Chapter 33: The Truth

1.4K 53 0
                                    

Cyra's P.O.V

Kanina pa ako pagulong-gulong sa kama dahil sa di maipaliwanag na nararamdaman.

Simula nung pagdating namin kanina, wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa aking silid at sigawan ang sarili ko na para bang nababaliw na ewan.

Matapos ang limang oras ng aking pagdadrama sa kama, naisipan kong bumangon na lamang.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng maramdaman ko ang pangingirot ng batok ko.

Pumunta ako sa banyo at binasa ito ng tubig mgunit habang tumatagal,mas humahapdi ito.

Tumalikod ako sa salamin tsaka tiningnan ang batok ko sa aking repleksyon, kinabahan ako tsaka nakaramdam ng panghihina dahil sa nakita ko.

Ang birthmark ko, umiilaw ito at tila bang lumalabas ito at umiiba ang kulay.

Nang tumigil ang pag-ilaw neto, doon na ako natumba.

Oh.My.Stars!

N-naging diyamante na hugis buwan yung birthmark ko.

Ibig sabihin.

Sh*t imposible kayang...

Dali- dali akong lumabas ng banyo tsaka pumunta sa ilalim ng kama ko.

Asan na ba 'yun.

Napatigil ang aking tingin sa kulay silver na box. Kinuha ko iyon tsaka umupo sa kama.

Dahan- dahan kong binuksan ang maliit na box tsaka kinuha ang kuwentas kong bigay nina Dad.

Nang sinuot ko iyon, bigla itong umilaw kaya napapikit ako dahil sa sinag neto.

Isa itong silver na kuwentas at may pendat na buwan, bigay ito ni Mom sakin habang ang nasa kambal ko naman ay galing kay Dad.

Lumabas na ako ng kwarto para makapagpahangin dahil feeling ko makakapusan na ako ng hininga.

Naglalakad na ako patungo sa pintuan palabas ng dorm ng may narinig akong nag-uusap sa kitchen.

Lalabas na sana ako not until I heard my name.

"Alam na ba ito ni Cyra?"

Mahina kong isinara ang pinto at dahan- dahang pumunto sa gilid ng kitchen.

Nakita ko silang lahat at mukhang may pinag-uusapan nga sila.

"Hindi pa eh, pero balak ko sanang huwag munang ipaalam sa kaniya hangga't di pa okay ang lahat." sabi ni Cira.

Ano ba ang dapat kong malaman.

"Pero baka magalit yun kapag nalaman niya na lahat." sabat ni Monique.

May dapat ba akong ikagalit?

"Hindi yun magagalit, maiintindihan tayo nun." sabi ni Blaze.

Sa huli, napagdesisyonan ko na lang na umalis dahil mukhang seryoso nga ang pinaguusapan nila at di ko pa siguro dapat na malaman yun.

Di pa ako nakakailang hakbang ng bigla akong napatigil. Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko, para akong nakakapusan ng hininga.

Unti-unti kong nararamdaman ang namumuong luha galing sa'king mga mata.

"Naiintindihan ka namin Cira, pero may karapatan din naman kasi si Cyra na malaman na ikaw ang nawawala niyang kambal."

"Nawawala niyang kambal..."

" Nawawala niyang kambal..."

"Kamba---"

"Cyra?"

Naramdaman kong may pumunta sa likuran ko pero di ko iyon pinansin.

"Cyra, kanina ka pa ba diyan?"

Nang mahimas-masan na ako, tiningnan ko silang lahat ng di makapaniwala.

"Anong ibig niyong sabihin?" mahina kong tanong.

Bigla ko na naman naramdaman ang mga luha ko ng walang kahit ni isa sa kanila ang sumagot.

"Ano ba ako sa inyo ah!?" sigaw ko sa kanila at pinahiran ang mga luha kong nakikipagunahang lumabas.

Lumapit si Aira sakin para yakapin sana ako pero tinulak ko siya.

"Hindi ko yan kelangan Aira, ang kelangan ko ay ang sagot niyo!" sigaw ko na naman sa kanila tsaka napa-upo na lang.

May naramdaman akong yumakap sakin pero tinulak ko lang din ito.

"Cyra, please."

Napatingin ako kay Blaze.

"no! Pati ba naman ikaw, Blaze?" tanong ko sa kaniya.

Napatahimik siya tsaka yumuko na lamang.

Tumayo ako tsaka naglakad papunta sa pintuan palabas ng dorm.

"Cyra, delikado na wala nang estudyante ngayon." narinig kong sabi ni Monique pero di ko sila nilingon.

Bigla akong napatigil dahil sa sigaw ni Cira.

"Ate Cy, I miss you."

Iisang nilalang lang ang tumatawag sakin nun. Mas lalo pa akong naluha dahil nakikita ko na naman ang mukha niya. Ang mukha niya noong huli kaming nagkita at nagkahiwalay.

"Cira."

Shit, so totoo pala ang hinala ko at di lang sila magkaparehas ng pangalan.

Napakurap ako ng may naramdaman akong yakap, napakahigpit na yakap.

"Sandali," sabi ko tsaka siya itinulak.

Tiningnan ko ang kaniyang leeg, napaluha ako ng makita ko ang kuwentas na bigay ni Dad sa kaniya.

Tiningnan ko siya sa mata tsaka tiningnan ang kaniyang bewang.

Yung birthmark niya.

Napayakap na lang ako sa kaniya dahil sa halo halong nararamdaman ko, 'di ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Basta ang alam ko lang ay masaya akong bumalik na sa amin ang aking kambal.

"I miss you too, ballie." mahina kong sabi tsaka napikit na nang tuluyan ng maramdaman kong umikot ang aking paningin.


="="="="="=
Love is there

no matter how far

the distance is.
="="="="="=


The Supernatural TwinsWhere stories live. Discover now