- 56

1.7K 98 65
                                        

KIM DAEMIN



12 years ago...



"Oy! Daemin!"



"S-sandouk?"


"Diba? Sabi ko sayo? Akin na yang baon mo?"

Napatingin ang batang si Daemin sa special na baon na ibinalot ng kanyang nanay. Puro Sushi at hugis bunny pa ang design nito.


"B-bawal eh..gawa sakin to ni Mommy ko..."


Natawa ang batang si Sandouk.


"Mommy? Haha sino mommy mo? Yung lalaki? Ah! You have to Daddies right? Because they both Gays!"

Pinagtawanan si Batang Daemin sa buong canteen. Napayuko na lang si Daemin habang umiiyak.

"Akin na yang baon mo! Wag kang uuwi mamaya antayin mo ako ha!"


Tumatawang sabi ng Batang si Sandouk at kinuha ang baon ni Daemin.



Isang loner, tahimik, laging inaapi si Daemin noong elementary siya. Laging inaagaw baon niya na ginagawa ng nanay niyang si Minseok, Kinukuha ang gamit niya, pati P.E uniform at school uniform, kinukuha sakaniya at lagi siyang nasesermunan ng tatay niya na si Jongdae pero, walang magawa si Daemin kundi magsorry sa magulang niya.


Isang araw, tahimik na naglalakad pauwi si Daemin ng may bumato sakaniya ng plastic bottle. Napalingon ang batang si daemin at nakita niya si Sandouk at ang dalawang kaibigan nito.



"Hoy Daemin. diba? Sinabi ko sayo? Wag kang papansin sa Teacher?!" Galit na galit na sabi ng Batang si Sandouk.

Hindi alam ni Daemin kung bakit galit na galit sakanya si Sandouk. Lagi siyang sinasaktan nito, kinukuhaan ng kasiyahan, laging pinapaiyak si Daemin.


"H-hindi naman ako nagpapapansin kay Ms.Ching..." Naiiyak na sabi ni Daemin at hinampas siya sa ulo ng Batang si Sandouk gamit ang kamay. Gusto nang umiyak ni Daemin pero hindi siya makaiyak dahil wala naman itong patutunguhan.


"Lahat na lang inagaw mo sakin Daemin. Attention ni Ms.Ching, yung roses ni Aya, Yung candy na binigay ni Mr.Go. Lahat!" Galit na sabi ni Sandouk at agad na hinila ang damit ni Daemin. Walang palag, at hindi makalaban si Daemin sa panga-api ni Sandouk.

"Chara, Nidor! Hawakan niyo siya at dalhin natin sa lupaan!" Sigaw ni Sandouk at sumunod naman ang dalawa at hinila papunta sa tagong lugar.


Nagpupumiglas si Daemin pero hindi sapat ang lakas niya. Dahil na rin dalawa ang nakahawak sakaniya. Iyak siya ng Iyak pero walang nakakarinig sakanila.


"Sigaw sigaw ka pa ah!" Ani ni Sandouk at tinulak ni Nidor at Chara si Daemin sa buhanginan. Napasubsob at nakasinghot ng buhangin si Daemin. May hika siya nung bata siya at bawal na bawal sakaniya makasinghot ng alikabok dahil mabilis siya hikain.


Ubo ng ubo si Daemin. Pinagtatawanan lang siya ng tatlong lalaki na classmate niya.


"Akin na yang bag mo, Chara." Nakangising sabi ng batang si Sandouk. Binigay naman ni Chara ang bag niya at ngumisi ng nakakademonyo si Sandouk.


message request ii • exo Where stories live. Discover now