Chapter 16: Threesome, eh?

355 5 0
                                    

"Leigh Ashley, san mo gusto kumain? Libre na kita."

Aba siyempre dapat ilibre mko noh. Pag kay Josh lage ako libre e.

Kaya nagyaya akong kumain sa TGIF. Hehehe, hindi naman talaga ako nakikipag-date diba. Bukod kila Colette, si Josh lang naman nakakasama ko mag-malling.

Kaya hindi ko alam kung anong tawag sa lakad nameng tatlo ngayon.

Nagorder ako ng madami. Bukod sa gutom ako, gusto kong i-celebrate ung last lecture week namen. I-advance celebrate ko na din ung exam week namen, tutal confident akong kaya kong ipasa un.

Actually, even if I'll get the lowest mark on the finals, papasa pa din ako. Kasi mataas ang ratings ko sa prelim saka mid-terms. Naks!!

Libre naman toh kaya kakain ako ng madami.

"Charles, kelan start ng training mo sa cruise ship?" Wala lang. Natanong ko lang para may mapag-usapan. Siya kasi magbabayad ng bill mamaya.

"Ui naalala mo pa pala. Hahahhaa. In-house training palang kame. Bale un training sa mismong barko, sa next sem pa."

"Ah tapos, pagka-grad mo pwde ka na agad mag-barko?"

"Oo pwde pero siyempre kailangan pa kame i-train bago kame tanggapin sa trabaho."

Okay naman pala kausap si Charles. Kaso may dull moments. Minsan dead air. Kaya kinakausap ko si Josh.

"Josh, exams niyo na rin next week db? Mag-review ka ha. Sasapakin kita pag bumagsak ka."

Hahaha. Ganyan lang kame mag-usap ni Josh. Masaya, seryoso, nagbibiruan. Sanay na sanay na kame. Hindi kame nagkakapikunan.

"Okay lang sapakin moko, wag ko lang marinig ung litanya ni Mommy. Hay nko. Kawawa na naman tenga ko niyan."

"Sus! Kahit naman pinapagalitan ka ng mommy mo wala lang naman sayo. Alam mo kasi lilipas din un. Ikaw pa."

Pitik sa noo ko, "Hahaha...sige kain na muna kayo. Excuse me lang, toilet lang ako."

Pagharap ko kay Charles, naka-smile lang siya. Ano pa kayang pwde kong itanong or sabihin sakanya?

Ang hirap naman nito. Parang di kame mag-jive.

"May girlfriend ka na Charles?"

"Hahaha...wala noh. Ikaw kaya ung gusto ko. Alam mo naman diba? Pwde ba kita maging girlfriend."

"Hahahahahahah hahahahhaha hahhahahahahha hahahahhahahah"

I know! I'm having a very unlady like moment. Haha ewan ko kung bakit ako natawa ng sobra.

Masyado siyang prangka and honestly, I think that's the most pathetic line na narinig ko sa guy.

Wala na rin ako maisip na isagot kaya tumawa nalang ako.

"Let's go." Nagulat ako nung hinawakan ako ni Josh sa kamay at hinila papalabas na ng resto.

Huh? Anyare dito, di pa nga ubos un iced tea ko e. Sayang naman, bottomless pa naman un

Teka...nagbayad na ba si Charles? Siguro naman tatawagin siya nung waiter in case hindi pa siya nakabayad di ba?

Paglabas namen, resto di namen alam kung san na kame pupunta.

Hay bakit ang hirap naman nito.

"Pde niyo ba ako samahan bumili ng dress?" Mkapag-shopping na nga lang.

"Sige" sabay na sagot nila.

Binulungan ko si Josh " Nadagdagan pangshopping ko kasi madalas mko sundo saka kain sa labas e. Next sem ulet ha."

"Anything girlfriend." Sabay ngisi. Ang ngisi talaga nitong lalaking toh, lalong nakakain-love. Buti nalang walang malisya samen dalawa.

Yyyeeeeyyyy!!! Ang sarap ng feeling na makapg-shopping.

Iaabot ko sana kay Josh un mga nabili ko. Nakasanayan ko kasi na siya lage nagdadala.

Pero kinuha na agad saken ni Charles. Nakakahiya man kasi di naman kame close hinayaan ko na. Wala din naman kasi sinabi si Josh e.

Pagod na ako. Buti nalang nagyaya na si Josh umuwi.

Pagdating namen ng bahay, 7:30pm na. Pagagalitan kaya ako? First time kasi namen ma-late ng ganito sa paguwi. Tsk! Kaines naman kasi yan traffic na yan e!!!

"Bye Charles, thanks sa paglibre ha."

Hindi ko na siya hinintay sumagot. Nakita ko kasi sila Papa sa may terrace. Naku hinihintay ata kame.

Si Josh ang nakipagusap kay Papa. Wow! Di ako pinagalitan, ininvite pa ni Mama si Josh na pumasok sa bahay.

Usually, magspend pa siya ng mga 1 hour samen. Pero this time, tumanggi siya.

"Thank you Josh."

-------------------

8pm tumawag si Charles.

"Leigh Ashley, thank you sa time mo kanina ha. Pasensya na rin kung ginabi ka. "

"Ah wala un. Kinausap naman ni Josh si Papa e. Thanks sa treat kanina ha. Pasensiya na, matakaw ako."

" hahahha wala yon okay lang. Aaahhh may itatanong sana ako sayo, kung okay lang."

Hay naku!! Sana wag mong itanong kung pwde tayong lumabas ulet. Mahirap mag-isip ng convo with you.

"Ah sige...ano ba yun?" Mejo ninenerbyos kong sagot sakanya

"Pwede ba kita ligawan, Leigh Ashley?"

My Pretty BoyWhere stories live. Discover now