Chapter 16 - Truth or Truth

123 8 0
                                    

Grey's POV


This is getting harder and harder. Nalaro na naming 'to noon eh. Pero mahirap pa rin talaga.

Pumwesto na ako para maka-takbo at maka-talon na. Pero tiningnan ko muna si Kaleigh. Parang hirap na hirap na siya. Ang bigat rin naman kasi namin eh. Tapos siyam na tao pa ang parang kinakarga niya. Tsk tsk! Nakakaawa talag-- BAKIT NAMAN AKO MAAAWA?! Sinampal niya nga ako kagabi eh! Naawa ba siya? Diba hindi?!


Pumwesto nalang ulit ako at sinubukan ng tumakbo. Nung makaipon na ako ng pwersa at agad kong linagay ang dalawang kamay ko sa likod ni Kaleigh and...


"What the f**k?!" Halos sabay-sabay nilang nasabi. Oo! Halos silang walo! Sinabi yun! Kaleigh and I fall in the ground. 


"Are you okay?" I ask.


"Ikaw na ang taya!" Parang masaya pa niyang sigaw. WOW! Just wow! Grabe! Akala ko talaga gusting-gusto niyang maging taya forever! Yun naman pala! Sana hindi nalang ako nagpatalo! Tsk tsk!

Agad na tumayo si Kaleigh at nakipag-appear naman si Zero sa kanya.


"Galing mo bebs." MAGALING?! Hindi pa nga siya nakapag-laro eh!

Ako na nga 'tong tumulong sa kanya, siya pa ang nang-asar. Tss! Sure na sure ako ume-evil laugh na siya eh kasi ako na yung taya! Bwesit! Bakit ayokong sabihin sa kanya ang mga salitang naka-stuck lang sa utak ko?! Meron naman akong bibig!


"Hoy! Ayaw mo na bang mag-laro?" Rinig kong boses ni Hephaestus. Pero naka-titig lang ako kay Kaleigh. Bakit Kaleigh? Bakit ganito yung nararamdaman ko? Hindi dapat 'to eh! Hindi ko naiintindihan yung nararamdaman ko. Para bang--


"Ya! If you don't want to play, I'll quit." Napatingin ako kay Kiryu na nagrereklamo na. Umiling nalang ako at bumalik na sa pag-laro pero bago mag-simula ulit ang laro...


"Okay ka lang?" Napatingin ako sa kanya. "Hahahaha! Ayaw mo bang maging taya?" In-aasar niya ba ako?!


"Aysshh! B--bumalik ka na nga." Sabi ko nalang at tinulak pa siya.

--

Apat nalang ata kaming grupo na nag-lalaro. Ewan ko ba kung pagod na ba 'tong mga pinsan ko.


"Ayoko na. I hate sweat." Reklamo ni Dark. Oo! Ayaw na ayaw niya ang pawis!


"Don't give up Dark, why now? We're going to win." Hinihingal na sabi ni Thunder. Hanggang dito english pa rin siya ng english.


"Oo nga hehe! Tsaka baka may prize." Sabi naman ni Iris. Prize? Oo nga eh ano? Bakit hindi sinabi ano yung prize or kung may prize ba or wala. Kung wala, ano namang purpose nito?


"Bilis-bilisan niyo naman. Parang mababali na yung spinal cord ko." Reklamo ni T-Rex. Siya kasi ang taya sa ngayon. Na-tawa naman ang mga kasama ko. 

Hindi! Hindi ko na kaya eh! Tsaka mukhang hindi na rin kakayanin ng mga kasama ko! Dapat may gawin ako! But I'll never do stupid things! Hehe.


"Wait lang ah?" I said to them pero mukhang walang nakapansin kahit isa man lang. -_- Sige, bahala na sila.

Agad nalang akong pumunta sa kabilang grupo na parang nahihirapan na talaga ang mga mukha. Hahahaha! "Back out." Napatingin silang lahat sa akin. Tiningnan ko muna ulit yung mga ka-grupo ko. Baka Makita nila ako tapos bwesit! Sayang yung footsteps ko papunta dito. 


"H--huh?" Sabi nilang lahat. Sabay-sabay pa yan.


"I said back out." Sabi ko ulit. Pigilan niyo ako! Nakaka-gigil ang ganito eh. Yung klaro naman yung sinabi mo pero tinatanong naman nila ulit.


"No need to say that bro. We already lose." Sabi nung isang lalaki. Aba! Kailan kami nagging magkapatid?! Alam kong magkapatid tayo lahat kasi yun yung nasa bible pero hindi kami magka-dugo 'no!


"K, umalis na kayo. And! We're not brothers." Diniinan ko pa yan nung sinabi ko yun HAHAHAHA!

