Chapter 8

607 9 3
                                    

JOYCE'S POV


"Nandyan ka lang pala Joyce. Kanina pa kita hinahanap" sabi ni Sheena.

"Gusto ko nang umuwi. Uuwi na ako" sabi ko kay Sheena.


"Hoy ano ba baliw bawal! Baka hanapin ka ni Ms. Reyes" sabi ni Sheena. Si Ms. Reyes ang school teacher nila. Bawal pa kasing umuwi dahil hindi pa tapos ang party.


Namumula pa ang mata ko sa kakaiyak. Parang ayaw ko na magpakita dahil sa nangyari.

"Sige na nga. Sasabihin ko kay Ms. Reyes na umuwi ka nalang dahil doon sa nangyari"

"Salamat Sheena ha?"


"Wala yun. Ano ka ba naman!"

Pero siyempre bago ako umuwi ay nagpaalam muna si Sheena. Nang pumayag na ay umuwi na ako at nagpahinga. Hindi ko parin makakalimutan yung nangyari. Yung may feeling akong ayaw ko nang pumasok sa buong school year.


Nakarating na ako sa bahay at nagulat si ate Katrina kung bakit maaga akong umuwi. "Huy bakit parang ang aga naman ng uwian niyo ha?"

"Masama kasi pakiramdam ko. Ako na bahala sa sarili ko" pagsisinungaling ko sabay pasok sa kwarto ko.

"Bahala ka" bulong ni Katrina. 


Pagdating ko sa kwarto ay sinuot ko ang t-shirt na bagong laba at shorts na sinuot ko kahapon. Humiga ako sa kama at huminga ng malalim.


"Dapat pala hiningi ko yung number ni Marco para nandito siya" sabi ko sa sarili. Lumabas ako sa kwarto at dumeretsong labas ng bahay. Pumunta ako ng park malapit sa aming bahay.

Buti na lang nakahanap ako ng bench para makaupo "Marco.. Kailangan kita...." bulong ko sa sarili habang nakatingin sa ibaba.


"Di nga? kailangan mo ako Joyce?" tanong ni Marco.

Muntik na akong mapatili  dahil sa biglang pagsalita ni Marco. "ANO BA YAN MARCO!! Teka.... Marco? Bakit ka biglang sumusupot? Tsaka paano mo nalamang nandito ako?" tanong ko. Grabe talaga itong lalaking ito. Isang banggit lang ng pangalan, susulpot kaagad. 


Paano kung stalker ko ito? Creepy stalker? Baka sa huli kidnapin ako nito. Hindi naman siguro.


"Ahhh.... Wala lang" sabi ni Marco sabay ngiti. Umupo siya sa tabi ko.


Tumayo ako...


 "Stalker ka ano??" pagbintang ko sa kanya habang nakaturo ang daliri ko sa kanya.

"Huh? Hindi ah!?" mabilis na sagot ni Marco.


"Hmm...Since wala ako sa mood makipag-away.....Sige na nga, hindi na" sabi ko. Sa totoo lang, wala talaga ako sa mood makipag-away talaga. Ang tanging gusto ko lang ay kalimutan ang lahat. Ayoko muna ng gulo.


Umupo ako at tumabi kay Marco. Lumapit ako kay Marco para yakapin ito. Kasi...alam niyo na..kailangan ko ng comfort....pero bigla siyang umiwas. Tumaas ang isang kilay ko dahil sa pagtataka.

"Bakit ka umiwas?"

"Bawal kasi....... Kasi...... Hindi ako...... Nagtitiwala"

"So hindi mo ako pinagkakatiwalaan?"


"Hindi naman sa ganon kasi----"

"Hindi mo naman pala ako pinagkakatiwalaan. Na-love at first sight pa naman ako sayo" mahinang sabi ko.

"H-ha?"


"Wala....wala. Narinig mo pala" sabi ni Joyce. "Ay oo nga pala! Nagugutom ako kain tayo. Tara Marco" pagyaya ko sabay takbo. Gutom na kasi talaga ako kaya gusto ko kaagad makahanap ng nagtitinda ng pagkain. Tumingin ako sa likuran ko at nakasunod naman si Marco. Cute niyang tumakbo.   :3

Buti nakakita ako ng nagtitinda ng fishball, kikiam at hotdog. "Anong gusto mo, Marco?" tanong ko sakanya. Nakita ko siya na pagod na pagod sa pagtakbo.


"Huwag na. Ikaw na lang" sagot niya.


"Sige... Bahala ka" mahinang sabi ko. Buti na lang na makakalimutin ako dahil may pera ako bulsa na nakalimutan kong ilagay sa wallet ko.

Pagbigay ko ng bayad sa tindero. Tinignan niya ako na parang may 'something' sa akin. Tingin siya nang tingin. Na-weirdohan tuloy ako. 

Pagkabigay niya sa akin ng sukli, bumalik kami sa park para may mauupuan. "Doon tayo Marco sa may duyan" sabi ko sabay turo sa malayong direksyon kung saan nandoon yung duyan.

Buti na lang dalawa ang duyan para parehas kami maka-upo. 


"Joyce. Bakit ka nga pala umiiyak nung nakita kita. Alam mo na sa......." tanong ni Marco. Napatigil naman ako sa pagkain nang sinabi niya yun.

"Kalimutan mo na yun. Ayoko nang maalala yun" sabi ko at nagpatuloy ulit kumain. Nanahimik na rin si Marco. Ilang minuto ang lumipas at nagsalita na ulit si Joyce.

"Marco..."

"Hmmm?"

"Pwede mo ba akong yakapin? Kasi nalulungkot ako" sabi ko habang nakayuko.


Hinihintay ko si Marco na yakapin niya ako pero nang tumingin ako sa kanya, mukhang nag-aalinlangan siya sa pagyakap sa akin.

"Kung ayaw mo, okay lang" sabi ko sabay ngiti. Baka kasi ayaw niyang makahawak ng tao. O baka ayaw niyang hawakan siya ng tao? Baka germaphobe siya? O baka maarte lang?


Kahit na sinabi ko na iyon. Niyakap niya pa rin niya ako. Siguro baka hindi lang komportable dahil babae ako at baka kung ano ang mahawakan niya. Wow namannn..

Pero...nagtataka ako..

.

.


"Bakit ang lamig mo?" tanong ko. 


Ano ba ito? Galing ba siya sa aircon? Kung pumunta siya sa isang lugar kung saan may aircon, dapat hindi na siya malamig ngayon, kanina pa kasi kami dito sa park. Imposibleng mag-stay nang matagal yung lamig. 


"..........."


"Parang bangkay yung yumayakap sa akin?"


".........."


"Baka nerbyoso ka lang. Pero ang lamig mo talaga eh. May sakit ka no?"


Bigla niya itinigil tuloy ang pagyakap. 


"Sa..... Sasamahan na lang kita...... Sa...... Sa pag-uwi" sabi ni Marco. 


Nagtataka din ako dito kay Marco eh. Kanina pa-utal utal din ito magsalita. Baka nerbyoso nga.


At dahil sinabi niya na sasamahan niya ako sa pag-uwi, sinamahan niya nga ako. Nang maka-uwi na ako sa bahay, nagpaalam na kami sa isa't isa at umalis na din kaagad si Marco.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's In Love With A GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon