Mistakes
Ren's POV
Agad akong lumingon kung sino man ang humawak sa sakin
Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino 'yon
"Xian" kinakabahang sambit ko
"Who are you looking for?" Takang tanong nya at binitiwan ang wrist ko
"S-si Isaiah sana, bakit?" Tanong ko
"Ahh, Nothing. I just really saw you with a nasty face" kibit balikat nito
Hindi ko alam kung nagpapatawa 'tong lalaking 'to o sadyang ganyan lang ang ugali nya
"Ahhh" Napipilitang sagot ko
"By the way, nag snacks ka na ba?" Tanong nya
Bakit ba ang damping English ng English sa pilipinas marunong naman palang magtagalog, gaya ni Nash!
Bigla nanaman akong nanlumo ng maalala sya
"Papunta palang sana sa canteen" sagot ko sa kanya
"Me too, I'll come with you. My treat you want?" Aya nya pa
Sasabay nalang muna siguro ako sa kanya at magpapalipas ng oras, hindi naman siguro sila mag-aalala dahil nasa school kami. Pagkakataon ko narin 'to para makapagtanong sa kanya kung may kinalaman sya sa nakaraan kong hindi ko matandaan ang ilan
"Sure" Sagot ko sa kanya at ngumiti tsaka sabay na naglakad papuntang canteen
"Oo nga pala, how did you know my name?" Tanong ni Xian habang naglalakad
Nilingon ko naman muna sya sandali bago tumingin uli sa daan
"Naalala mo 'yong time na humingi ka sa akin ng sorry?" Tanong ko
"Ahh, yes" tila alangan na sagot nito
"Nang paaalis ako noon sa canteen may bigla akong narinig na boses kaya nilingon ko, ang sabi nya "Xian!, malelate na tayo!" Panggagaya ko sa boses nung lalaking nadinig ko "Kaya ayon" dagdag ko pa at nilingon sya
"And you really copied his voice?" Natatawang sambit nito
"Yah" natawa narin ako, nakakahawa eh
"You look beautiful when you laugh" Isang genuine smile ang nakita ko sa mukha nya na ikinainit ng pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin
Psh, buti pa sya totoo. Hindi gaya ni Nash
"Thanks" Sambit ko
"You blushed" Natatawang echos nya sa akin kaya naman mas lalong uminit ang pisngi ko
Nakakahiya!
"H-hindi, ah" sambit ko tsaka ipinilig muli sa ibang lugar ang paningin ko
"Hahaha, okay if you say so" Sambit nito
"Hindi nga talaga!" Pagpapalusot ko sa kanya tsaka naisipang lumingon sa kanya
"Okay okay" itinaas baba pa nito ang kamay nya tanda ng pagsuko habang natatawa
"Psh!" Ungot ko
"What do you want?" Tanong nya
Nasa canteen na kami at kasalukuyang kumukuha ng order
"Ah, kahit ano nalang" Sagot ko sa kanya na ikinalingon nya
"Ang hirap naman ng kahit ano mo" Natatawang sambit nya
"A-ahh, hahah kung ano nalang ang order mo ganoon din sa akin" nahihiyang sambit ko
Grabeng bait naman ng isang 'to. Kung maisipan ko kayang hold-apin sya bibigyan nya ako ng pera?
YOU ARE READING
Accidentally Fall (Completed)
RomanceA mind wants to forget, but heart will always remember they say, but what if one day you regret it?. Accept the truth Fight for what is right Judge if you want to succeed Revenge is just a shit. --but you can't change what fate really want. ROMANCE ...