Agad naman akong tumakbo papunta dun sa kabilang grupo naman. "F**k off." Sabi ko agad. 


"What the-- girl! Yung crush mo!" Rinig ko pang bulong-bulongan nila. 


"Better f**k off or else, ipapatanggal ko kayo sa--"


"Opo boss!" At agad na silang tumakbo. Ganun lang naman pala kadali eh.


"One group left." Bulong ko. Bawal! Bawal ako bumolong kasi grabe! S**t baka marinig na naman ni Kaleigh ang bulong ko na 'MUKHANG HINDI' naman daw bulong. Ang talas rin naman ng pandinig ng babaeng 'to. "Better back off." Agad kong sabi sa kanila.


"Wtf?" Rinig kong bulong nung isang lalaki na na-shock pa nang tingnan niya ako. "Teka, pre, di naman ata tama yan." Reklamo pa nito. Parang gusto nito ng away ah! Pero ayoko kasi nakakapagod. Kanina pa ako pagod ano! Tapos maga-away pa kami?


"Blen, tama na. Let's go." Reklamo nung isang babaeng ka-grupo niya. Girlfriend niya ba 'to? Parang mag-jowa kasi sila kasi dikit ng dikit sa kanya yung babae pero sa akin naman nakatingin yung babae. Ang gwapo ko talaga sh*t!

Dismayado ang mga mukha ng grupo nila na umalis. Buti naman! Kaagad naman akong bumalik sa grupo namin. 


"Grey ikaw na!" Sabi pa ni Kiryu. Mukhang hindi nila napansin na nawala ako ah. Buti naman. Napatingin muna ako kay Kaleigh bago mag-salita. As usual, para siyang walang paki. Naka-poker face na naman. Napatingin naman ako kay Charles na kinukulit si Kaleigh. Bwesit! Bakit ba nandito yang qaqong yan dito? 


"Ayoko nga!" Sabi ko na nakatingin pa rin kay Charles. Nabwebwesitan na talaga ako sa lalaking ito eh. Palaging naka-dikit kay Kaleigh!


"Parang may nagse-selos." Kay Zero namana ko nag-glare. Gusto siguro niyang mamatay ano? Pero hindi ako ang papatay! Hindi ako gangster or mafia katulad ni Kiryu.


"Let's finish this f**king game, Grey!" Reklamo na naman ni Dark.


"There's no need to continue this game, can't you see? Wala ng nag-lalaro!" Bwesit! Bakit kapag ganito yung nararamdaman ko nagiging Thunder ako? Hindi ko naiintindihan kung bakit nagiging si Thunder ako kapag ganito yung sitwasyon. Hindi ko alam kung selos ba ang tawag sa nararamdaman ko pero kapag nararamdaman ko 'tong nararamdaman ko ngayon, nage-english ako, para bang si Thunder. 


"Woah! You always make me amaze whenever you speak in English, huh." Komento ni Thunder.


"Haha! Oo nga Grey! Pagpatuloy mo yan kasi sasapakin talahga kita! Alam mo naman siguro na ayoko sa English qaqo ka." Reklamo naman ni Tanda.


"Pareho tayo Tanda!" Sabi ni Zero na umakbay pa.


"Sshhh! Magpahinga na tayo." Masayang sambit ni T-Rex. Wild pakinggan ang pangalan ni T-Rex pero ibang-iba ang ugali. Happy Go Lucky talaga palagi.


"Ye right, tayo naman panalo eh." Sabi naman ni Kiryu na akala mo nanalo sa isang gangwar.


--

Nandito kaming lahat ngayon sa  quadrangle. Pagod na pagod pa ang mga mukha nung iba hahaha! Pero sh**! Kahit pawis na awis ako, mabango at gwapo pa rin.

Grupo-grupo na naman ang camp-fire na 'to. Base sa nakikita ko may limang grupo eh tapos may kanya kanya ng campfire. So ayun, nandito ako kasama si Zero at Kiryu-- nandito rin pala si Kaleigh. Nasa gitna nina Kiryu at Zero, nasa tabi ko naman si Kiryu. Natatakot kasing makipag-tabi si Zero kay Kiryu. Tsk tsk! Bakla talaga 'tong isang 'to.


"Mag-laro na kaya tayo ng Truth or Truth." Suggest nung isang lalaki. Oo nga mag-laro na nga kami-- wait what the f? Anong klaseng laro yang TRUTH OR TRUTH? 

