Kabanata 37

17 7 0
                                    

Hi guys! Gusto ko lang po sanang ipaalam na iniba ko ang endearment nila Nash at Ren mula sa babylabs hanggang sa honey-bun. Pasensya na din po kung medyo magulo 'tong part na 'to, medyo inaantok na rin po kasi ako:-) :-*

The real battle

Ren's POV

"Bakit ngayon?, kahit naman hindi matuloy sa sabado ay okay lang. May linggo pa naman" Mahinang sambit ni Xian habang patago kaming nagtatago sa gilid ng pader ng parking lot para takasan si Nash. Nilingon ko naman sya

"Gano'n ba 'yon?" Kunot noong sambit ko, bakit nga ba hindi ko naisip 'yon?

"Oo" natatawang sambit nya kaya naman napakamot nalang ako sa batok ko tsaka iniiwas ang paningin sa kanya para makapag concentrate sa ginagawa

"Nasaan ba ang sasakyan mo?" Tanong ko sa kanya habang nagmamasid sa paligid at pilit isinisiksik sa pader ang katawan ko.

"Mauna ako" sambit nya tsaka pumunta sa harapan ko, nasa likuran ko kasi sya.

"Hayun" turo nya sa bandang harap namin tsaka lumingon sa paligid kong naroon ba si Nash "Clear" sambit nya tsaka kinuha ang kamay ko para hilahin papunta doon. Nang makarating kami doon sy tsaka nya palang pinindot ang susi ng sasakyan tsaka binuksan ang passenger seats at pinapasok ako. Mabilis naman syang pumunta sa kabilang side ng sasakyan tsaka pumasok.

"Wew. Saang nga pala tayo?" Tanong ko ng tuluyan na syang makapasok. Lumingon naman sya.

"Sa Sm nalang siguro tayo, medyo may kalayuan nga lang" sagot nya. Okay lang naman siguro 'yon, tutal wala pang alas sais, makakauwi ako sa oras. Tumango tango naman ako. Ngumiti pa muna ito sa akin bago humarap sa daan at i-start ang sasakyan.

"Saan ka nga pala nakatira?" Lingon ko sa kanya para naman mabasag ang katahimikan, kanina pa kasi kami 'dito sa sasakyan at walang imikan. Nakakabagot masyado. Lumingon pa muna ito sa akin saglit bago muling lumingon sa daan.

"Ang totoo nyan sa Kingswood residences ako nakatira" sagot nya naman

"Ikaw lang mag-isa magce-celebrate ng birthday mo?"

"Uhh no, bibisita si Mom and Dad tsaka kapatid ko and syempre kayo" walang lingon lingon na sagot nya. Napaisip naman ako, oo nga naman Ren kasama kayo. Hmm, ibig sabihin solo din pala ang buhay nya gaya ng kay Nash. Gayahin ko kaya sila? Neh, parang ganoon narin naman ang buhay ko.

"Nasaan ba mga magulang mo?" Tanong ko at doon palang sya lumingon pero ibinalk din agad sa daan

"Sa bahay namin, sa tagaytay" sagot nya "Ren, invited ka nga pala, nakakahiya namang nasabi ko na sayo pero hindi pa kita inimbita" tila natatawang sambit nya. Natawa din ako ng bahagya

"Ganon?. Kung hindi mo ba ako nasabihan ibig sabihin hindi ako invited?" Biro ko dito na ikinalingon nya sandali

"N-no that's not what I meant" seryosong ani nya na ikinabigla ko

"Huy, baliw biro lang" bawi ko dito tsaka tumawa ng bahagya

"A-ahh" nasagot nya nalang. Bigla nanamang tumahimik.

Accidentally Fall (Completed)Where stories live. Discover now