Chapter 24 - Back Hug

121 9 0
                                    

Grey's POV

Time check 1:00AM. 

Oo p**a! Gising pa rin ako hanggang ngayon. Eh sa hindi ako makatulog eh! Hindi naman talaga ako sanay matulog na naka-upo eh! Acting lang talaga yung kanina. Gusto ko lang talagang maging komportable si Kaleigh na matulog eh. Kaya heto ako mga par! Naghihintay na mag-6:30 na! Eh 6:30 naman ino-open ang library eh. 

I don't really know why I let myself to suffer eh pwede naming mahiga rin ako pero wala namang unan si Kaleigh. Dun sa couch naman, walang unan naman dun! Tsaka kung yung libro rin, nako matigas eh! Kaya walang choice. Baka maging manhid rin yung balikat ko kung ito yung ipapa-unan ko sa kanya kaya tiis-tiis nalang muna ako. Para kay Kaleigh naman 'to eh.

No malisya mga par! I'm just f**king concern that I let my f**king self to suffer. 

Hayyy! Dapat matulog na ako eh! Dapat matulog na ako!!!


F**k! Hindi talaga ako makatulog eh. Tiningnan ko si Kaleigh. Tulog na tulog talaga siya, parang maganda pa ata yung panaginip eh.


"Dream of me, Kaleigh." Bulong ko. 

P**a bakit ko yun sinabi? Ah siguro dahil sa gutom. Hindi kami nakapag-hapunan ni Kaleigh eh. Kaya sh** tiis-tiis na naman! Okay lang kasi Biyernes bukas!!! Kinuha ko yung bag ko at kumuha ng tubig at uminom nito. Ganyan talaga mga par. Tiis-tiis lang. 

Napatingin naman ako kay Kaleigh. Hindi ba siya nagugutom? Gisingin ko kaya? Ayy hindi huwag! Pagod siya dahil kanina eh, kaya hindi ko nalang gigisingin. 

Napa-smile ako. Yung nangyari nung isang gabi, alam ko naman talaga na hinila ko siya eh. Hindi ko lang talaga napansin na naka-tulog na pala siya sa bisig ko. Tuloy tuloy rin naman kasi ang tulog ko eh. Maganda pa nga panaginip ko eh. Pero hindi ko sasabihin kung ano. Haha!


"You still look beautiful even if you're sleeping." Bulong ko. Sh**! Ba't ko na naman sinabi yun? Nababaliw na ata ako!!! Pero... Totoo rin naman eh.

Maganda si Kaleigh. Hindi ko lang talaga masabi. Hindi ko ugaling mag-sabi ng "Maganda ka" eh. Kay Rose ko lang yan sinabi. Speaking of Rose, bibisitahin ko siya sa Sunday. Sigurado yan--

Teka, bakit ganito? Bakit hindi na ako nasasaktan? Eh naiiyak ako kapag iniisip ko si Rose eh! Sh**! Nababaliw na talaga siguro ako eh!

Gusto ko na talagang matulog!!! Mababaliw lang ako eh!!!


--


Nagising ako dahil sa ingay. Parang yung ingay ng pintuan. Minulat ko agad ang mga mata ko.

Napatingin agad ako sa cellphone ko. 6:31!It means, nandito na yung librarian.


"Kaleigh..." Agad kong ginising si Kaleigh.


"Mmmnn... Mamaya na."


"Tsk tsk! Nandito na yung librarian kaya gumising ka na." Sabi ko agad. Kung matagal akong magising, mas matagal magising 'tong babaeng 'to eh!


"Huh?!" Napa-bangon agad siya. "Nandito na siya?" Sabi niya at tumayo agad. Paulit-ulit lang eh.


"Halika na," Sabi ko at hinila na siya.


"Oh my... Anong ginagawa niyo dito kagabi?!" Sabi ng librarian. Medyo bata na pala ang librarian ngayon? Noon kasi, yung librarian dito at matanda na at grabe! Napaka-strikta. "At teka, kayo yung nag-arrange ng mga libro kahapon diba?" Tanong niya nang mamukhaan kami.


"Opo. Na-stuck po kami kahapon dito eh." Sabi ni Kaleigh.


"Yeah right. Sino yung nag-lock ng pintuan? Ipapa-tanggal ko sa trabaho." Sabi ko agad. Oo! Yan ang plano ko eh. Ipapa-tanggal sa trabaho yung taong nag-lock ng pintuan.

Pero biglang siniko ni Kaleigh ang tyan ko. Ang sakit talagang sumiko nitong babaeng 'to.