Biglang nag-tsismisan ang mga tao. Kahit yung mga lalaki, tuka ng tuka tungkol dun sa game na yun. Mga bading talaga siguro 'to. -_-


"This game is all about asking. Dzuh." Sabi nung maarteng nag-suggest kanina. Ang arte talaga! "Magci-circle tayo tapos paikot yung pag-tanong. Ofcourse, yung magtatanong at yung katabi mo or yung mas naunsa sayo, gets?" Sabi pa niya. Magtatanong lang naman pala. Kahit boring ang game na 'to, okay nalang para sa akin. Kesa naman sa walang gagawin, mas boring kaya yun, qaqo!

After nun at nagsimula na nga ang game.


Marami na ang mga taong nagtanong at sumagot. Isang tao nalang at ako na yung tatanungin at sh**!!! Nae-excite ako! 


"F**k it! Haha! Fine, my secret girlfriend is our classmate. It's... Kiara." Maraming nag-react dahil sa sagot ng lalaking katabi ko. I don't care. Di ko naman kilala yang Kiara na yan eh. Tsaka ano bang paki ko sa babaeng yan? As if she's important. Lol! Pagkatapos niyang sumagot at tumingin na ito sa akin at nag-smile. Pero binigyan ko lang siya ng naka-poker face na mukha. Haha! "Ammnn... This is my question..." Ang bagal bagal nito. Parang pagong. "Nainlove ka na ba?"


I don't know what to answer. Yes, I experienced that pero may kulang. May kulang kung sasagot ako. It's just that, I don't want to answer kasi yung mapait kong nakaraan ang naaalala ko. I don't want to bring back the past, but I still love the girl from my past or maybe not. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit tumingin ako kay Kaleigh na parang naghihintay sa sagot ko. I don't know what to answer, I don't know what to say about that question. Nainlove? Yes, I experienced-- no, I'm currently experiencing that. Hindi ko alam kung para kanino 'tong nararamdaman ko. Is it for the girl in my past or is it for the girl that is currently my Secret Fiancé.


Kaleigh's POV

Ang tagal niyang maka-sagot. Ang bagal bagal! Parang wifi lang eh.

Mukhang kaming lahat talaga ang nakatutok sa kanya. Pero bigla akong nagulat nang bigla siyang tumingin sa akin. Kaya ayun, pag-tingin ko sa mga kasama naming, nakatingin na rin silang lahat sa akin. Answer the question, Grey!!!

Napatingin na ulit kaming lahat kay Grey nang napansin nilang wala pa rin itong imik. Akmang magsasalita na ito pero umiling lang ito. Is that his answer? Wow! Ilang Segundo niya pa yan pinag-isipan ah!


Napatingin ako sa mga kasama naming. They look disappointed because of Grey's freaking answer. Umiling lang siya and boom! Tapos na. 


"Ammn..." Napatingin na kami kay Zero at Grey. Si Grey na kasi ang magtatanong kay Zero. "Ilan ang mga girlfriend mo ngayon?" At tumawa kaming lahat. Hahaha! Crazy bastard.


"Ano ba naman yan, Grey! Wala ka na bang ibang tanong?" Sabi ni Zero. "Bebs, tulongan mo ako." Bulong sa akin ni Zero pero tumawa nalang ako. "Tsk tsk! Magkasundo talaga kayong dalawa eh 'no?" Sabi niya nang mapansin niyang hindi na ako magsasalita. "Patay ka sa akin!" Banta niya. Hahaha! "Dear cousin... Wala akong girlfriend ngayon hehe. Relax muna kasi ako sa ngayon bebs." Sabi nito but it's too obvious that he is just lying. 

Pagkatapos niyang sumagot at agad na siyang tumingin sa akin para mag-tanong kaya umayos na ako. Nag-smile pa ako ah. "Anong relasyon niyo ni Grey?" Napawi ang ngiti ko dahil sa tanong niya. Is he freaking serious? Wait!!! Ano naman ang isasagot ko? Kung sasabihin ko na ibahin yung tanong, unfair naman dun sa iba kasi hindi nila pina-iba yung tanong kahit mahirap sagutin. Tsaka hindi ko alam yung isasagot! Mag-Fiancé lang kami!!! Pero hindi ko dapat sabihin yun. 

Should I say that we're just friends? Pero-- ayysshh! Fine! Sasabihin ko!


"We're just friends, Zero. There's nothing much between us." Lie. I'm sorry. Walang tao dapat ang makakaalam na Fiancé ko na si Grey. Our parents do know na Fiancé ko na siya but sila lang! Sa anim niyang mga pinsan, walang nakakaalam. Kahit si Hephaestus na kasama ko nung na-hospital si Grey, dinig na dinig niya na sinabi kong pipirmahan ko ang kontrata kapag nagising na si Grey, pero hindi niya pa talaga alam kung napirmahan ko na ba o hindi pa.


Blithesome Moment (Vidallon Series #1)Where stories live. Discover now