Chapter 11: The Bad Boy

329 2 0
                                    

"Hahahaha...good morning girlfriend" .

Huh? Si Josh? Anong oras na ba?

Tsk!! 8 am pa lang ah?! Ggggrrr nakakainis naman toh e! Weekends na nga lang time ko to sleep in late eh.

"Josh naman ehhhhh!!!!!" Tili ko sakanya. Bahala siya jan.

"Hahahaha....anong oras mo balak gumising? Ikaw nalang ata ang tulog sa buong Rainville."

Tsk! Pag ginising ako ni Mama, ayun, meaning nun e tanghali na at nagtutulog mantika na naman ako.

"Uuuuggghhh!!!!" Unat, unat, unat. Hay, ginising nalang din naman niya ako, o edi sige babangon na ako.

"Gising ka na girlfriend?" Halos pigilan pa ni Josh ung pagtawa niya. Buset na yan!

"May choice pa ba ako boyfriend e ginising mo na ako?" Maki-ride nalang nga ako sa pinagsasabi nito.

"Hahahaha...punta ako diyan." Ano daw?? May lahing-intsik ba toh at maaga manligaw? Un kasi naririnig ko noon kila Mama e.

"Josh ang aga-aga mo mambwiset ha!" Lumabas ako ng kwarto ko na dala ang cellphone, kausap ko pa dn siya.

"Eto naman di na mabiro. Di kasi ako makakatawag mamaya e. Kaya ngayon na ako tumawag."

Ay.... na-disappoint naman ako bigla.

"Bakit may gimik ka?"

"Wala...birthday kasi nung kuya ni Charles. Ininvite kame ni Aldrin."

Ah si weird guy. Gwapo din kaya un like Josh? Di ba birds of the same feather flock together?

"Ah ganon ba? Sige."

Di bale na nga. Since Monday na bukas, may pasok na naman. Maaga nalang ako matutulog.

-------------

JOSHUA's POV

"Bro, happy birthday!" Bati ko sa kuya ni Charles, inabutan ko ng alak. Nakakahiya naman kasi ung wala akong dala.

Seaman ung kuya niya. Last week lang dumating for 1 month vacation.

Eh nabalitaan ko, ung mga nagbabarko, mahilig maginom.

"Josh, tara pasok sa loob." Eto na si Charles. Pagselosin ko kaya? Hahaha sigurado ako magseselos siya ng sobra pag nalamang lumabas kame ni Ashley.

Sorry pare, mukhang nagkamali ka na ibigay saken un number ni Ashley.

"Charles! Sige bro. Si Aldrin nanjan na?" Tinawagan ko kanina un lalaking un pero wala n daw sa bahay nila.

"Oo ayun dumidiskarte na. Ung girlfriend kasi ni kuya may kasamang barkada"

Si Aldrin, magaling mambola. Kaya kahit hindi siya kagwapuhan, marami rin siyang chiks. Tsk! Tsk! Tsk!

Si Charles naman. Wala, tahimik yan. Kala ko nga noon bading siya e. Kaya nagulat ako nung may kinkwento na siyang babae samen. Si Ashley na nga.

Magaling siya pumili ng babae ha. No offense, pero hindi gwapo si Charles. Hindi rin siya magaling mambola tulad ni Aldrin.

Pagkatapos namin kumain, nagpunta kame sa garden. Kasama din naman un kuya ni Charles, girlfriend nun at mga barkada. May naka set up din na bbq grill sa gilid.

"Josh, ano nakakausap mo pa ba si Leigh Ashley?" Nagusisa si Charles.

You asked for it bro. So here you go....

"Yup. Nag-date nga kame kahapon e." Tumingin saken si Aldrin, Charles, pati na rin kuya niya. Ah, so may idea ang kuya niya about Ashley.

"Nako! Tigilan mo nga kalokohan mo diyan Josh." Binato ako ni Aldrin ng peanuts.

Ngumisi ako. At alam na niyang hindi ako nagsisinungaling.

"Seryoso ka nagkita na kayo?" Tanong niya.

"Oo nga. Nung Friday nakita ko siya sa terminal. So niyaya ko lumabas kahapon."

"Maganda siya diba?" Sabi ni Charles habang di inaalis ang titig saken.

"Yes, she's very pretty." sige lang Charles. Ipakita mo lang saken na nagseselos ka. And I'll make it very exciting for you.

"Pero hindi siya tisay." Matigas na sagot niya.

"Yeah she's not. Iba ang dating niya, but as I said, she's pretty."

Sinenyasan ako ni Aldrin na tumigil na. Kaibigan ko si Charles at alam ko selos na selos na siya.

So I made him a deal.

"Gusto mo magset-up ako ng date? I can ask Ashley to meet you. Para makilala mo na siya personally."

Umismid muna ni Charles bago sumagot.

"Close na talaga kayo ni Leigh Ashley ha. Anytime mo gusto makipag meet sakanya pwde?"

Charles, you shouldn't ask questions that will hurt you.

"Hindi noh. Actually, nagpaalam pa siya sa parents niya kahapon. Sinundo ko siya sa bahay nila. Pumayag naman Papa niya pero nagbilin na wag kame magpagabi."

Napailing si Charles sa sinabi ko. Hahahaha nako bro, you don't know how to play a game.

"Liligawan mo siya?" Tanong niya saken. Si Aldrin naghihintay din ng isasagot ko.

"Bro, kelan ako nanligaw?" Never ako nanligaw. Hindi ko kailangan manligaw. Alam naman nila yan.

"So ano? Gusto mo ba siya makilala or hindi?"

"Bro, sige na. Chance mo na yan para makilala na si Leigh Ashley. Ikaw rin, baka only chance mo nalang yan." Sulsol naman ni Aldrin.

Nagisip-isip si Charles, bago umoo. Paano at kailan daw? Sabi ko, kakausapin ko muna si Ashley. Hindi ko rin naman sigurado kung papayag un.

Umuwi ako ng maaga. Sabi ko tatawagan ko si Ashley para itanong kung kelan siya pwde.

Pero bukod doon, gusto ko rin naman siya makausap.

Baka nga mas nagenjoy pa akong kausapin siya, kesa sa pagpunta ko sa birthday ng kuya ni Charles.

---------------

9pm na. Gising pa kaya un? Text ko nalang muna kaya.

To: Ashley

Girlfriend gising ka pa?

5 minutes......

10 minutes.....

15 minutes......

Tsk! Tulog na ata un ah. Di bale na nga. Bukas nalang. Itetext ko na sa siya ng goodnight pero biglang tumunog cellphone ko...

Yeah, yeah, yeah Que no pare la fiesta Don't stop the party Yeah, yeah, yeah Que no pare la fiesta Don't stop the party

Siyempre, kailangan pang party rock ang ringtone ko. Pagsilip ko sa screen.....

Ashley calling....

Swipe left to answer

My Pretty BoyWhere stories live. Discover now