa usap-usapan ng mga kaklase ko na masama siya, na wala siyang sinasanto. That he's a very dangerous man. Kung may kinatatakutan man ang buong mga mag-aaral pati na ang mga professor sa EastWest ay siya na yon. Kahit kailan hindi ako naniwala sa mga ganitong tsismis nila. I thought they are just exaggerating things. No one could be that ruthless.

But now that I witnessed it with my own eyes para akong mawawalan ng malay.

Nakapukos lang ang paningin ko sa leader ng grupo. Is he still alive? Hindi na kasi ito gumagalaw. Hindi ko alam kung saan dumapo ang baseball bat o kung dumapo ba ito sa katawan ng leader. Pumikit kasi ako at tinakpan ko ang dalawang tenga.

Sa halos labingwalong taon kong paninirahan dito sa mundo hindi pa ako nakasaksi ng ganito ka bayolenteng away. Hindi kinaya ng sikmura ko ang nasaksihan.

"I know your watching. Come out now." Matigas na sigaw nito.

Hindi ako nakagalaw sa pinagtataguan. Kanina niya pa ba alam na nandito ako?

"Are you scared of me now, huh?"

Kahit puno ng takot at kaba ang dibib ay dahan-dahan parin akong lumabas sa pinagtataguan.

Ngayon malinaw kong nakikita ang duguan niyang kamay. Alam kong hindi siya napuruhan at hindi rin sa kaniya galing ang dugo. Galing ito sa mga lalaking binugbog niya. Mas lalong nagulo ang dati niya ng magulong buhok. May bahid din ng dugo ang kaniyang puting t-shirt. Tiningnan ko ang mukha niya. He have a cut on his lips and on his right eyebrow. Maliban roon ay wala na akong nakitang sugat pa dito.

"Come closer." Utos niya sakin

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan. At ng makita niyang wala akong balak sundin siya ay ito mabilis itong lumapit. Napaatras ako sa biglaan niyang ginawa. Anong gagawin niya? Is he also going to punch me? Papaluin ng baseball bat? Beat me up like what he did to those guys?

Patuloy ako sa pag-atras habang patuloy naman siyang lumalapit. Aatras pa sana ako ng maramdaman kong may nakaharang sa likod ko. Wala na pala akong maatrasan. Now I'm trapped. Nakasandal ako sa malaki at sirang poste na paingtataguan ko kanina.

"Are you finally scared now that you've witnessed what I'm capable of doing?"

Sobrang dilim ng mga mata niya. All I can see is an all out darkness in his beautiful eyes. Hindi parin humuhupa ang sobra-sobrang galit niya.

Hindi ako makapagsalita. I can't understand what I'm feeling right now. I'm scared pero may nararamdaman din akong hindi ko maintindihan. What's happening to me?

Maybe I was just shock with all of this.

"Don't just stare answer me." Malakas at matigas niyang sigaw.

Napapikit ako sa sobrang takot. Baka pilipitin nito ang leeg ko pag hindi ako sumagot.

Pinilit kong buksan ang bibig at magsalita.

"I--m not." Halata sa boses ko ang sobrang kaba at takot.

"Really?" Mapang-uyam niyang sinabi.

Hindi ako nakasagot dahil sa totoo lang nag-uumapaw na ngayon ang takot sa dibdib ko.

"Kung totoo ngang hindi ka takot. Bakit nanginginig ka?"

"Sino ba kasi ang hindi matatakot. You almost killed them." Pahsasatinig ko at tiningnan ang mga nakahandusay na kalalakihan.

He laugh but I can't see any humor in his face. He still looks dark.

"They deserve it. In fact kulang pa nga yan." Matalim niyang tinapunan ng tingin ang mga nakahandusay.

Paano niya nasasabi yan? Kahit isang katiting na pagsisisi ay wala akong makita sa mga mata niya. His eyes only shout danger and pure evilness.

Can I really embrace this side of him? Makakaya ko ba talaga siyang mahalin. I am bound to become a doctor, a person who treats sick people. Pero ang taong kaharap ko ngayon, ang taong nagustuhan ko ay kabaliktaran ng mga prinsipyo ko. He is the opposite of what I want to be.

Can a person like me? Can Laureen Isabelle Fernandez embrace the Dark Prince Ace Jimenez.

_______________________________________
@hazedespi

EMBRACING THE DARK PRINCEWhere stories live. Discover now