Chapter 1

50 4 2
                                    

Hays, Monday nanaman, may pasok nanaman. Another day of rejection nanaman! *bang bang bang*

"HOY ZARA!! BUMANGON KA NA DYAN, ABA! ANONGN PETSA NA!" haaaaay, here comes the machine gun! "Opo, tita Narcy! Eto na po, maliligo na po."

*1 hour later*

*peep peep*

OMYGAHD nandito na yung school bus! thank God, nakaayos na ako, kung hindi! nako, papasok ako mag isa!

*Carandal International School*

Nandito na ako ngayon sa school, finally! Ang ingay kasi sa school bus, hays. Puso mag ready ka na, ha?  Makikita mo nanaman si Arren at panigurado, rejected ka nanaman don! Oh, speaking of, nandito na siyaaaa!

"Hi Arren, chocolates for you!" GUESS WHAT?? naiwan nanaman akong nakatunganga na mukhang timang at yung chocolate na nasa sahig dahil tinabig niya. hays! pero okay lang, classmate ko naman siya eh, kaya may chance pa ako para mapansin niya mamaya.

Ay teka! speaking of! may klase pala ako ng 2:20, 2:15 na! nasa 5th floor pa yung room ko! naku, lagot!

*2nd floor*
*3rd floor*
*4th floor*
*5th floor*

*kring kring kring*

Uy sakto ako! kaso, mukha naman akong sinapak nang limang tao sa hitsura ko! pawis na pawis, gulo gulo buhok at gusot ang uniporme. malamang, mapapahiya nanaman ako pag pasok ko nito!

"ew, gross"
"kadiri ka! tao ka ba?"
"omg! may taong grasa!"

*bang!*

Lahat kami nagulat nang may humampas nang whiteboard sa harap at mas lalo akong nagulat nang nakita ko kung sino ang humampos 'non! Si Cedric Henave! Ang heartthrob nang school na ito! At mas nagulat ako nang lapitan niya ako at hinatak palabas nang classroom. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero, andaming tao ang nag bubulungan nang makita kami este makita ako na kasama si Cedric. Ikaw ba naman hatakin nang isang heartthrob sa hallway ewan ko nalang talaga kung hindi ka pagtawanan at pagbulungan.

Napasandal ako sa likod niya nang bigla siyang tumigil sa pag lalakad.
Bigla siyang humarap saakin, at sinabing "ayos ka lang ba? hindi ka ba nila sinaktan?" hala! si Cedric ba talaga 'to? "huh? ah, oo, ayos lang ako" hindi ko expected na ganto pala siya kabait, paano ba naman kasi, laging nakasimangot! "huy! ayos ka lang ba talaga? wala bang masakit sayo?" nako, lagot nanaman ako nito bukas, malamang pagpasok ko palang sa gate marami nanamang mang aaway saakin. hays. what a life!

Pabalik na ako sa classroom para kuhanin ang gamit ko para makauwi na ako nang may makita akong naglalakad na lalaki na para bang may hinahanap. pero, hindi ko maaninag kung sino ito, malabo kasi mata ko, ayoko naman mag salamin or contact lens. sino kaya 'to? ba't parang familiar yung lakad? nagulat ako nang bigla nalang akong nilapitan nito at mas lalo akong nagulat nang ma-realize na si Arren ito! "balita ko inaway ka daw nang mga classmate natin, ayos ka lang ba?" uy concern siya, char. ayoko umasa. "ah, oo ayos lang ako. ba't nga pala nandito ka?" omg! hinawakan niya kamay ko at hinatak niya para yakapin sana, pero.....

----

Eto na ba ang chance ni Zarandel para maging malapit sila ni Arren sa isa't-isa?  ano sa tingin niyo?

---

Hi! thank you sa pagbabasa nitong libro ko na ewan ko kung okay lang ba o korni masyado o kaya, boring basahin pero, sana magustuhan niyo! pinaghirapan ko yan! hihi.

-yonikaiha 🐵

Rejection to ObsessionHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin