Chapter 25: Boys

1.7K 61 3
                                    

Jill's P.O.V

"Ang tagal naman ata nila." Ulit na sabi ni Storm. Kanina pa yan parang naiihi, di mapakali dahil daw ang tagal bumalik ng pinakamamahal niyang si Monique.

"Ang praning mo naman masyado Storm kalma ka lang, oks?" Natatawang sabi ko at mahinang tinapik ang kanyang balikat. 

Bigla akong napaiktad ng bigla siyang tumayo at mabilis na pumunta sa pintuang bumukas. Tawa ako ng tawa ng bumalik siya sa upuan niya kanina.

"Ang epic non!" Sigaw ko habang tumatawa. 

"Shut up, Jill." Saway niya kaya naman itinaas ko ang aking kamay na parang nagsu-surrender.

Nabaling ang tingin ko sa dalawang kakapasok lang. Ano naman kaya tong problema ng mga to at nakabusangot ang kanilang mukha? Para silang nalugi. 

"Oh, anyare sa inyo mga tol?" Pigil kong tawa. Parang binagsakan kasi sila ng lupa.

Dere deretso lang ang pagpasok ni Hayden at umupo sa gilid ng kama ni Cira, habang si Blaze naman ay tumango samin at umupo sa sofa. Tumayo ako at pinuntahan si Blaze, makiki chismis lang sa kanila ni Storm.

"Huy! Anong meron kay Hayden. Nag away na naman kayo noh?" Bungad ko sa dalawa at umupo sa sahig.

Aba di na ako pinapansin. Mga balang toh!

"Alam niyo ku---" Hindi ko natapos ang sasabihin ng takpan ni Storm ang bibig ko.

Pweee!

"Makinig ka na lang, para matahimik ka na dyan." Natatawang sabi ni Blaze. Normal na saming apat na lalake ang maging ganito sa isa't isa.

Napatahimik na lang ako ng magsimulang magkwento si Hayden kaya naman napatingin ako sa kanya. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ulit, una ko siyang nakitang umiiyak nung nalaman naming nawawala ang kambal ni Cyra na si Cira.

"Hindi ko alam kung bakit pero nakikita ko sa kanya ang pangalawang babaeng minahal ko mula pa noon." Saad niya at pinahiran ang kumawalang luha galing sa mata nito.

Sino ba yung tinutukoy niya.

"Alam niyo ba nung una natin siya nakita sa misyon natin bigla ko ulit naramdaman ang pagtibok ng puso ko, katulad noong tuwing magkasama kami nung mga bata pa kami.. Noong di pa siya nawawala." Sabi niya ulit at hinawakan ang kamay ni Cira.

Si Cira nga yung tinitukoy niya, kahit nawe weirdan ako sa kaniya ngayon. Di ko rin siya masisisi dahil kahit nga ako ay nakikita ko rin kay Cira yung kambal ni Cyra eh. Magkaparehas pa ng pangalan.

"Hindi ako titigil sa paghintay sayo, Rara." 

Tumayo si Blaze at hinawakan si Hayden sa balikat nito.

Napalingon kami sa pinto ng bumukas ito.

"Hi guys, we're back!" Sigaw ni Aira my labs.

Tatayo na sana ako ng map-upo ulit dahil sa langyang Storm. Bigla ba namang tatayo at tatakbo papunta kay Monique para yumakap. Edi sila na, Lampo pa rin.

Napalaki ang mata ni Aira my labs ng makita si Hayden.

" Huy! Hayden, aminin mo nga samin. May gusto ka kay Cira noh?" Pasigaw na tanong ni Cyra at ngumisi ng nakakaloko. Iba din talaga tong babaeng to.

"Paano kung sabihin kong, Oo. Gigising na ba siya nyan?" Baling nito sa amin.

"O to the M to tha G! KYAH! My ship is--hmm..." Di niya natapos ang pagsigaw ng takpan ko ang bibig niya.

"Ano ba Aira ang tanda mo na. Sigaw ka pa ng sigaw." Saway ko rito.

"A--ARAAY!" Ang sakit mangagat.

"Ako'y tigil- tigilan mo Jill at baka masapak na talaga kita." Sabi niya sakin sabay talikod at pumunta na sa gawi nina Cyra.

Napatingin ako sa kanilang nagkukulitan. Ang saya lang sana kung ganito kami kasaya at kompleto palagi. Walang problema.

="="="="="=

"Memories cannot be

REPLACED

by any means ."
="="="="="=


The Supernatural TwinsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang