Chapter 3

34 3 0
                                    

Nagising ako dahil sa isang kaluskos sa aking gilid. Pagkamulat ko nang aking mata, puting silid ang aking nakita. Napabangon ako bigla. Naramdaman ko ang pagsikip nang aking dibdib kaya naman pinahiga ako nang nurse. nurse??? teka, nasa hospital ako? anong ginagawa ko dito? anong nangyare?

Lahat nang tanong ko ay nasagot nang magsalita ang nurse "nawalan po kayo nang hangin kanina kaya nahirapan po kayong huminga at nawalan po kayo nang malay." pagpapaliwanag ni ateng nurse.

Naalala ko na yung nangyare kagabi!

*flashback*

"siraulo ka pala eh! alam mo naman na saakin lang si---"

Napakapit ako kay Sam nang maramdaman kong sumisikip ang aking dibdib.

"Zara? Bakit? anong nararamdaman mo?"

"Sam, in...haler ko?"

"Nasaan ba? Wala sa bag mo! halika na, dadalhin na kita sa Hos---"

Hindi na naituloy ni Sam yung sasabihin niya kasi, nawalan na ako nang malay.

*end of flashback*

Yun yung nangyare, sa pagkakatanda ko. Yun yung rason kaya hindi ko na narinig yung pinag-uusapan nila Arren.

*tok tok tok*

"Can I come in? How are you?" Tanong nang bagong dating.

"Sige, pasok ka. Okay na ako. Konting pahinga nalang raw tapos, pwede na rin ako umuwi bukas."

"Buti naman."

"Paano mo nga pala nalaman na nandito ako?"

"Kasama ako ni Sam nagdala sayo dito. Matapos mong mawalan nang malay, nag panic si Sam, sabi niya natatakot siyang mag drive, kaya ayon, ako ang nag drive."

"Salamat Cedric, ha? Lagi mo nalang akong nililigtas eh."

Inabot niya ang kaniyang kamay saakin.

"From now on, ako na ang body guard mo sa school. Hatid sundo na rin kita sa classroom niyo. Sabay na rin tayo mag lunch kung okay lang sayo. From now on, let's be friends!" Tatanggapin ko ba ang offer niya? Sige na nga, tutal wala rin naman akong kaibigan sa school bukod kay Sam.

Inabot ko ang kaniyang kamay. "friends!"

Maya-maya, nagpaalam na din si Cedric na uuwi na kasi, may training pa sila bukas ng umaga sa school. Varsity kasi siya ng basketball.

Bumukas yung pintuan at iniluwa nito sila Kuya na may dalang prutas.

"Zara, ano nanaman nangyare sayo? sabi ko naman sayo mag home school ka nalang eh! baka sa susunod na atakihin ka ng hika mo, hindi mo na kayanin!"

"Mama naman eh! promise last na 'to. Hindi ko na iiwanan yung inhaler ko sa bahay. Pag naulit pa 'to, papayag na akong mag pa-home school."

Hays. Sana lang hindi na maulit 'to. Ayoko naman kasi mag home school. Korni eh. Walang classmates. Solo ka lang. Baka lalo lang akong magkasakit 'non.

Anong oras na ba makatulog na nga. Ay, wait, 11:11pm. Makapag-wish nga muna.

Sana maging kaibigan ko na si Arren bago pa ako ma-home school.

-----

Magkakatotoo kaya ang 11:11 wish ni Zarandel?

----

Thank you sa pagbabasa! Sana magustuhan niyo hihi. Vote kayo ha? Thank youuu! 😘 lablab!!

-yonikaiha 🐒





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rejection to ObsessionWhere stories live. Discover now