"Hindi niya po ipapatanggal sa trabaho yun hehe!" Bwesit! Ipapa-tanggal ko talaga yun sa trabaho eh!


"Oh my! I'm so sorry talaga! Hindi naming napansin eh may students pa pala dito. I'm so sorry pa talaga! It's our fault." Ha! Buti alam niya!


"Beg for my forgiveness, Miss Librarian." Sabi ko agad. Kulang lang yung word na sorry eh.


"H--huh?" Natulala yung librarian naman.


"Grey! That's too much! Nag-sorry na nga yung tao eh!" Suway na naman ni Kaleigh. "He's just kidding, Miss Librarian. Mauuna na po kami." At ngayon si Kaleigh naman ang humila sa akin.


"Alam mo bang mali yung ginawa mo?!" Oh ngayon naman pinagsasabihan niya ako?! Aba aba! 


"Hindi naman yun mali ah!" Sabi ko agad.


"Grey naman! It looks like you don't have a respect for her!" Wowwww!


"Bakit ko naman siya rerespetuhin? Librarian lang siya ah." 


"Grey! She's older than us!" Galit na galit talaga si Kaleigh eh. Bakit ba concern na concern siya dun sa librarian na yun eh! Gutom ba siya?! Nagagalit ba talaga siya kapag gutom?! O kinulang lang talaga sa tulog kaya nabwebwesitan siya?!


"Kahit na! My position is still higher than hers!" 


"You know what?" She sigh. "Magbago ka muna bago mo ako sigawan." Eh siya nga 'tong unang umaway at nanigaw eh! Ako pa talaga may kasalanan. Bwesit! 

Naglakad na siya palayo. Galit ba siya sa akin dahil lang dun sa librarian na yun? Bwesit! Nagalit ko siya! Dapat nakinig nalang ako sa kanya eh! Pinalaki ko pa talaga ang away namin.

Uuwi nalang ako.


--


Nandito na ako sa condo namin at pagkapasok na pagkapasok ko, nakita ko siyang kumakain. Hindi ko na nalaman kung ano ang kinakain niya kasi agad itong umiwas ng tingin. Tumalikod pa ito sa akin. Tsk tsk! 


Dumiretso nalang ako sa kwarto ko.

Sa canteen nalang ako kakain mamaya.


Pagkatapos kong maligo at magbihis agad na akong umalis at sh**! Naabutan ko pa siyang naghihintay ng taxi. Sh**! Napaka-awkward nito! Hindi pa kasi dumadating si Butler Smith. Ang totoo nyan, pinabili ko siya ng kotse sa U.S. Pinagawa ko yan sa kanya para rin naman makapag-bakasyon siya dun kahit mga 2 weeks lang kaya ayun! Hindi pa bumabalik. 

Yung ginagamit rin naming kotse ni Kaleigh ay nasa school naman. Iniwan ko muna doon kasi kapag lalakarin ko pa ang basement mga par, malayo yun kaya ayun dumiretso nalang ako at sumakay ng taxi. 

Nang Makita niya ako agad siyang umiwas ng tingin. Sh** naman! Galit talaga siya sa akin. Eh kasalanan niya-- ko pala! Kasalanan ko eh! 

Tumabi nalang ako sa kanya at naghintay ng masasakyan. 


Nang may Makita kaming taxi agad namin itong pinara. Sh** oo nga pala! Galit siya sa akin kaya hindi ako makakasabay sa kanya sa taxi. Sh** naman! 

Pagka-sakay niya dito agad niyang sinirado ang pintuan nito. Tsk tsk!

Pero nagulat ako ng biglang nag-open ng bintana nung passenger's seat. 


"Sir, pareho lang naman kayo ng pinapasukang skwelahan, diba? Sumabay nalang po kayo!" P**a hindi pwede manong eh. "Pwede lang naman, Mam diba?" Hindi ko alam kung ano ang i-sasagot ni Kaleigh. Man-nod ba siya o iiling nalang. Eh tinted yung mga bintana ni manong eh.

"Sir! Pwede lang naman daw eh. Pumasok na po kayo!" ANO?! Akala ko ba galit si Kaleigh? Ayyyy! Baka napilitan lang. Tsk tsk.

Pumasok nalang ako sa passenger's seat. Dito nalang ako kasi iiwas lang rin naman si Kaleigh kapag dun sa likod eh.


--


Papasok na si Kaleigh sa gate nang mapag-disisyonan kong sundan pa rin siya kahit galit ito sa akin. P**a awkward pa rin eh kahit malayo yung distance namin.

Sinundan ko nalang ito hanggang sa makarating ng building niya. Pumunta nalan rin ako sa building ko. Mahirap na mga par! Baka ma-late na naman ako eh. 8AM kasi nagsta-start ang class namin eh.


Pagka-pasok ko sa class ko, agad nagsitahimikan ang mga tao. Wow! Akala mo naman takot sila sa akin. Haha! Oo mga par, takot talaga sila sa akin kasi pwede ko silang ipa-tanggal sa-- sh**!!! Naalala ko na naman yung nangyari kanina eh!!! Paano ko ba 'to aayusin? Eh parang galit talaga na galit sa akin si Kaleigh eh! Wala naman akong kilala na-- si Hephaestus! Expert yun pagdating sa ganito eh! Alalahanin niyo mga par! May pa-loveletter loveletter pa nga yun eh! Kaya sigurado akong alam niya ano dapat ang pwede kong gawin.

Agad akong tumakbo papunta sa building kung saan nandun lagi si Hephaestus. Saan pa ba? Dun sa Faculty of Medicine. Oo! Magdo-doctor yung qaqong yun eh. Gusto niya eh, paano ba yan.


Nung malapit na ako sa building nila, nakita ko bigla si Hephaestus. Nasa labas lang pala ito. Kaya agad ko siyang tinawag.


"Hephaestus!" Tawag ko rito at napatingin naman 'to sa direksyon ko.


"Oh?" Tanong niya agad nang makalapit ako. 


"May itatanong sana ako eh."


"Ano?" 


"Nag-away kasi kami--"


"Qaqo! Sinaktan mo ab si Kaleigh?" Bwesit 'tong tandang 'to. Linakasan pa talaga yung boses.


"Nakalunok ka ba ng microphone? Tsk tsk! Hindi ko siya inaway 'no! nag-away lang talaga kami." Ofcourse! Dapat idefend ko agad ang sarili ko.


"Lambingin mo. Una na ako." At iniwan niya na ako sa ere. Ganun ganun nalang yun? Tsaka ano? Lalambingin ko si Kaleigh? Yan pa ang problema eh! Hindi ko naman kayang gawin yun! Hindi ko yan magagawa kay Kaleigh! Ang magpa-lambing.


--


Nandito na ako ngayon sa kwarto ko. Grabe talaga eh! Nag-kulong lang ako dito sa kwarto para kay Kaleigh. Ayoko namang guluhin siya eh. Kaya ayun tiis na naman! Buti nalang talaga at bumili ako ng mga pagkain bago dumiretso dito sa condo kanina eh. Kaya ayun, poro online games lang ako tapos kain. Pero nauuhaw ata ako eh.

Lumabas ako sa kwarto ko para naman kumuha ng tubig nang bigla kong nakita si Kaleigh malapit sa ref, umiinom rin ng tubig. Hindi naman siguro siya nagkulong sa kwarto niya tulad ko eh. Tapos kain lang siya ng kain sa kwarto niya tulad ko? Tapos nauuhaw rin siya tulad ko? Hindi yan mangyayari mga par! Iniiwasan niya ako. Siguro nga yun ang ginawa niya.

Napatingin naman ito sa akin at agad namang umiwas. Papasok na sana siya sa kwarto niya pero agad ko siyang niyakap.


"P**a. Hindi kita matiis." I said while still hugging her. Finally! Aayusin ko 'to, promise! Magso-sorry ako kahit naka-back hug pa ang position namin. "Sorry na. Hindi ko naman talaga magagawa yun eh kung wala silang ginawang mali. Sorry talaga. Alam kong kasalanan ko eh kaya sorry, sorry, sorry." F**k dapat hindi awkward! "Hindi talaga kita matiis eh." At hinigpitan ko pa ang pagka-yakap pero bumitaw siya.

Humarap ito sa akin. "Now you already learn your lesson? Buti naman." Nag-smile pa ito sa akin. Nyeta! Nag-smile siya! Hindi na ba siya galit sa akin?


"Hindi ka na galit?" Tanong ko at umiling naman siya. "Salamat." At niyakap ko ulit siya. 


"Hindi ako makahinga, Grey." Oops. Binitawan ko an siya. "Bwesit ka talaga! Nagkulong pa ako sa kwarto eh para lang iwasan ka." Nag-kulong talaga siya. Pero bakit ako pa yung bwesit? Aba! Hindi niya alam yung pinagdaanan ko kagabi at kanina! 

Nag-smile nalang ako imbis na ipagsasabi yung mga tiis-tiis na ginawa ko.

Blithesome Moment (Vidallon Series #1)Where stories live. Discover now